Chapter 25

2.6K 100 17
                                    

ADA

Halos 10 minutes na akong na-istatwa sa loob ng sasakyan ni Jana. Bwisit na babaeng to. Bakit ba niya ako dinala dito?!

"Hoy, Gaile di ka ba bababa?" Kunot-noo ng tanong ni Jana.

"Shit ka naman kasi. Bakit ba tayo nandito sa bahay niyo?!" Naiinis kong tanong sa kaniya.

"Wala lang, namiss ko yung bahay namin e." Walang gana niyang sagot.

Edi syempre wala na 'kong nagawa kung 'di sumama sa kaniya.

Pag pindot niya ng doorbell, may isang magandang babae na lalaki pumor-- ay este lumapit sa'min yung magandang babae para pagbuksan kami.

Nakangiti siya sakin, kulang na lang nga ay makita ko ang gilagid niya sa sobrang lawak ng ngiti.

"Nice to finally meet you." Sabi nito sakin na may pa-beso beso pa.

Familiar ang hitsura niya pero di ko alam kung saan ko ba siya nakita. Kamukha niya si Sherry. Baka magkapatid sila.

"Hehehe. Kayo rin po. Kayo po yung ate ni Sher-- I mean Jana, di'ba?" Natatanga kong tanong dito.

Tumawa siya ng napaka lakas.

"Anak, magkakasundo kami nitong girlfriend mo." Sabi nito at pumasok na ng bahay.

Literal akong napa-nganga. At nagtataka kong tinignan si Jana with we-need-to-talk look.

Namangha ako sa ganda ng bahay. Mas malaki pa rin ang bahay namin pero I can't change the fact na maganda rin ito. Mula exterior hanggang interior design.

"Doon na lang siguro tayo sa room ko para hindi ka ma-ilang kay Mama." Naiilang na sabi ni Jana.

Tumango lang ako at sumama sa kanya papunta sa kwarto niya.

Paakyat kami ng sumulpot nanaman ang Mama niya na mukhang ate niya lang.

"Doon kayo sa room mo, anak?" Tanong nito kay Jana.

"Y-yes, ma."

Ngumiti ito ng makahulugan bago nag salita, "okay, just be gentle." Pagtapos niya iyong sabihin ay nag wink pa.

Literal akong napa-nganga for the 2nd time. Ilang beses kaya ako magda-drop ng jaw sa loob ng bahay na 'to?

~*~


JANA

"Okay, just be gentle." Sabi ni Mama na may pa-wink pa.

Sabay kaming napa-nganga sa sinabi niya. Jusko, bakit ganito si Mama? Nakakahiya kay Ada.

Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kaniya, nandito na kami sa kwarto ko.

Nililibot niya ang paningin niya sa loob ng kwarto.

Dapat ba akong humingi ng sorry dahil sa mga sinabi ni Mama? Tsaka parang sinasabi niya sakin kanina na kailangan namin mag-usap e.

"A-ahm.. Ada, Pagpasensyahan mo na yung mga n-nasabi ni M-mama." Nahihiya kong sabi.

"Natawa nga ako sa Mama mo e. Akala ko ate mo lang siya." Sabi niya habang nililibot pa rin ng tingin yung kwarto.

Napakamot lang ako ng batok.

"Pero di mo naman sinabi sakin na kaya pala tayo nandito, hindi dahil namimiss mo yung bahay niyo...." Tumingin muna siya sakin bago nagsalita ulit. "Iba pala ang pagpapakilala mo sakin sa Mama mo."

"A-ah eh, hindi totoo yun. Pinagti-tripan lang ako ni Mama kasi alam nilang ayoko sa'yo but then you're here, inside my room to be exact." Sabi ko rito.

"Ayaw mo sa akin?" Malungkot na tanong nito.

"Dati." Sagot ko naman.

"Edi gusto mo na ako ngayon?"

Hindi ako nakasagot agad. Para kasing may mali sa tanong niya, tinaasan ako ng balahibo e.

"Sakto lang." Naiilang kong sagot.

Umupo ako sa kama habang patuloy siyang nakatayo at naglilibot ulit ng tingin.

"Bakit alam nilang ayaw mo sa akin?" Tanong niya.

Ano ba naman 'to. Ang dami-daming tanong.

"Syempre kinukwento kita dahil asar na asar ako sa'yo. Tsaka kilala ka nila, di'ba ninong mo ang Papa ko?" Simpleng sagot ko dito.

Tumango siya at tumingin ulit sa'kin ng saglit bago lumibot nanaman ng tingin.

"Bakit ka asar na asar sa'kin?" Tanong niya ulit.

Gusto niya kaya talaga malaman kung bakit? Kasi napaka kontrapelo niya dati. Lahat na lang ng bagay, kokontrahin niya. Lahat ng desisyon ko, kinokontra niya. Gusto niya, siya lagi nasusunod.

Pero syempre, hindi ko yun sasabihin. Tapos naman na yon. "Kasi brat ka e. Ang mean mo at ang arte." Sabi ko, which is totoo naman.

Tumango-tango lang siya na para bang sinasabi na "I'm aware of that."

Nagtataka ako dahil para bang kanina pa siya naglilibot ng tingin. Malaki ba yung kwarto ko? Napalibot din tuloy ako ng tingin.

Nabalik lang ako sa sarili ng naramdaman kong may umupo sa kama, sa tabi ko.

Naka-tingin siya sa akin. Tinitignan ko rin siya. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Matagal din kaming nagtitigan bago siya nagsalita...

"Mainis ka pa kaya sa'kin pagtapos nito?" Sabi niya bago ginawa ang bagay na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Yung labi ko.. Yung First kiss ko.

Puta, Hinalikan niya ako?!

The AntagonistOnde as histórias ganham vida. Descobre agora