☪️ CHAPTER 56☪️

1K 55 4
                                    

MATEO POV:

"Oh pare saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong sa akin ni Maky ng nakita nila ako.

"D'yan lang sa tabi-tabi. Bakit?" nagtataka kong tanong kasi alam naman nilang umalis ako at nakita nila akong umalis.

"Saan tabi? . . . But anyway hinahanap ka namin kasi tutulungan natin si Head master at iba pang mga guro sa mga gagawing mga aktibidad." naningkit naman ang mga mata ko.

Bakit kami tutulong? Hindi sa nag-iinarte ako pero studyante din kami pano kung ang laro ay taguan ng treasure tapos nakasali kami edi alam namin kung saan nakalagay.

"Alam ko kung ano iniisip mo boss HAHAHA wag kang mag-alala sa mga prize's tayo naka-assign." sambit ni kerel at tinapik ang balikat ko or I should say na pinatong n'ya ng madiin ang kan'ya kamay sa balikat ko.

Ang bigat!

Sinamaan ko siya ng tingin na dahan-dahan niya naman inalis ang kaniyang kamay at itinaas na parang susuko.

"Ang gulo n'yong kausap kakasabi niyo lang sa aktibidad tapos ngayon naka-assign sa prizes?" napakamot naman silang dalawa ng batok.

"Tch!" umiiling na lang ako sa kanilang dalawa at nilagpasan sila para puntahan ang HM na busy sa kanilang ginagawa.

Habang papalapit ako kayla HM nag-babangayan naman ang dalawa sa likuran ko.

"Ikaw kasi mali-mali sinabi mo dapat sinabi mo naka-assign na tayo sa mga prizes." paninisi ni Kerel kay maky.

"'Yun ang sinabi sa akin eh tsaka bakit ka ba naninisi kung ang ibig sabihin ng aktibidad ay gawain. It's means tama lang sinabi ko natutulong tayo sa aktibidad in short tutulong tayo sa gawain." pagpapaliwanag ni Maky.

Bahala sila magtalo d'yan. Lumapit ako kay HM at nakita naman ako ng ibang mga professor.

"Good morning Mateo gwapo mo parin nak kahit sa umaga." puri sa aking ng isang Professor na lalake na ikinangiti ko.

"Salamat po pero 'wag niyo na ulitin baka lumaki po ang ulo ko kakapuri n'yo sa akin." tumawa naman s'ya kasabay ng ibang Professor.

"Parang hindi ka na nasanay sa amin Mr. Fritson, hangga't nandito ka at nakikita ka namin pupurihin at pupurihin ka namin sa ayaw at sa gusto mo." napatango naman ang ibang professor na hindi nakatingin sa'kin at nakatingin lang sa kanilang ginagawa.

Kilala nila akong lahat kahit ang mga istudyante ng Tylexian ay kilala ako marahil sa angking lakas ko o sa tagal ko sa Tylexian dahil ako namumuno sa kanila kahit ang mga taga Hell Wall Academy ay kilala ako maliban sa bago nilang istudyante.

"Tama na 'yan." napatingin ako gawi ni HM nasa aking tabi.

"Mateo alam mo naman siguro kung ano nangyari kagabi, hindi ba?" seryoso tanong ni HM na ikinatigil ng mga Professor sa kanilang ginagawa.

Hindi tumingin sa akin si HM ngunit maya-maya ay tumingin ito sa akin ng hindi pa ako sumasagot.

Tungkol ba ito sa isang istudyante namin na binaril ng taga Serpent Academy?

"Silent means yes." he said at tumingin sa mga prof. "Anong tingin-tingin n'yo ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo." masungit na sabi nito sa kanila na agad naman nagsibalikan sa kanilang ginagawa.

"At kayong dalawa kanina pa kayo nakatayo d'yan tulungan n'yo ang mga prof n'yo." napalingon ako sa likod ko.

Nagulat silang dalawa kay HM gusto kong matawa sa reaksyon ng dalawa ngunit baka ako naman ang sungitan ng HM.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now