☪️ CHAPTER 54☪️

1.1K 67 16
                                    

HELLIA POV:

Bwesit na yun ang sakit ng tainga ko sa pagkagat nya kaya minsan takot ako sa tao dahil nangangagat eh.

Pero ano daw?... Kukunin nya ako mamaya? Nagpapatawa ba sya? Daming bantay kaya ng school namin as if naman makakalusot pa sya and hawak na ako kanina bakit mamayang gabi pa nya ako kunin? Ang b*bo naman HAHAHAHA.

"Hellia."

Pero mas mabuti nga yun dahil ayaw kung magpakuha sa kanya baka ibenta nya ang laman loob ko o kaya kainin nya ako (╥_╥).

"Lia naririnig mo ba kami?"

"Wag kang magulo kita mong malalim iniisip ni Pretty Hellia."

What if sabihin ko kay Caden ang nangyari? But kapag sinabi ko naman baka ikulong nya ako sa tent at pabantayan sa maraming istudyante argh! Ayaw ko nun baka hindi ako makasali sa mga palaro namin.

Patuloy ako sa paglakad ng naisip ko kung ano ang ginawa nya sa akin, bakit biglang kumirot ang puso ko na nakakapagbigay sa akin ng panghihina.

"Pretty Hellia nakakita ka ba ng anaconda at nakatulala ka dyan?"

Bigla akong napahinto ng nakaramdam ako ng pagkahilo at nandidilim ang paningin ko.

"H-helia?" Rinig kong tawag sa pangalan ko ngunit hindi ko mawari kung sino-sino ang nasa aking harapan.

"What is ha- oh mother f*vker not now. Hellia... please calm down no one gonna hurt you." napahilig ang ulo ko sa narinig kong boses ni Caden.

Ano ang ibig sabihin nila? Ano bang nangyayari?

THIRD PERSON POV:

Bapabalik na lumalakad si Hellia sa kanilang tent at natanaw naman nila Nine, Moonia, Charlie at Mike si Hellia kaya tumakbo sila at sinabayan si Hellia sa paglalakad ngunit napansin nila na malalim ang iniisip ni Hellia at tulala itong naglalakad.

"Hellia." tawag ni Mike kay Hellia ngunit hindi sya narinig ni Hellia.

"Lia naririnig mo ba kami?" tanong ni Moonia at winagayway nya ang kanyang kamay sa mukha ni Hellia ngunit hinawakan ni Nine ang kamay ni Moonia kaya napatigil ito.

"Wag kang magulo kita mong malalim iniisip ni Pretty Hellia." pigil ni Nine sa kanya at binitawan ang kanyang kamay.

Naglalakad parin sila ngunit hindi napapansin ni Hellia ang apat at dahil hindi na makatiis ni Nine ay nagsalita na ito.

"Pretty Hellia nakakita ka ba ng anaconda at nakatulala ka dyan?"

Nagulat naman sila sa biglaang paghinto ni Hellia.

"G*go nagulat ako HAHAHAHA" pagtawa ni mike ngunit hindi sya pinansin ng tatlo.

Habang nahihilo si Hellia at nandidilim ang mata nya ay naggi-glitch ang mata ni Hellia.

"Hellia ok ka lang ba?" tanong ni Charlie ng nakita niyang nakayuko si Hellia at hawak ang sintido nito.

Napa-angat ng ulo si Hellia at tiningnan ang kanyang paligid ngunit nagiging blurry ang nasa paligid nya.

Nagulat naman ang apat dahil nakikita nilang nagsisimulang magbago ang mata ni Hellia sa blue na naging orange gold.

"H-helia?" kinakabahang tawag sa kanya ni Nine habang napaatras naman ang tatlo.

Kinakabahan sila sa posibling mangyari dahil lahat time na nagbago ang kulay ng mata ni Hellia ay halos lahat ng kakalabanin nya kaya nya talunin o kaya nyang patayin.

Mas gagaan ang pakiramdam nila kung nag-glitch lang ang mata ni Hellia ngunit hindi dahil tumatagal ang pag-glitch ng mata at nagsisimula na itong maging permanente.

