☪️ CHAPTER 17☪️

2.4K 125 6
                                    

HELLIA POV:

"Lia bukas mo na lang ituloy ang training mo maggagabi na oh." napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon kay charlie sabay check ng oras.

"Oh my!" napasigaw ako dahil 5:31 na ng hapon. Paktay ako kay kuya.

"Sa subrang fucos mo sa training hindi mo man lang napansin ang oras." sabi ni charlie sa akin sabay bigay ng isang towel.

"Kaya nga eh hehehe." sang-ayon ko sa kanya at pinupunasan ang pawis ko sa buong mukha.

Napatingin naman ako sa paligid at kami na lang pala ni charlie kasama ang mga robot.

Actually, kahit wala si nine ay nakapagtraining naman ako kasama si charlie at ang mga robot.

May kunting galos lang ako dahil sa mga mali kong galaw... eh kasi naman hindi ako magaling dito.

(´• ω •')

"Sige, wait lang magpapalit lang ako." sabi ko at mabilis na pumunta sa restroom at nagbihis.

Lumabas akong nakita si charlie na naghihintay sa akin akala ko iniwan ako nito eh.

"Tara na." nakangite nyang aya sa akin na ikinatango ko sa kanya kaya sabay kaming lumabas ng training room.

Malapit na sana kami sa dorn ng napahinto ako dahil mayroon akong nakalimutan.

"Oh bakit? May nakalimutan ka ba?" tanong ni charlie sa akin.

"Oo eh kailangan ko manghiram ng libro sa library para masagot ko ang ibinigay na activity ng professor namin." pagkamot ng batok kong sabi.

Paghindi ko nasagot ang binigay na activity ni prof automatic na zero kami.

Teka...

Kailan pa ako nagkainterest sa pag-aaral? Hindi naman ako ganito ah. Hayst... pero... sabi ni caden kailangan kong mag-aral.

"HOY!!"

"Ay pota!... ay sorry." hinging sorry ko sabay tampal sa bibig ko.

Itong bibig ko talaga walang preno kung ano ang gustong sabihin yun ang lalabas.

"HAHAHA pasensya na. Parang di mo kasi ako naririnig. Ang sabi ko, sasamahan na lang kita sa library." ngumite ako ng umiiling.

"No, hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko alam kong pagod ka na kaya mauna ka na sa dorm salamat sa pagsama sa akin sa training room." nakangiteng sabi ko.

"Sure ka?" nag-aalangan nyang tanong.

"Oo naman, sige punta na ako sa library mabilis lang naman ako doon at ng makauwi agad sa dorm." sabi ko sa kanya sabay takbo papuntang library.

Nakarating agad ako sa Library at agad na pumasok. Nakita ko pa ang librarian na nakatingin sa akin na tinanguan ko lang.

Hinanap ko ang section ng libro na kailangan ko at buti na lang may mga bukas na ilaw para makita ko.

Sa aking paghahanap ay laking tuwa ko dahil sa wakas nakita ko na. Agad ko naman itong inabot at kinuha saka tiningnan ang mga pahina.

"Ito na nga ang hinahanap ko." mahinang sabi ko sa hangin.

"Ako ba? Hindi mo hinahanap?" agad akong napatingin sa gilid ko at laking gulat kong nakita si Damion.

"A-ano ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kanya habang umaatras.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now