Chapter 29

1.5K 46 1
                                    

JANA

Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman yung lungkot sa TIPTOP. Kahit bumalik ako sa cubicle ko, hindi pa rin nabawasan ang pag iisip ko tungkol kay Ada.

Kahit saang sulok ng company, siya yung naaalala ko. Kahit pumikit ako saglit 'pag sumasakit na yung mata ko kaka-computer, siya pa rin nakikita ko.

Hindi ko alam anong ibig sabihin noon. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Ito na ba yung tinatawag nilang pag-ibig? Pero hindi, parang ang bilis naman kasi masyado kung love na 'to.

At dahil nga nalulungkot lang ako rito sa TIPTOP, kinausap ko na si tito Adrian. Panahon na rin siguro para mag move on. Mukhang hindi na rin naman uuwi rito si Ada.

Sinabi ko kay tito Adrian na aalis na ko sa company niya. Sa totoo lang, ayaw niyang pumayag. Pride raw kasi ako ng company niya at kawalan talaga ako once na umalis ako. Pero kahit mahirap raw para sa kaniya na tanggapin ang resignation ko, ibibigay niya raw kung ano yung magbibigay sakin ng peace of mind.

Sinabi ko naman sa kaniya na tutulungan ko pa rin siya since business partners sila ni Papa. I also decided to work in our own company. Baka sakali roon, hindi ko siya masyadong maalala.

It's been a week nung pinasa ko yung resignation letter ko. Pero pinakiusapan ako ni tito na mag extend pa ng isang linggo. Gusto niya raw kasing naroon ako sa celebration ng anniversary nila.

"Jana, we only have five days to finish the preparation for the anniversary celebration, right?" Tanong ni tito.

"Yes po. Everything is settled naman na since matagal na natin na-plano ito pero na-postponed lang. Decorations na lang sa venue and yung menu for the Dinner Gala yung aasikasuhin." I answered while looking at my notepad.

"Alright. Kaya ang hirap mong pakawalan e, everything is organized pagdating sayo." Natatawang sagot ni Tito.

Hindi ko pinansin ang pagtawa niya. Dahil pamula ng sinabi ni tito na tapusin ko muna ang anniversary celebration bago ako umalis, ginugulo na ko ng isip ko. I'm wondering kung bakit itutuloy ni tito ang big event na ito? E wala naman rito si Ada. Yung anniversary celebration din kasi ang magsisilbing debut ng taga pagmana ng company.

"I know what you're thinking. You're wondering why did I decided to continue this event, right?" Tanong ni tito na siyang nagpabalik sakin sa sarili ko.

"Uhh, actually tito.. Naisip ko lang kasi na bakit mo tinuloy kahit wala si Ada rito?" Nagtatakang tanong ko.

"With or without Ada, this must be done before you leave. Hindi man maging debut ng taga pagmana yung event, isang malaking farewell party naman para sa pinaka prestigious employee ko." Laking-ngiti na sagot ni Tito.

Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti ng malungkot. How I wish makita ni Ada ang pinaghirapan niya.

Si Ada kasi talaga ang nag asikaso ng lahat ng ito. Napaka hands-on niya sa event. Hindi na nga yata namin kakailanganin ng event organizer dahil sa sobrang aligaga niya sa project na ito.

Minimal lang yung tinulong ko sa kaniya habang pinaplano lahat to. Hindi ko siya masyadong pinakelaman kasi nakita ko kung gaano siya ka-motivated na magawa ito.

She must be proud of herself 'pag nakita niya kung gaano kaganda yung event na siya ang nag ayos ng lahat. Kaso sayang lang kasi wala naman siya rito.

Ada, please come home. Your event is waiting for you.

~*~

ADRIAN GARCIA

Oh, gulat kayo 'noh? Akala niyo hindi ako magkakaroon ng point of view 'noh? Nagkakamali kayo! Keme.

Una sa lahat, don't judge me based on my decisions. Ginagawa ko lang yung part ko. Isa pa, you'll thank me later, I swear.

Pinayagan ko si Jana na mag resign kasi gusto kong tulungan niya naman ang Papa niya. Nagawa niya na yung part niya sa company ko, more than her part pa nga yung na-accomplish niya.

Hiningian ko pa siya ng one week hindi para pahirapan siya sa event, kung 'di para maabutan niya at makita doon sa event yung bitch kong anak.

Hindi ako tutol kung magkakatuluyan sila. Mas gusto ko nga 'yon e. Pero ewan ko lang sa magulang ni Jana at sa asawa ko kung ayos lang ba sa kanila yung mga pinag iisip ko.

Ginagawa ko 'to hindi para ipilit na magkatuluyan sina Jana at Ada, kundi para mabigay sa anak ko kung ano man ang magpapasaya sa kaniya.

Kakausapin ko na lang yung asawa ko at sina kumpadreng Jon at kumareng Sherlie tungkol sa mga plano ko para sa mga anak namin.

~*~

JANA

Two nights na lang, anniversary celebration na. Maayos na ang lahat, from the invitations to the programme.

Pinayagan ako ni tito na maglinis-linis na ng cubicle ko since mas maaga kong natapos i-finalize yung event. Kaunti lang naman yung gamit ko rito sa office. Kung meron man akong kailangan ligpitin, ayon yung mga gamit ko sa condo.

I decided to sell my unit. Kahit saan na lang kasi, si Ada pa rin naaalala ko. Sa office, sa restaurants, sa park, sa kahit saan. Kahit 'di pa naman napuntahan na magkasama siya pa rin naaalala ko. Ano ba kasing ginawa sa'kin nung babae na 'yon?

Siyempre, kung meron mang lugar kung saan ko siya pinaka maaalala, sa condo 'yon. At probably sa kwarto ko sa bahay namin kasi doon kami nag kiss dib-- teka nga, bakit ba kasi naaalala ko pa 'yon up until now.

Hindi ko alam kung sinong nakabili ng unit ko, pinabenta ko lang kasi sa mga ahente ng real state nung building. Binayaran agad-agad nung araw na nabenta 'yon pero hindi nagmamadaling lumipat. Siguro mayaman yung nakabili.

Nag early out na lang ako sa office para isa-isahin na yung mga gamit ko sa condo na hindi kasama sa binenta ko. Kaka-start lang ng engine ng sasakyan ko, naisip ko na agad yung struggle pag nasa loob na ko ng unit. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung 'di si Ada.

~*~

Naghahanap na ako ng parking space. Nakakapagtaka naman, maaga pa pero pahirapan ng humanap ng pwesto dito sa parking.

After five minutes, may isang familiar na sasakyan ang lumabas ng parking. Hindi ko sure kung saan ko ba nakita yung sasakyan na 'yon. Baka rito lang rin sa building.

Pagbaba ko ng kotse, naglakad na agad ako papunta sa elevator. Halos patapos na rin naman akong magligpit ng mga gamit kasi nasimulan ko na mag pack bago ko pa ipabenta yung unit.

Nakita kong maraming nakapila sa elevator kaya nag lakad-takbo na ako para maka-sakay agad. Kaso lang, nasaraduhan na ako ng pinto bago ko pa marealize na natulala ako sa tapat mismo ng elevator.

May isang babae na pumukaw sa atensyon ko. Naka-side siya since medyo masikip na sa elevator. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang pisngi na 'yon.

Si Ada 'yon.

The AntagonistWhere stories live. Discover now