☪️ CHAPTER 53☪️

1.1K 66 5
                                    

HELLIA POV:

"HAHAHAH seryoso sya gusto mo kuya?" natatawang tanong ko sa kanya.

Syempre hindi ko kasi alam na si Moonia pala gusto nya HAHAHAH hindi naman kasi sya tumitingin kay moonia kaya nagtataka ako na si moonia ang gusto nya. Pero why not diba maganda naman si moonia hehehe.

"Bakit ba?" naaasar na sabi ni kuya pero ngumite lang ako ng nakakaloko HAHAHAHA.

"Wala lang gusto mo ilakad kita sa kanya?" Tanong ko dito.

Sayang shiniship ko pa naman sya kay nine tapos magkakagusto sya kay moonia pero ok lang kaibigan ko din si moonia.

"Tsk. Kaya kong maglakad." napasimangot naman ako sa sagot nya.

"Hindi yun ang-"

"Ito na po pagkain nyo." napatingala ako sa lalaking may dalang dalawang mangkok na may lamang pagkain.

Nakajacket s'yang black na pang winter talaga at naka-eye glasses sya ng pang nerd pero yung datingin nya pang isang professional.

Inabot ko naman ito at ganon din si kuya binigyan din kami ng kutsara ng lalaki at umalis agad na kinunutan ko naman ng noo dahil ang weird nya.

"Sya yung pinaluto ko ng pagkain." Agad akong napalingon kay Caden, "Magaling syang magluto gusto nya kasing maging sikat na chief." dugtong pa nya.

"Ahh pero ang weird kilos nya." sabi ko na lamang at napatingin sa hawak kong mangkok.

May carrots at may laman ng manok tapos may mga gulay- gulay pa.

"Simple chicken soup ang tawag dyan at 'wag mong titigan yan dahil lalamig na 'yan."  sabi ni kuya at nakita ko pa syang sumubo.

"Psh! Bigyan mo kaya si moonia ng kinakain mo para gumanda naman ang umaga mo." sabi ko at susubo na sana ng may taong tumabi sa magkabilaan ko.

Napatingin ako sa kanan ko at awtomatikong nagtaas ang kilay ko. "Bakit ka nandito itlog?"

"Bakit ikaw lang ba may karapatan na umupo? Psh! Kala mo naman gusto kita katabi tingan mo nga yung nasa paligid mo madaming nakaupo kaya walang bakanteng upuan sa inyo lang maluwag feeling VIP kayo?"

Napatingin ako sa paligid at tama nga sinasabi nya yung iba nga lang naglatag ng isang sapin pamaupuan.

Malay ko bang wala ng upuan eh kanina ang luwag-luwag eh at kakaunti lang ang mga istudyante.

"Kung tutuusin nga dapat kayo umalis sa kinauupuan nyo dahil kami ang tunay na VIP." yabang ang putcha. "At wag mo akong tatawagin itlog ba ikaw ang gawin kong hotdog."

"HAHAHAHA ang cute naman isang itlog at isang hotdog." agad akong napatingin sa kaliwa ko at si Damion pala na subrang dikit sa akin.

"Isa ka pang Mafiac ka umusog ka nga masyado kang dikit na dikit sa akin." at tinutulak sya gamit ang isa kong kamay.

"Teka lang mahuhulog ako dito dead end na kaya yung inuupuan ko." sabi nya at napahawak sa braso ko para hindi sya mahulog.

Winaksi ko naman yung kamay nyang na nakahawak sa akin at nagsimulang kumain ng nakasimangot pero habang ngumunguya ako napatingin ako kay kuya ngunit agad akong napaubo ng nakita ko si flynn na katabi ni caden na nakangiti habang nakatingin sa'kin.

"Caught!* caught!* caught!*"

"Ayan kasi dahan-dahan lang kumain parang mauubusan eh." pang-aasar ni Damion

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now