☪️ CHAPTER 58☪️

2.5K 87 51
                                    

HELLIA POV:

Nakatingin parin akong nakakunot kay Itlog na nasa likuran ko. Umiwas siya ng tingin kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

May binabalak na naman siguro ang isang 'to kaya bumabait siya. Sus! luma na iyang diskarte na 'yan baka may lason pa 'yung pagkain niya.

"Yieee!! Zero duma-damoves ka ah." nabaling ang tingin ko saka sinamaan ko naman ng tingin si Moonia.

Anong damoves pinagsasabi nito? Kahit manligaw ang isang 'to sa akin enemy parin kaming dalawa.

"Akala ko ba Pretty Hellia si flynn lang." pinanlakihan ko ng mata si Nine.

What?! Paano niya nalaman na may gusto ako kay flynn? Hindi ko naman pinapahalata 'yun kahit na kanino kahit na sa kuya ko pa.

"Huh?!" gulantang na reaksyon ng tatlo walang iba kundi sina Mike, Charlie at Moonia.

"What the hell are you talking about?!" pagmaang-maangan ko na may halong inis pero humalagakpak sa tawa si Nine.

"HAHAHAHA joke lang. Gagi! 'Yung mukha niyo nakakatawa HAHAHAHA."

Haist! Nginiwian lang namin siya sa kagagahan niya. Akala ko talaga alam niya huhuhu ayaw ko ng may nakakaalam dahil baka tuksuin lang ako.

"Actually akin lang si Pretty Hellia I don't share what's mine." naging seryoso ang boses ni Nine.

"Yuck Nine! Mandiri ka nga ang ganda-ganda ni—"

"So sinasabi mo bang pangit ako?" putol ni nine kay Mike.

"Hindi s—."

"Eh sa ganon 'yun eh." nagroll-eyes pa ito na ikinakamot na lang ng batok ni Mike. Marahil ayaw niya na makipagtalo kay Nine dahil hindi naman siya mananalo dito.

"Ahem! Kanina pa ako nandito at nangangalay na ako sa paghawak ng pagkain mo." napalingon muli kami sa likod ko at nandoon pa pala si Itlog.

Tumayo ako at tinulungan siya, ininat niya naman ang kan'yang kamay pagkatapos kunin ko sa kaniya ang isang tray saka niya ito inilagay sa kaniyang bulsa.

Ok, pa-cool na itlog.

"Don't assume na may gusto ako sayo pinapabigay lang iyan ng matandang hukluban." naningkit ang isa kong mata dahil sa sinabi niya.

What?! G*go 'to ah. Nag-aasume ba ako na may gusto siya sa akin? Duhh! Eh halos isumpa nga ako nito.

Nakatitig lang ako sa kaniya na parang hindi makapaniwala, "Kung ayaw mo maniwala edi itanong mo kay tanda. Tch!" sabi niya at nakapamulsang tumalikod sa amin.

"Alam mo..." gulat akong napatingin kay Charlie na nasa gilid ko na katabi si mike. "Sure akong siya talaga nagbigay niyan at hindi si HM."

"Huh? Paano mo nasabi?" taka kong tanong.

"Sus, Pretty Hellia sinabi niya lang na galing 'yan kay HM kahit hindi naman." napatingin din ako sa kaliwa ko at nandoon si Nine katabi ni Moonia.

"So, ano gusto niyong palabasin?" nakabuntong-hininga kong sabi.

"In short may gusto siya sayo!" nabigla ako sa sabay-sabay nilang sabi pero bigla akong napangiti dahil ang lakas ng boses nila.

"Shut up." Inis kong sabi at umupo muli ganon din sila.

Nakatingin ako sa hawak kong pagkain. Mayroon itong Sunnyside na egg, hotdog at isang mainit ma soup. Mayroon na din itong kutsara-tinidor saka kunting pilas ng tissue.

"Sinong nagkakagusto kay Hellia?"

Napaangat ako ng ulo ng may taong nagsalita sa harap namin at nakita ko ang nakatayong pigura ng kuya ko.

