Chapter 45

380 18 1
                                    

ADA

Ilang araw na lang at ikakasal na yung kuya ni Jana. Pero gusto sana niya na ipaalam sa family namin ang tungkol sa relationship namin. Since napakilala niya naman na ako sa friends niya, I think it's just right na ipakilala siya sa friends ko bago namin ipaalam sa families namin ang tungkol sa amin.

So, bakit nga ba sa friends muna namin ipinaalam itong sa amin? Of course, di naman kami nakakasigurado na matatanggap kami. Pero no matter what happens, alam kong di ako itatanggi ni Jana. Baka sampalin ko siya kapag ginawa niya 'yon. Char. Hindi ko rin naman siya itatanggi.

Since nasa Cali ang friends ko na sina Krein at Loise, at nakabalik na rin doon sina ate Aila at ate Dyann, through video call ko na lang mapapakilala si Jana sa kanila as my girlfriend. I decided to tell it kila ate Aila kasi sila yung pinaka close ko sa family ko and I know they will understand my situation since we are on the same page.

Nakakakilig naman 'yon, girlfriend ko na si Sherry.

"Hoy Gaile bakit ka nangingiti-ngiti d'yan? May kabit ka ba?" Maktol ni Jana.

"B*tch. Sampalin kita e." Tugon ko sabay irap.

"Napaka sungit mo talagang babae ka! Lagi ka ba may regla?!" Reklamo niya.

I just rolled my eyes, again, as a response.

"Pinapunta-punta mo ako dito tapos mamalditahan mo lang pala ako. Uuwi na lang ako. Busy ako mag binge watching sa bahay." Arte nito.

As if uuwi talaga. E mukha ngang pupunta siya dito kahit 'di siya invited. Char ulit.

"At bakit ba ang aga aga mo ako pinapunta? Akala ko pa naman lulutuan mo ko ng breakfast. Kaso naalala ko, wala kang cooking skills." Natatawa at mapang-asar nitong sabi.

Hindi ko siya pinapansin dahil kino-contact ko na yung mga tao sa California. Bahala siya riyan magdaldal. Kung hindi ko siya girlfriend, pinaalis ko na 'yan. Charot.

"Hoy, pinapunta mo ba ko dito para panoorin ka mag laptop?" Tanong nito habang kumakain ng pancake.

Teka lang, akin 'yon e. Breakfast ko 'yon.

"Put that pancake down. Akin 'yan. Kumuha ka ng sa'yo." Sagot ko sa kaniya

"Kapag pagkain pinag-uusapan, doon ka lang mamamansin. Kaya ang taba mo e." Pang-aasar nito.

I throw a pillow at her pero nailagan niya. Dinilaan pa ako pagtapos.

Hinihintay ko na lang na sumagot sa call yung mga nasa Cali.

"Yes, girl? Why are you calling?" Loise said.

"Are you coming here in California? Is that why you're calling?" Krein asked.

"Oh, bakit napatawag ka bigla, ading? May problem ba? Do you want us to fly back there?" Tanong ni ate Aila, katabi niya si ate Dyann.

"No, ate. There's no problem. Nasa call rin sina Krein at Loise ate, as you can notice. I have something to tell you guys, that's why I called." I said.

The AntagonistWhere stories live. Discover now