☪️ CHAPTER 13☪️

2.7K 133 12
                                    

HELLIA POV:

Tumayo si kuya na agad ko naman hinawakan ang kamay nya baka kasi biglang susugod si kuya wala pa namang ginagawa ito dalawang lalake.

Tumingin ulit ako sa dalawa at tumawa ng awkward.

"HEHEHEHE wala ba kayong pagkain? Ako na mag oorder sa inyo."

Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay na tumawa na ikinakunot ko ng noo sabay tingin kay kuya at lumingon ulit sa dalawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kanila sabay bitaw sa kamay ni kuya.

Kung makatawa sila parang nagbibiro ako ah. Dapat pala kanina pa to sinapak ni kuya nanggigil na ako ngayun sa kanila sarap hampasin ng kawali.

"Wala naman HAHAHA. Pre mukhang magandang paglaruan natin ang lower na to ah."

What? Mukha ba akong laruan? Kapal ng face ng mga to eh.

Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na dito nakatuon ang mga mata nila sa amin.

Ok, Mom huhu I'm famous now. (Pagmamalaki ng inner self ko)

Pinatong ko ang aking paa sa isa kung paa at tumingin sa dalawa.

"Ayy dai bakit di nyo sinabi na mga bakla pala kayo at gusto nyong maglaro ng Barbie? Marami akong Barbie sa house namin baka gusto nyo? Hindi kasi ako pwede eh, sorry." ngiweng sorry ko pa sa kanila.

Nakarinig naman ako na pigil na tawa sa mga katabi naming lamesa, sila lang naman ang makakarinig sa amin.

Napansin ko na nag-iba ang expression ng dalawa bakit nahihiya ba sila? Sus nahiya pa sila eh kami-kami lang naman ang nakakaalam hindi naman buong mundo.

"Bobo! Hindi yun ang ibig namin sabihin." Galit nyang sabi kaya napahawak ako sa dibdib ko. Huhuhu sinabihan nya akong bobo.

"Ang ibig namin sabihin ay kung pwede kang makipaglaro sa amin mamayang gabi?" nakangising sabi nya.

"What?!" Agad kong tayo sa harap nya.

Pero teka.... ano ba ang ibig sabihin nun?

Boooogggssshhhh*

Gulat akong napatingin kay Caden ng bigla nyang sinuntok ang isa kaya napatihaya ito sa sahig.

"Caden!" tawag ko sa kanya at hinihila ang damit nya pero hinawi nya lang ang kamay ko at pumatong sa lalake saka ito pinagsusuntok.

"YOU JERK DON'T EVER LAY YOU'RE FINGER TO HER OR I WILL RIP YOUR HEAD!" Galit na tonong sabi ni caden.

"Caden ano ba?! tama na!" paghihila ko sa kanya pero wa-effect.

Napansin ko naman na susugod ang isa kaya binitawan ko si caden at tiningnan ng masama ang isang lalake.

"Hoy! hoy! tigil mo yan." duro ko sa kanya kaya napatigil sya at nakataas ang dalawang kamay nya dahil may hawak syang baseball bat.

Basta gangster noh hindi mawawala ang baseball bat.

Dahil parang naistatwa sya ay nagkaroon ako ng pagkakataon.

"Sorry kung mababasag man ang dalawang itlog mo huh." pagpapaalam ko na ikinakunot ng noo nya, atleast nakapagsorry ako sa kanya.

"What?" nagprocess pa sa kanyang utak pero bago nya pa marealize ay agad kong sinipa ang pinakaiingatan ng mga lalake.

"Ohhhhh." rinig kong daing ng lahat na parang sila ang nasaktan kaya tiningnan ko sila na ikinaiwas nila ng tingin.

"Caden tama na yan!" buong pwersa kung hinila si caden kaya napadala sya at tumayo.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now