"Sino?" pag-uulit nito.

"Si Ze—" bago pa man ituloy ni Mike ang sasabihin niya ay pinangunahan ko na siya.

" 'Wag kang maniwala sa kanila caden. Inaasar lang nila ako." sabi ko at sinamaan ng tingin si mike kaya napalunok ito at umiwas ng tingin.

Hindi porket na magkaibigan sila ni kuya hindi ko na siya aawayin. Bleehh!

"Saan galing pagkain mo?" tanong ni Caden ng nakaupo ito na malapit kay moonia na ikinangiti ko.

Kasi yung inuupuan namin parang pa-C tapos ako yung nasa gitna.

"Kay Zero pinapabigay daw ni HM." sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

Bakit?

"Bakit ka nakangiti?" napangiwi ako sa tanong niya.

Masama bang ngumiti? Hindi naman ako ngumingiti dahil kay itlog ngumiti ako dahil magkatabi sila ni moonia. Duh!

"Hindi ko alam na hindi na pala required ang ngumiti ngayon." sabi ko at nagroll-eyes.

Kinuha ko na lang ang kutsara saka humigop ng sabaw. Sarap naman nito.

"Babe alis na tayo magkakaroon na naman ng World War III sa pagitan ng pagkapatid." napatingin ako kay mike ng masama pero itinago niya ang kaniyang ulo sa likod ni Charlie.

Normal lang sa magkapatid na mag-away pero hindi 'yung nagkakasakitan kasi hindi na normal 'yun.

"Tumigil ka nga diyan mike, haist!" Charlie.

"Hindi ko naman sinabi na hindi ka ngumiti. Ang akin lang hangga't maaga pa lumayo ka sa mga lalaki." muling nabaling ang atensiyon namin kay Caden.

"Teka lang caden ah. . ." pagsingit ni Nine at umusog paharap sa pagkakaupo. "Alam kong kuya ka niya pero dapat magkaroon naman siya ng freedom kung sino lalapitan niya o kakausapin. Nandito naman kami na palagi niyang kasama kung may mangbabantos man sa kaniya, diba?" dugtong pa ni nine at tumingin pa kayla Moonia at Charlie na tumatango naman.

"Oo nga 'wag kang mag-alala kay Lia kasi may pagkasadista 'yan kapag may kausap na lalaki." ngumiti na lang ng tipid ni Caden kay moonia at ito na naman ang kaloob-looban ko kinikilig na naman sa kanila.

Nakikita ko na future ni Caden na kasama si Moonia HAHAHAHA.

"See caden." pagmamayabang ko pero palihim lang siya umirap kaya umirap din ako.

Umiiling na lang ako at kumain ng malapit na akong matapos saktong nag-announce ang HM.

"Ok! Serpentians magsibihis na kayo at magsisimula na ang ating mga aktibidad sa loob lang ng sampong minuto. Ang paalala ko lang sa inyo huwag na huwag kayong dadaan kung nasaan ang taga- Tylexian Academy. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumayo kami at sabay-sabay na sumagot. "Opo!"

Tumango naman ang Head master habang ang mga Professor na nasa kaniyang likuran ay ngumiti. Nagsipunta naman ang mga istudyante sa kani-kanilang tent kasama na doon sila Nine tsk! Hindi man lang naghintay.

Pumunta na lang ako kay Head Master.

"Oh bakit ija?" tanong ni agad ni HM ng nasa harap na niya ako kaya napatingin sa akin ang Prof.

"Wala naman po."

"Oh? Magbihis ka na."

"Ahm sige po." sagot ko at inilihad ko sa kaniya 'yung platong pinagkainan ko.

Nagtataka naman itong tinanggap at nakakunot na nakatingin sa platong ibinigay ko. "Salamat po pala sa pagkain HM." nakangiting sabi ko at tinapik-tapik pa ang braso niya bago tumalikod pero narinig ko pa ang pag- 'huh' nito.

"Huh?!"

Hindi na ako lumingon bagkus mabilis akong naglakad patungo sa tent ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon