Chapter 44

831 39 3
                                    

JANA

Walang-wala pa yung pagmamaldita ni Ada na pinakita niya. Mabait pa siya sa lagay na 'yon.

"Hoy Jana, anong sabi mo kanina? Ano mo to si Ada?" Panghahamon ni Cheska sa akin.

Ginatungan naman nina Paul, Emy, at Rosie ng pang-aasar yung sinabi niya.

"Girlfriend ko si Ada. Guys, girlfriend ko si Ada." Paglilinaw ko sa kanila. Binigyang diin ko pa ang salitang girlfriend at tinignan si Amber habang sinasabi 'yon.

Naiintindihan ko rin naman yung point niya pero OA masyado para pagsalitan si Ada ng ganoon.

Nagpalakpakan naman ang mga loko at kinikilig-kilig pa. Namumula na tuloy sa hiya si Ada.

"Kaya pala ayaw sagutin si Ben." Dagdag ni Shara sa pang-aasar nung iba.

Tumawa na lang ako. Pero sana hindi na lang. Nalagay yata sa alanganin yung pagtawa ko.

"Who's Ben?" Tanong ni Ada na pumutol sa kasiyahan naming magkakaibigan.

"Jowa ni Shara yun." Natatawang singit ni Roxy.

"Hoy! Hindi pa noh. Marinig ka ni Mama, yari ka talaga sa'kin!" Sabi ni Shara at kinotongan pa si Roxy.

"Hindi PA ?" Tanong naming lahat.

Namula lang si Shara at inirapan kami. Si Amber ay hindi nakikisama sa amin, nahiya rin siguro sa nangyari.

Sasapit na rin ang gabi noong napag desisyunan naming umuwi na. Masaya akong napakilala ko na si Ada sa mga kaibigan ko.

Tahimik lang si Ada kahit nung makarating na kami sa kwarto niya.

"Love, are you okay? May problem ba? Wag mo na isipin yung mga sinabi ni--" Kukumustahin ko sana siya pero pinutol niya ako.

"Who's Ben?" Diretso siyang tumingin sa akin habang tinatanong yon.

"Ah. Wala yun, kaibigan namin back in Highschool. Nag try manligaw sa akin pero matagal na 'yon. At alam naman niya na friends lang kami. Bakit? Nagseselos ka ba? Selosa pala si Ada Gaile?" May halong pang-aasar kong sabi.

Tanging irap lang ang sinagot sa akin.

"Pero hindi nga, ayos ka lang ba? Yung mga nasabi ni Amber, wag mo na pansinin yun." Pag-aalala ko.

"I don't care about her." Maikling sagot niya.

Napatango na lang ako. Tahimik pa rin siya at nag cellphone na lang.

"Pick-up'in natin bukas yung damit sa tailor nila Kuya ha. Para mapaayos agad kung sakaling may problem sa fitting." Pagbasag ko sa katahimikan.

Nag okay sign lang siya sa akin. Aba, maldita. Naiinis na ako ha, 'di ako pinapansin.

Kinuha ko yung isang kamay niya at tinadtad ng halik. Nakita ko namang nawala na ang poker face niya at unti-unti ng nalalagyan ng ngiti. Maya-maya tinutusok-tusok ko yung tagiliran niya para makiliti siya at pansinin niya na ako.

"Stop." Madiin niyang sabi, pinipigilan ang pag tawa. Pero hindi ako nagpatinag at kiniliti pa lalo siya.

"Love, stop it." Tawang-tawa niyang sabi.

The AntagonistWhere stories live. Discover now