☪️ CHAPTER 14☪️

2.7K 138 17
                                    

HELLIA POV:

Nakangise lang sya habang nakatingin sa akin.

"Oh talo ka sa deal natin." ngiteng tagumpay amp.

"Pasensya pero di pa ako... TALO!" sigaw ko sabay ikot ng katawan ko at ang paa kong isa ay nakalapag lang sa sahig at pinatungo ito sa dalawa nyang paa na parang sisipain ko sya.

Ang balak ko lang ay matumba sya sa sahig.

Hindi nya inaasahan ang galaw ko na ikinataka ko sa kanya kaya agad syang napahiga sa lapag.

Tumayo ako at hinawi ang kunting hibla ng buhok sa aking mukha. Makati sa mata eh.

"Arrgghh." Daing nya na ikinahawak nya sa kanyang braso.

Oppps mukhang napilayan sya pero wala akong pake kaysa naman hihilain nya ang buhok.

Ang ayaw ko sa lahat yung ginagalaw ang buhok, ang mahal mahal ng shampoo na ginagamit ko sa buhok tapos hahawakan lang nila ang magandang buhok ko.

No way!

"You cheated!" inis nyang sabi at unti-unting bumabangon.

May lumapit naman sa kanya para tulungan syang tumayo at alam nyo sino ang mga yun, kundi ang mga kampon nya.

"Wag nyo akong hawakan!" nagulat ang kasamahan nya dahil sa sigaw nya.

Ahm... mukhang nagalit ko ata sya dahil sa ginawa ko pero hindi naman pandaraya yun.

Wala naman akong hawak na ibang weapon para patumbahin sya.

"Atleast napatumba kita kaya ikaw ang natalo." depensa ko.

"Suntukan ang usapan, walang patumbahan." matalim nyang sabi sa akin habang tinutulungan ang kanyang sarili na makatayo.

"HEHEHE pasensya na nakalimutan ko... BABYE!" Sigaw ko sabay talikod sa kanya at hinila si caden patakbo.

"HABULIN SILA!" galit nyang utos sa mga kasamahan nya.

Walang pake alam ang ibang studyante dahil hindi naman nila leader si itlog.

Takbo lang kami ng takbo ni caden habang tumatakbo kami pinapangaralan ako ni kuya.

"Kung kanina sumama tayo sa HM office edi walang problema. Oh ngayon dahil sa ginawa mo hinahabol tayo. Gusto mo bang mamatay ng maaga Hellia? Akala ko ba gusto mong makalabas dito ng buhay huh?!"

Huminto ako kakatakbo at ganon din sya na hingal na hingal.

"Bakit tayo sasama sa baliw nayun? Eh wala naman tayong ginawa ah, yung mga kasamahan nya naman diba ang nauna. Kung hindi lumapit ang mga kasamahan nya sa atin hindi sila masusuntok."  nagsisimula na akong mainis sa kuya ko, parang sya na lang ang tama lagi. Tsk.

"Hindi mo alam kung bakit ko sinuntok ang isang lalake, right?" 

"Hindi, bakit?" mabilis kong tugon sa tanong nya na agad nyang ikinatampal ng kanyang mukha.

May mali ba sa sagot ko?

"Parehas talaga kayo ni mom. Ok, e-explain ko s-"

"AYUN SILA!" sabay kaming napatingin ni caden sa kaliwa namin.

"Aaaiisssshhh TAKBO!" tinapik-tapik pa ni kuya ang braso ko sabay takbo nya kaya nataranta ako at tumalikod pero paglingon ko di ko na makita si caden.

Saan ba sya tumakbo? Sa kaliwa o kanan? sa kanan? baka sa kaliwa, hindi sa kanan talaga.

Because right is always right.

Tumakbo ako patungo kanan at lumiko pa dahil may building nakatayo.

"HABULIN NYO ANG BABAE DITO KAMI!!!" rinig kong sabi ng isang lalake.

Maghahati pa sila eh dito naman dumaan si Caden mga tanga HAHAHA.

Habang tumatakbo ako parang pamilyar sa akin yung tinatakbuhan ko.

Wait...

Ayy ito pala yung place na iniwan ako ni caden para kumuha ng pagkain.

"BILISAN NYO ANG BABAGAL NYONG TUMAKBO." napalingon ako at nakita kong paparating na sila kaya nataranta ako.

Habang di ako maka-pakali may nakita akong isang puno kaya doon ako tumakbo at nagtago sa likod.

"Kung ikaw kaya tumakbo ng mabilis tingnan natin kung hindi ka kakapusin palibhasa kasi na sa pinakahulihan ka kanina."

Sumilip ako sa likod ng puno at nakita ko na parang nag-aaway sila.

"Sige subukan mo akong suntukin isusumbong kita kay zero." gusto kong tumawa kaso pinipigilan ko.

Parang mga anak lang ni Zero na nag-aaway HAHAHAHA.

"Pwede ba hanapin na lang natin yung babae kung hindi lang babae ang isa sa inyo pagkakamalan kayong magjowa na nag-i-LQ."

Medyo malayo sila sa akin at kapag nakita nila ako edi wala na akong matatakbuhan kaya napatingin ako sa taas.

Hmm...Ting*

(Light bulb)*

Umakyat ako sa puno, dahil mukha akong gorilla ay nakaakyat agad ako sa taas ang kaso pagkaupo ko sa sanga napalingon ako sa kaliwa ko.

Nagkatitigan kaming dalawa at nag processing pa sa utak ko na sya yung lalakeng manyakis kaya handa na sana akong sumigaw ng bigla nyang tinakpan ang bibig ko kaya napasandal ako sa puno.

Nakatingin sya sa akin at tumingin sa baba kaya sinundan ko ang tingin nya at nakita ko yung naghahabol sa amin na parang hinahanap talaga nila ako.

"Wala sya dito doon na lang tayo maghanap baka makita tayo ni Damion dito." Suggest ng isa pero sino si Damion?

Parang ayaw nilang makita si Damion. Teka lang parang narinig ko na somewhere yung name nya di ko matandaan kung saan at kailan.

Lumalayo na sila pero nakatingin parin ako sa kanila para makasiguradong nakalayo na. Nang hindi ko na sila nakita ay parang nararamdaman ko na hindi ako makahinga kaya dahan-dahan anong napatingin sa harapan ko na nakahawak parin sa bibig ko.

Siguro naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya kaya napalingon sya sa akin.

"Alam kong gwapo ako kaya wag mo naman ipahalata." sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa kahanginan nya.

Dahil hindi na talaga ako makahinga ay kinagat ko ang kamay nya.

"Aww."

"GAGO HINDI AKO MAKAHINGA!!" galit kong sigaw sa kanya sabay hawak sa kanyang dibdib at tinulak ko sya.

Pero mukhang mali ang ginawa kong move dahil dahan-dahan syang nahuhulog kaya nanlaki ang dalawa kong mata kapag nahulog sya sa baba baka mabalian sya ng buto.

Tinulungan pa naman sya ako kaya hindi na ako nagdalawang-isip na kundi abutin ang kamay nya pero nabigla ako. Nang bigla syang ngumise sabay hila sa aking ng malakas kanya napabitay ako sa sanga at napasama sa kanya.

What the hell sinadya nya talaga magpakahulog para tulungan ko sya. He did that in a purpose. Arrghh.

Unti-unti kaming nahuhulog kaya napakapit na lang ako sa kanyang damit at hinintay na bumagsak kami sa lupa.

Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon