☪️ CHAPTER 3☪️

4.1K 166 1
                                    

Hellia POV:

"Hellia wake up." unti-unti kong minulat ang aking mata dahil sa pagtapik-tapik ni Caden sa aking mukha.

Napaayos ako sa pagkakaupo at napatingin sa bintana.

"Are we here?" tanong ko sabay tingin kay Caden.

"Almost." tipid nyang sagot kaya napatango ako habang nakahikab at nag-unat ng kamay.

A few minutes huminto ang sinasakyan namin. Sabay kaming napatingin ni Caden sa harapan ng sasakyan.

"I think we're here." Saad ni Caden at binuksan ang pinto saka lumabas. Sumunod naman ako sa kanya at dumiretsyo sa likod ng sasakyan dahil nandoon ang gamit namin.

Kinuha ko ang luggage ko at kinuha din ni Caden ang sa kanya.

"Let me handle that." kukunin sana ni Caden ang luggage ko pero di ko binigay bagkus nilayo ko ito sa kanya.

"No, I can handle this ku-Caden." hayst di ako sanay na di nya tawaging kuya pero masasanay rin ako pagtumagal.

"Ok then, let's go in." ngumite ako sa kanya.

Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang mataas na gate.

Why I have this feeling that this academy is so creepy? 〜(><)〜

Hayst imagination ko lang yun dahil nung niresearch ko ang Academy na to ay wala namang nakakatakot na ganito ganyan maliban nga lang sa mga brats students.

Napaatras ako sa gulat dahil biglang bumukas ang gate na mag-isa.

"Prrff." sinamaan ko ng tingin si Caden or I should say kuya Caden.

"It's not funny." inis kong sabi at inunahan syang pumasok.

Ikaw kaya magulat na lutang ka tapos biglang may nangyari sa harapan mo na biglaan na hindi mo alam.

"Hey wait for me!" Natatawang sigaw nya. Hindi ko sya pinansin bagkus ay naglakad lang ako ng mabilis. Parang hindi na gaano masakit ang paa ko.

"Hey sorry." hinging tawad nya at hinawakan pa ang balikat ko.

"Hmpp." inalis ko yung kamay nya sa balikad ko at hindi sya tiningnan pero hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Ang bilis mo talaga mapikon Hell." Napataas ako ng kilay sa kanya pero hindi ko na lang pinansin bahala sya magsalita dyan.

"Sige ka pag hindi mo tinanggap ang sorry ko iiwan kita dito. Gusto mo kiss na lang kita." nakangusong sabi ni Caden na hinarangan ko naman ng palad ko ang bibig nya.

"Eeeeh oo na oo na. Happy?" pilit na ngite kong sabi sa kanya na ikinatango-tango naman ni Caden.

Psh. Nag-iisip bata na naman si kuya. HEHEHEHE pero mas cute ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Caden na magkahawak kamay ay napatingin ako sa paligid.

"Huh? Bakit walang mga student?" taka kong tanong.

Hmm baka nasa mga classroom sila or wala lang talaga pasok. First Day namin ni kuya but sabi ni mom hindi muna daw kami papasok tutal unang pasok palang namin.

"I think nasa classroom na sila. Hayaan mo na at pumunta na tayo sa HM." sabi ni kuya at hinila ang kamay ko

Napatingin ako sa isang floor ng building may nakita akong tao nakadungaw kaya kinawayan ko sya pero agad syang umalis.

"Psh, Ang sungit." komento ko.

"Ano yun hell?" napatingin ako kay Caden na nakakunot ang noo.

"Wala." umiiling kong sagot sa kanya.

Feel ko talaga may iba dito sa school na to. Ewan ko lang kung ano yun. May hindi ba sinasabi sina mom and dad sa akin tsk ayaw naman kasi nila sabihin sa akin kung ano yun hmm baka may alam ni kuya.

Bitawan ko ang kamay ni kuya at ang gamit ko saka pumunta sa harap ni caden.

"Caden sabihin mo nga sa akin ang totoo. Anong meron sa school na to?" parang mas matanda ako sa kanya sa pagkakasalita ko.

Sana naman sabihin nya na para naman makaalis ako pagdelikado ang school nato.

"Mafia's, Gangster and Assassin." nanlaki ang mga mata ko. (〇_o)

Kaya pala ang creepy ng dating ng school nato yun pala puno ng mga basuguliro at nakakatakot na tao.

"B-bakit d-di mo man lang sinabi sa akin?" gusto ko ng umiyak dahil natatakot na ako.

"Hush wag kang iiyak. Alam naman namin nila mom na kapag sinabi namin sayo di ka papayag na papasok dito." napakagat ako ng labi para pigilan umiyak.

Ayaw ko dito. Mas ok na ako sa dati kong school kahit puno ng mga plastic doon.

"Uuwi na ako." madiin kong saad pero umiiling sya.

"Hindi na pwede umuwi Hell." nagtaka naman ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin na hindi na pwedeng umuwi?" Kung kanina naexcite ako pumasok pero napalitan lang yun ng takot.

"Hindi na pwedeng umuwi dahil permanente na kayo dito. Makakalabas lang kayo kung mayroon kayong gate pass mula sa mga pinakapinuno ng eskuwelahan nato." napatingin kami ng sabay sa isang lalake at nakauniform sya, mayroon syang badges sa gilid ng kuwelyo nya.

Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa.

"Base on your suit, are you one of them?" kakaiba ang suot nya kung ibabase sa ibang studyante dito dahil nakakita ako ng isa.

"Matalino ka para mapansin agad yun." nakangising puri nya pero hindi ko iyon nagustuhan.

Agad ko syang sinakal at nakita kong mas lalong lumaki ang ngise nya na ikinagalit ko.

"Ibigay mo sa akin ang gate pass." madiin kong utos sa kanya.

"Kakapasok mo palang sa academy gusto mo na agad lumabas. Such a Coward." mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa leeg nya.

"Hindi ako nakikipagbiruan." dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa leeg nya ng napansin kong bahagya syang nagulat.

"Bitawan mo ako!" may kung sino nagtakip sa mga mata ko at may isang braso sa tiyan ko pahila palayo sa lalakeng hambog.

"HELLIA THAT'S ENOUGH!" pigil sa akin ni Caden, sya pala ang nanghila sa akin.

Gusto ko ng makalabas dito hindi ko ibubuwis ang buhay ko para lang makapag-aral dito.

"Kung gusto mo talaga makahuha ng gate pass ay kailangan mong makipaglaban at manalo pero sa ngayon sumunod muna kayo sa akin dahil kanina pa naghihintay ang matandang hukluban sa inyo."

Tinanggal ko naman ang pagkakahawak sa akin ni Caden at sinamaan ang lalakeng hambog.

"Hellia wag mo na ulit gagawin yun mas pinapahamak mo lang ang sarili mo. Kung ayaw mo talaga dito mag-aral ako na lang gagawa ng paaraan, ok?" napangite ako sa binitawang salita ni Caden.

Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. Kaya love ko tong si kuya dahil kung ano ang gusto ko ginagawa nya pero galit parin ako sa kanya dahil naglihim sya.

"Such a cool name like a color of yo-"

"SHUT UP!" putol sa kanya ni Caden kaya nagmake face ako kay hambog.

Narinig ko naman syang tumawa ng mahina dahil sa ginawa ko. Naparoll eyes na lang ako psh.

"Ok, so lets go." aya nya sa amin. Padabog ko naman kinuha ang gamit ko at sumunod sa kanila.





Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon