☪️ CHAPTER 50☪️

1.2K 92 18
                                    

HELLIA POV:

Nasa labas kami ng mga tent namin kung saan nakapalibot kami sa bonfire dahil sabi sa amin ng HM kakanta kami bago matulog.

Nakaupo kami sa mga malalaking puno ngunit ang iba nilagyan ng sapin ang lupa upang makaupo sila at ang iba naman mas piniling tumayo.

Hindi ako sumasabay sa kanta nila dahil ang utak ko ay inaalala ang nangyari kanina.

'Bakit gagawin ni kuya Caden yun? May dahilan ba? Dahil ba sa init ng ulo nya?'

"Oyy! Pretty Hellia." Siniko ako ni nine para sa kanya mabaling ang atensyon ko. "Sumabay ka na sa pagkanta namin kanina ka pa tahimik dyan eh staka yung nangyari kanina? Wag mo na aalalahanin yun normal lang sa mga istudyante ang ganong pangyayari ikaw lang masyadong nag-aalala eh." inakbayan ako ni nine habang binabangga nya ako gamit ng katawan nya.

Nakapoker face lang ako at hindi ako kumikibo.

"Oyy smile ka naman dyan." binangga din ako ni moonia na katulad ng ginawa ni nine sa akin.

Nagsmile ako ng pilit, "Hayst." sabay nilang react sa ginawa ko.

Kung sa tingin nila madali lang sa akin kalimutan ang isang bagay pero hindi, nakapatay ang kuya ko ng isang istudyante. Buhay ang nakasalalay na pinaglalaban namin ngunit ngayon nakapatay sya.

Pinapahalaga nya ang buhay ko pinapahalaga din nya ang buhay nya ngunit ano itong nangyayari?

Mali ba ako?

Kailangan ko bang pakinggan ang paliwanag ni kuya bago ako magreact sa ginawa nya? Hindi ko alam kung ano gagawin ko naguguluhan na ako.

"Caden halika sumabay ka muna sa pagkanta namin bago matulog." napatingin ako kay mike sabay tingin sa kanan ko kung saan sya nakatingin.

Nakita kung papalapit sa amin si Caden ngunit napansin ko na parang gusot-gusot ang damit nya at ang buhok nya ang gulo. Napansin ko din na namumugto ang mata nya na parang kakagaling lang sa iyak.

Nakikita ko ang mukha nya dahil sa bonfire namin na malakas ang apoy.

Hindi nya pinansin si mike ngunit tumingin sya sa akin ng blanko saka kami nilagpasan. Napayuko naman ako, mukhang ako ang mali sa aming dalawa dapat hinayaan ko muna sya magpaliwanag.

Bukas ko na lang sya kakausapin hayaan ko muna sya mapag-isa. Bumalik ulit ang tingin ko sa bonfire at tinukod ang aking kamay sa aking likuran ngunit napatingin ulit ako sa likuran at tiningnan ang aking palad ng may nakapa akong basa.

"Lia may problema ba?" napatingin ako kay moonia pero sya ay napatingin sa palad ko at biglang nanlaki ang mata nya.

"Hala bakit may sugat ka?! Tara sa tent may first aid kit ako doon." hihilain sana ako ni Moonia ng pinaharap naman ako ni nine sa kanya.

"Patingin." hinawakan ni nine ang palad ko saka ito tiningnan pati si Charlie at mike ay nakikitingin din.

Kinunutan ko lang sila noo dahil akala nila may sugat ako kung may sugat man ako dapat naramdaman ko.

"P*tang ina! Saan mo nakuha to?!" nagulat ako ng biglang nagmura ng malakas si nine kaya ang mga kumakanta ay napatigil at napatingin sa kanya.

"Miss Roa your behavior." warning sa kanya ni Prof Sophia na katabi ang kanyang asawa.

Agad ko naman hinila ang kamay ko kay nine dahil nakakahiya.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now