Chapter 21

2.5K 82 4
                                    

JANA

Kanina pa ako inaasar ni kuya. Pasalamat siya hindi ako pikon. Pati sina Mama at Papa, kina-kantsawan na ako.

Malas talaga yun si Ada kahit kailan e. Hay.

Bakit ako naiinis ng ganito? Ito lang naman yung nangyari...

FLASHBACK

Nang bumalik ako sa table namin, ni-greet ko si Tito Adrian. Pagkatapos ay nag congrats kay Kuya Josh at kay Ada.

Hindi naman nabanggit sakin nina Papa na si Ada ang ipapakasal nila kay Kuya. Some sort of arrange marriage ba ito? Yung tipong ipapakasal sila para mas tumatag ang kumpanya ng parehong pamilya?

Pinagdasal ko pa naman na sana mabuting babae ang mapang-asawa ng kuya ko. Pero sakit sa ulo yung babae na ito.

Kanina pa ako may deep thoughts dito pero tinatawanan lang ako ng pamilya ko. May hindi ba ako alam?

"Ano bang sinasabi mong congrats sa kuya mo at kay Ada ?" Tanong ni Papa sa akin, halos maubusan siya ng hangin kakatawa.

"Sherry, nag CR ka lang naman diba. Na-flush ba yung isip mo?" Tawa rin ng tawa na sabi ni Mama.

Ay. Grabe na sila sa akin ah. Pamilya ko ba talaga sila?

Bago pa ako makapag salita ulit, may isang magandang babae ang lumapit kina Mama at Papa.

"Tita.. tito.. sorry natagalan po ako sa CR." Bati nito.

Lumapit ito kay kuya at hinalikan siya ni Kuya sa noo. Umupo rin ito sa tabi ng kuya ko at doon ko lang narealize ang lahat.

Nakakahiya ako.

END OF FLASHBACK

Napapa-sapo ako sa noo o hindi kaya'y napapa-facepalm pag naaalala ko yung katangahan ko sa dinner kanina.

Naka-uwi na kami pero hiyang-hiya pa rin ako.

"So, ayun pala si Ada. Kaya pala nabaliw ka nung akalain mong siya ang fiancé ko?" Pang-aasar ni Kuya.

Hindi ko rin gets kung bakit nagka-ganon ako kanina nung naisip ko na sila yung ikakasal.

"Wag ka mag-alala, anak. Kung gusto mo, ikaw ang i-a-arranged marriage ko sa anak ni kumpadreng Adrian." Sabat naman ni Papa.

Hay, grabe na talaga sila sa akin.

Si Mama naman ay tumatawa-tawa lang.

"Mama naman! Hindi mo man lang ako kampihan." Sabi ko kay Mama at nag-pout.

"Ang cute cute mo kasi, bunso. Pati tuloy si Ada at tito Adrian mo, napa-kunot noo kanina dahil sayo." Sabi ni Mama habang tumatawa pa rin.

Bakit ba kasi sa dinami-rami ng restaurant, doon pa nila napili e. Nakakainis talaga. Tsaka nakakahiya kay Ate Lyanne.

"Wag ka mag-alala, hindi naman alam ni LJ na inakala mong si Ada yung fiancé ko." Tawa ni Kuya.

Maiba lang, maiwas lang dyan sa pagkakapahiya ko, yung fiancé ni Kuya ay galing din sa isang kilalang family rito sa bansa. Isa rin sa mga investors sa kumpanya namin ang pamilya ni ate Lyanne.

Si ate Lyanne Jasmine Figueroa ay mag-iisang taon na palang girlfriend ni Kuya.  Grabe diba, mag iisang taon pa lang pero nag decide na sila magpakasal. Ang love nga naman, kung siya na talaga, malalaman mo na lang.

At saan ko 'yon nakuha? Siyempre, sa kuya ko. Kinwento niya sakin kung paano siya nagdecide na magpropose kay ate Lyanne.

"Hay nako, tama na nga 'yang katatawa niyo sa akin. Pag may umutot mamaya magtuturuan kayo." Sabi ko at iniwan ko sila sa sala. Umakyat na ako sa kwarto ko.

Iniisip ko pa rin, possible kasi na magkaroon talaga ng fixed marriage sa pamilya ni tito Adrian at sa pamilya ni Papa. Bukod sa business, matalik na magkaibigan kasi ang dalawa.

Nabuhayan tuloy ako ng loob. Nagkaroon ulit ako ng pag-asa na baka i-fix ang marriage namin ni Adrien my love.

Pero paano kung kayo ni Ada ang i-fixed marriage?

Shut up, mind. Hindi maaari. Baka nga may boyfriend 'yon na naiwan sa San Diego e.

Oh, bakit ka naman nalulungkot kung may boyfriend siya?

Ano ba 'tong utak ko. Abnormal at kontrapelo.

Pero teka lang ha, hindi ako nalulungkot noh. Wala naman akong pake kung may boyfriend siya.

K. Sabi mo e.

Hay, bwisit naman na utak to.

~*~

UNKNOWN

She's still exquisite even from afar. It has been a week since I am following my girl.

Just wait, babe. Just wait. I'm gonna get what is mine.

The AntagonistWhere stories live. Discover now