Chapter 1

7.4K 159 39
                                    

JANA

"You can't marry a man you've just met."

Finally! Mabuti naman at natauhan ang Disney at may isang prinsesang nakapagsabi na hindi mo puwedeng pakasalan ang lalaking kakakilala mo lang. Ang cliché naman kasi ng Disney Princesses di'ba. Lahat ng Prince Charmings nila, pinakasalan nila. Love at first sight. Tch. Korni.

Mabuti na lang nabuhay si Elsa ng Frozen. Bukod sa maganda siya at nabubuhay siya sa reyalidad, paborito ko siya sa lahat ng Disney Princesses dahil cold-hearted din ako.

Kung iniisip niyo na may tragic na nangyari sa buhay ko kaya ako naging cold-hearted, nagkakamali kayo. I was born with a cold heart. Oh yes. Haha.

I am currently watching Frozen for the nth time. Ito lang kasi talaga yung cartoon na pinapanood ko until now. Imagine, I'm 19 and yet nanonood pa rin ako ng Frozen. Well, I always got the child in me.

I almost forgot to introduce myself. I'm Jana Sherry DelaCruz, 19, Philippines !! Charot. Haha.
I belong to a great family. Our family name is known in the country since yung Papa ko ay isa sa pinaka influential na tao sa bansa. He is Jon DelaCruz.

Papa came from a poor family. Sa totoo lang, High School lang ang natapos niya sa hirap ng buhay nila noon. Pero dahil masipag at madiskarte siya, naging successful pa rin siya. Sipag at tiyaga lang daw ang sikreto sa lahat, sabi nga niya.

High School si Papa nung makilala niya ang Mama ko. She is Sherlie Alfonso-DelaCruz. Yep, her maiden name sounds so rich, kasi nga naman Mama is a product of an elite family. Dati raw ay nahirapan ang mga magulang ko sa pagsasama nila, dahil noong una ay hindi tanggap si Papa nina Lolo at Lola (mga magulang ni Mama). Pero pinatunayan ni Papa ang sarili niya at nakuha niya ang loob ng mga ito. Ang bilin naman ni Mama, lagi raw sundin kung ano ang sinasabi ng puso. Dahil iyon ang tunay na makapagpapasaya sa atin.

Dalawa lang kaming magkapatid ng kuya ko. Ang pinaka preskong kuya sa mundo. Josh DelaCruz. He is my forever kaaway but my partner in crime at the same time.

And me? The prettiest bunso in the world. Jana Sherry DelaCruz. My friends and people outside call me Jana but my family calls me Sherry. My second name is really special sabi ng Mama ko. I really don't know why pero dahil sinabi niya, sige payag na ako. Haha.

I am now in third year college, of course, yung kurso ko ay tungkol sa business dahil na rin sa impluwensya ng pamilya.

Nung nag 18 ako, binilihan ako ng condo unit ni Papa. Para daw maging independent ako at para malapit sa University na pinapasukan ko. What's good about my parents is that they taught us how to live normal. Hindi porket may kaya kami, basta basta na lang namin makukuha lahat. Mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag dumaan ka muna sa sariling paghihirap bago mo makuha ang gusto mo.

That's why I am living in my unit. Si Papa ang namili nito. Pangalawa sa dulo ang unit ko. Balita ko, yung mga units sa floor na ito, elites ang nagmamay-ari. Siguro para na rin sa security ng bawat isa kaya nasa pinaka mataas na floor kami. Oo nga pala, I am a working student. I work at TIPTOP Corp. Iba't ibang klaseng work din ang ginagawa ko sa kompanya na iyon pero kadalasan, paper works at computer works.

Back to reality, nandito ako ngayon sa kwarto ko, dito sa unit ko. I was about to sleep dahil may pasok ako bukas, kaso may kung anong ingay sa katabing unit.

"What?! Seriously, Dad?!" Dinig ko mula sa kabilang unit.

Isang matining na boses ng babae.

Mukhang may bago akong kapitbahay at mukhang hindi yun magandang balita.

The AntagonistWhere stories live. Discover now