☪️CHAPTER 36☪️

1.7K 87 2
                                    

FLYNN POV:

Napailing na lang ako habang nakatingin sa lumalayong zero.

Haist hanggang ngayon hindi nya matanggap ang nangyari sa kaibigan nga.

Nilingon ko naman si Damion na pinupunasan ang kanyang labi at kinakapa ang kanyang mukha.

"Aiissh" daing nya.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na wag ka ng lalapit kay Zero dahil matatalo ka lang sa kanya. Gusto mo talagang masaktan noh?" medyong inis kong sabi sa kanya.

Kung nandito lang si C-mysterious ay mapipilitan na magkaayos ang dalawang to ngunit wala eh.

"Bakit ba?! Binibiro ko lang naman sya about kay hellia." sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

Anong kinalaman ni princess sa pag-aaway nilang dalawa kung ang kaibigan lang naman ni zero ang punot-dulo ng pag-aaway nila.

"Tsk. Yun na nga ang problem sayo eh masyado kang mapang-asar at masyado ka din kampante pagkaharap mo sya baka nakakalimutan mo na magkaaway na kayong dalawa." paalala ko sa kanya.

"At isa pa anong kinalaman ni Hellia sa ayaw nyo?" dugtong ko pa.

"Wala tinatanong ko lang kung may gusto sya kay Hellia." biglang sumeryoso ang mukha ko ngunit hindi ko yun pinahalata.

"Tsaka wag mo nga paki-alaman ang buhay ko hindi mo naman to pag-aari kung makasabi ka kala mo sayo to." inis nyang sabi at binangga pa ang balikat ko bago umalis.

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa tigas ng ulo nya. Hindi naman sa pinapaki-alam ko ang buhay nya gusto ko lang naman na ipaalala sa kanya na hindi na sila magkakasundo ni Zero.

At hindi nila pwede na idamay si Hellia sa pag-aaway nilang dalawa kung madamay man si Princess ay kakalimutan na nilang na ako ang taga-pigil ng ayaw nila at kakalimutan na nilang na isa ako sa kaibigan nila.
.
.

DAMION POV:

Tsk. Palagi na lang sya nakikisingit sa problema ng iba palibhasa kasi hindi marunong magalit at hindi kasali sa problema namin.

Anong magagawa ng pagdamay nya? Maayos ba ang samahan namin? Hindi diba? Tsk.

Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong umiiyak. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Hellia na nakaupo sa ilalim ng puno na umiiyak.

"Ano na naman dinadrama ng babaeng to?" nakakunot kong tanong sa hangin.

Pinuntahan ko sya at tumayo sa harapan nya. Mukhang naramdaman nya naman na may tao sa harapan nya kaya tumingala sya sa akin pero agad naman syang umiwas at pinunasan ang luha nya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya ngunit hindi ko pinansin at tinanong sya.

"Bakit ka umiiyak?" balik kong tanong at bumaba para pumantay sa kanya.

"Nadapa ka ba? May nang-away ba sayo?" natatawang tanong ko sa kanya dahil mukha syang batang uhugin ngayon.

"Baliw! Hindi." sagot nya.

Umupo ako sa tabi nya at bigla syang nataranta at lumayo sa'kin na ikinataka ko. Maya-maya pumasok sa isipan ko ang nangyari sa library noon.

"Don't worry I won't do that again." sincere kong sabi.

Bumuntong hininga sya at bumalik sa kanyang pwesto. Ang bilis nyang magtiwala sa isang sabi lang pano kung ibang tao ang nagsabi nito sa kanya baka may nangyari na sa kanya ng masama.

Haist!

Demonyo nga pero inosente naman saan ba to nagmana?

"So, hindi mo ba sasabihin kung bakit ka umiiyak?"

"Hindi ako umiiyak napuwing lang ako." sagot nya.

HAHAHA ang reasonable ng sagot nya kahit sino walang maniniwala sa sinabi nya.

"May napuwing bang halos bumaha na sa kakaiyak?" tanong ko at nakita ko namang lumingon sya sa akin.

"Pake mo ba!? Eh ikaw ang ginagawa mo dito?" at sya naman ang nagtanong sa akin.

"Napadaan lang hanggang sa may narinig akong alingaw-ngaw." sabi ko.

Napatahimik sya at maya-maya bigla nya akong hinampas-hampas ng kamay nya.

"Anong alingaw-ngaw huh?!" inis nyang tanong na tinawanan ko.

Nagalit na si Little Tiger HAHAHA. This is the first na may babaeng nagpapatawa sa'kin in just a simple things.

Pinigilan ko ang kanyang kamay at tiningnan sya ng seryoso at nakita ko naman pagkagulat sa kanyang mukha.

"Bitawan mo nga ako." inis nyang sabi na agad ko naman binitawan at tumingin sa harapan ko.

"So, friends?" out the blue moon kong tanong.

"Huh?!" gulat nyang tanong. "Bakit ako makikipagkaibigan sayo? Eh gusto mo nga akong gahasain." she said at umusog palayo sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumingala sa taas ng puno habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa likuran.

"Haist nangungusinsya ka talaga noh? Sige na." payag nya.

Lumingon ako sa kanya at nginitian sya, yung totoong ngiti narinig ko naman syang napasinghap.

"Wag ka nga ngumite mukha kang manyak eh." nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

Damn! Sya kanya nga lang ako ngumiti ng totoo tapos sasabihin nya pang pangmanyak ang ngiti ko?

"Oh!" napatingin ako sa kamay nya at nakalahad ang isang daliri.

"Ano naman yan?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Duhh! pinky swear ganito kasi yun." kinuha nya ang kamay ko at pinagcross ang daliri namin.

"Ayan, simula ngayon friends na tayo at mangangako ka kahit ako na hindi natin sasaktan ang isa't isa." nakangiting saad nya.

Tumango ako "Pangako." sabi ko at tinanggal ang pagkacross ng aming daliri.

"Teka... anong nangyari dyan sa mukha mo?"

Tanong nya at lumuhod sya kasabay ng pagtukod ng kanyang isang kamay sa lupa at ang isa nyang kamay ipanghahawak sana sa mukha ko ngunit may naghila dito dahilan mapatayo si Hellia.

"Nandito ka lang pala, kailangan mo ng magpahinga sa dorm mo." saad ni caden sa kanyang kapatid at hinila ito.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na wag kang lalapit sa mga lalake dahil hindi sila mapagkakatiwalaan?" rinig kong saad ni caden hanggang lumalayo sila.

"Eh kaibigan ko na sya." depensa ni Hellia.

"Hindi mo na kailangan ng lalakeng kaibigan, babaeng kaibigan ay sapat na." huling rinig ko mula sa kanila.

I smirk, well sa pagkakataon na ito ay kaibigan ko na sya pero nasa sa kanya parin kung hindi sya lalapit sa akin.

Napahiga ako sa lupa at ginawang unan ang ugat ng puno at tumingin sa langit.

'Hays little kitten ikaw lang nagpapabago ng mga desisyon ko palagi.'

Emperor's Obsession (Hiatus)Место, где живут истории. Откройте их для себя