Chapter 14: Part 1

2.8K 93 11
                                    

JANA

Napaka clingy ni Ada. Marami pa akong tinatapos na paperworks para bukas e.

Nakahiga siya ngayon sa lap ko habang inaayos ko naman ang mga papers. Nandito kami sa kwarto ko.

"Love, mamaya na 'yan. Dad will understand if you're unable to finish that." Pagta-tantrums ni Ada.

"Hindi pwede, love. Big time yung client bukas e." Paglalambing ko sa kaniya.

Itong si Ada Gaile nawiwili sa MOMOL namin kaya ganito e.

"Love naman e. Puro ka na lang work. How about me?" Pagmamaktol niya.

"Later, love I'll prioritize you in bed." Sabi ko sa kaniya in a seductive way.

Namula naman agad siya at halatang kinikilig. Hindi ko na matiis ang babaeng 'to kaya itinabi ko na yung mga papel at umayos na kami ng pagkakahiga.

"Love, gising na." Sabi niya nung hahalikan ko na siya.

Ano raw? Gising na?

*Krinnnnnnggggg*

Maingay na tunog ng alarm clock ko.

Napalingon ako sa gilid ng kama at nakitang wala doon si Ada.

Teka... PANAGINIP LANG YON!! HAY, SALAMAT! AKALA KO NAMOLESTYA NA AKO NI ADA GAILE.

Pero teka, bakit naman ako nanaginip ng ganoon? Tsaka, kadiri lang. Parang kami doon sa panaginip ko e. Hahalikan ko pa nga, jusko! Salamat at nagising ako bago mangyari 'yon.

Hawak ko pa rin ang mga papel. Nataranta ako at isa-isang chineck ang mga 'yon. Hayy, Salamat naman at natapos ko lahat. Siguro ay nakatulugan ko na dahil sa pagod.

Chineck ko ang phone ko at muntik ko na itong maibato ng makita ang 30 unread messages at 50 missed calls mula kay Shara.

Ano naman kayang problema ng babaeng 'to? Miss niya na siguro ako.

Agad kong dinial ang number niya at..

"JUSKO, JANA! MABUTI AT NAGRESPONSE KA NA!!! WAAAA!!" Maingay na tinig ni Sha mula sa kabilang linya.

"Pwede ba? Hinaan mo 'yang boses mo. Wala ako sa kabilang bundok. Nakakabingi ka talaga kahit kailan." Inis na sambit ko rito.

"Mamaya ka na mag inaso, Jana!! Anak ng tipaklong naman e!! May malaki tayong problema!!" Halos magkanda bulol na siya sa pagsasalita.

"Ano ba 'yon?" Mahinahon kong tanong.

"Naku, Jana! Kailangan natin magkita after ng board meeting. Importante 'to, jusko." Natatarantang sabi niya.

Mukhang emergency talaga ito at kailangan naming mag usap.

"After the meeting, uuwi na ako. Dito na lang tayo sa unit ko. Dala ka foods ah. Hahaha!" Sagot ko rito at nagpaalam na bago i-end ang call.

~*~

The meeting gone well. Nakuha ang approval ng big time client at may celebration after office hours.

Dumiretso ako sa office room namin ni Ada after the meeting. Maya-maya pa ay nakita kong papasok rin siya kaya dumiretso ako sa loob ng kwarto ng office.

Hindi ko rin alam kung bakit ko siya iniiwasan. Basta ang pakiramdam ko, dapat ko siyang iwasan.

Bago ko pa maisara ang pinto ng kwarto, pumasok rin si Ada at siya ang nag lock nito.

Nakakapagtaka ang kinikilos niya. Pinabayaan ko na lang at naupo sa kama. Bago pa ako makapag react ay nakaupo na rin siya sa tabi ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Of course, not. What makes you think na iniiwasan kita?" Confident kong tanong dito.

"Your actions." Madiin nitong sabi.

Natahimik ang buong kwarto. Before I knew it, she's trying to kiss me. I immediately stand up.

"What do you think you're doing, Ada?!" Gulat kong tanong sa kaniya.

"I just wanted to say sorry. If there's something I've done, I am really sorry." Mahinahon at mahina niyang sabi bago lumabas ng kwarto.

Ano bang nangyayari sa akin? Sa amin?

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon