☪️ CHAPTER 21☪️

2.2K 111 8
                                    

NINE POV:

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng napahinto ako nang may narinig akong malakas na ingay sa loob.

"Oh mo! Si Hellia!" agad ko sinipa ang pintuan at inilabas ang dalawa kong kunai.

Umiikot ikot ako at tinitingnan ang paligid at pinakiramdaman ang paligid.

"Anong ginagawa mo?" agad akong humarap sa likuran ko at tinutok ang kutsilyo sa kanya.

Nanlalaking mata kong binawi ang kunai na nakatutok sa taong tinututukan ko.

"Taena naman hellia akala ko kung sino na! Buti na lang hindi kita ginilitan."

Pinakaba ako ng babaitang ito akala ko kalaban ang nasa likuran ko kung napatay ko ito. Malalagot ako dahil mawawala na ang pinakamagandang babae sa Academy for me.

"Eh mukha ka kasing timang dyan. Parang isa kang agent na sinusugod ang isang room kung may criminal tsaka tingnan mo yung pintuan natin." napatingin naman ako sa pintuan namin.

Napanganga ako dahil halos bumitaw na pintuan namin dahil nasira ang bisagra.

"Bakit mo naman sinira ang pintuan natin?" inosenteng tanong ni pretty hell.

Tsk. Sayang yung effort ko kung kailan mala action na ang dating ko eh HUHUHU.

Pero... anong narinig kong ingay kanina? Di naman ata sira ang eardrum ko kasi dito ko talaga narinig yun.

Napatingin naman ako kay Hellia  na may dala-dalang sandok.

"What?... Nagluluto lang ako ng pagkain para sa hapunan natin." Umiwas naman ako ng tingin at pumunta sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Pupunta lang ako sa HM para maipaayos ang pintuan natin bago gumabi."

Hindi na ako lumingon sa kanya at dumiritsyo na patungo sa HM office.

HELLIA POV:

"Aray!" dahil kalutangan ko ay hinawakan ko ang takip ng kaldero at dahil mainit ay agad ko itong binitawan.

Tiningnan ko naman ang palad ko at nakita ko itong namumula kaya agad ko itong hinugasan para mabawasan ang init sa kamay ko.

BLAAAAGG*

Gulat na gulat akong napatingin sa likuran ko. Kumuha ako ng sandok na nakapatong sa lamesa at lumabas sa kusina.

Napanganga akong nakatingin kay nine para syang tanga sa ginagawa nya. Alam mo yun parang bata ka naglalaro ng baril barilan, parang ganon sya pero ang pinagkaiba lang ay may dalawa syang matulis na bagay na hawak.

Kunai?

Napatingin naman ako sa pintuan at what the heck?! Anong ginawa nya sa pintuan namin? Paano ba sya mag bukas ng pintuan at naging 50/50 na ito.

Binaling ko ulit ang tingin ko kay nine at ganon parin ang ginagawa nya.

"Anong ginagawa mo?"

Nagtanong na ako dahil nagmumukha na talaga syang tanga HAHAHAHA.

Nabato ako sa kinatatayuan ko ng bigla nyang tinutok sa akin ang hawak nya.

"Taena naman hellia akala ko kung sino na! Buti na lang hindi kita ginilitan." galit nyang sabi at binaba ang kanyang hawak.

Hooo~ akala ko katapusan ko na. Ayy teka... akala ko ba ang mga savior hindi pumapatay? Ayy kung sabagay mga hero pumapatay ng mga kalaban.

"Eh mukha ka kasing timang dyan. Parang isa kang agent na sinusugod ang isang room kung may criminal tsaka tingnan mo yung pintuan natin." turo ko sa pintuan na anytime bibitaw na sa bisagra.

Tumingin naman sya nang nakita nya ay napanganga sya.

"Bakit mo naman sinira ang pintuan natin?" dugtong ko dito.

Napayuko naman sya at maya-maya ay tumingin sya sa akin sabay sa hawak kong sandok.

"What?... Nagluluto lang ako ng pagkain para sa hapunan natin." kung makatingin to sa akin parang may ginawa akong mali.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang lumakad sya patungo sa pintuan.

"Pupunta lang ako sa HM para maipaayos ang pintuan natin bago gumabi." sabi nya saka tuluyang lumabas ng pintuan.

Nagkibit balikat na lang ako at napahawak sa leeg dahil may nararamdaman akong hapdi.

Napatingin ako sa daliri ko at may nakita akong dugo kaya dali dali akong pumasok sa CR at tiningnan sa salamin.

Pinupunasan ko ang leeg ko at wala namang sugat kaya inamoy ko ang kulay pula na likido.

"What the heck! Ketchup lang pala." lumabas na lang ako sa CR at inaasikaso na ang niluto ko nang natapos na ako ay saka ako naligo at nagpatuyo.

CADEN POV:

Malapit na ako sa dorm namin at nakita ko na may mga nagrerepair service sa pintuan ni Hellia kaya nagmamadali akong pumunta dito.

"Oyy Caden wait lang!" mike

Di ko na sya hinintay at tuloy tuloy parin ako.

Tumayo ako sa tapat ng pintuan nila Hellia at nakita kong inaayos ang pintuan na nasira mga tatlo ang nag-aayos. Nakita ko naman si Hellia na nakatayo lang sa loob habang pinapanood ang mga ginagawa nila.

"Pre bakit ka ba nagmamadali?" nabaling ang tingin ko kay mike nang nakahabol sya sa akin.

"At hindi ito ang dorm natin. Yun ang dorm natin oh tara pasok na tayo." tapik nya sa likod ko pero sabay kaming napatingin kay Hellia nang tinawag nga ako.

"Kuya." Tsk. Sabi wag nya akong tatawaging kuya.

"Kuya?" takang tanong ni mike sabay tingin sa akin at kay hellia ulit.

"Anong nangyari dito?" tanong ko sa kanya at pumasok, sumunod naman si mike.

"Nasira." simpleng sagot nya pero pinolosopo nya ako.

Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya umayos sya.

"Hindi ko alam... itanong mo kay Nine." sagot nya sabay tingin sa gilid ko kaya sinundan ko ito.

"Wag kang mag-aalala walang nangyari sa kapatid mo. Kinalawang lang yung bisagra kaya pag-open ko nasira." sabi ni nine na nakaupo sa couch.

Naningkit naman ang mga mata ko dahil di sya makatingin sa akin ng maayos at parang namumula sya.

May gusto ba sa akin to at nahihiya syang tumingin sa'kin.

"Pre hindi ka naman nagsasabi na may maganda ka palang kapatid." bulong sa akin ni mike kaya natapatingin ako kay Hellia na nagtataka kung ano ang binubulong sa akin ni mike.

"Hi ako pala si Mike Franco." pagpapakilala ni mike at makikipagshake sana nang aabutin ni Hellia ay ako ang nakipag-shake hand kay hellia.

"Wag kang makipagshake hand dyan di pa naghuhugas ng kamay yan kakagaling lang yan sa CR." sabi ko kay Hellia.

"Grabe ka naman pre nag-sanitize naman ako bago lumabas kaya wala tong germs." kontra ni Mike.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now