Dumating naman si Caden na nagtataka dahil sa apat na nakatalikod sa kanya at aalis muli na sana nya ng nakita nya si Hellia kaya lumapit sya dito.

"What is ha- oh mother f*vker not now." bulalas ni caden ng nakita nya ang mata ni Hellia. "Hellia... please calm down no one gonna hurt you." dugtong pa ni caden at pinapaatras ang tatlo.

Napatagilid ng ulo si Hellia na parang hindi naiintindahan si Caden.

"Anong ginawa nyo at nagbago ang mata nya?" mahinang tanong nya sa tatlo na may diin.

"Wala kaming ginawa nagulat na lang kami na nagbago bigla ang mata nya." seryosong sagot naman ni Nine sa kanya.

Bumalik ang tingin ni Caden kay Hellia ngunit nabigla sila nang nakita nila na may tumulong tubig sa mata ni Hellia.

"Hellia bakit?" nagtatakang tanong nila kay Hellia.

Ang mas lalong nilang pinagtaka ang pagngiti ni Hellia, pilit na ngiti ngunit unti-unti itong napapalitan ng ngisi na ikinagimbal nila.

"You need something?" tanong nito sa apat na animo'y ibang tao ang nasa katawan ni Hellia.

Kinabahan ang apat na baka magwala si Hellia sa kanilang harapan at masira ang kanilang outing.

"Hellia you need to calm down we don't want to hurt you." Pagpapakalma ni Caden unti-unting lumapit kay Hellia.

"Prrff." napahinto si Caden sa kanyang paglalakad ng marinig nya ang pagtawa ni Hellia. "HAHAHAHA seriously? I'm Demonice not Hellia."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Caden sa narinig nya. Napakapit sa braso si Mike kay charlie at ganon din si Moonia kay Nine.

"Hala! Sinasapian si Hellia ng masamang ispirito." natatakot na sabi ni mike habang nakakapit sa braso ni Charlie na parang tuko.

"Tsk! Tumahimik ka nga." At pinalo ni charlie ang kamay ni Mike para mapabitaw ito.

"Oh! My dear Caden wag ka masyadong seryoso kasi hindi ko gusto ang ganyang mukha, you know? Nakakabanas tingnan eh."  Sabi ni Demonice habang tinitingnan ang kanyang kuko.

Sa hindi kalayuan sa kanila ay may isang lalake ang namamadyak sa itaas ng puno kung saan nakikita nya ang babaeng nakaharap nya kanina sa ibaba.

Habang may tatlo naman ang dumating at huminto sa likuran nila charlie ngunit hindi naman nila ito naramdaman.

"Kung hindi ka si Hellia ibalik mo ang kapatid ko."  madiin na sabi ni Caden habang ang tatlong emperor ay nagtataka sa nangyayari.

"HAHAHA g*go ka ba? Kapatid? Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo? HAHAHA may magkapatid bang naglilihiman caden?" napakunot ng noo si Caden.

Hindi nya mawari kung sino ang nasa harapan nya ibang-iba sya kay Hellia ang akala nya nagloloko lang ito ngunit sa tingin nya ibang tao talaga ang nasa harap nya.

"Ano bang kailangan mo at sino ka ba?"

Bigla naman ngumiti ito, "Mabuti natanong mo Caden or I should say KUYA." sabi nya na may pagka-sarcastic.

"Sa tagal natin na magkasama hindi mo man lang ako nakilala so sad naman but you know what ako ang second personality ni Hellia at ako ang mas nakakahigit sa kanya. Lumalabas lang ako kung nangangailangan sya ng tulong but this time is different (smirk*) I wish na kamuhian kayo ni Hellia at ako ang tutulong sa kanya." at humakbang sya patungo kay Caden.

"Don't you dare."

"Yes I dare at hindi mo ako mapipigilan dahil iisa kami Caden kung ako sayo unahan mo na ako dahil kung hindi alam mo na mangyayari." she said at huminto sa harap mismo ni Caden at hinawakan ang baba nito.

"She hates liar Caden." paalala nya kay caden at kasabay nito ang paghalik sa labi ni caden na ikinagulat naman ito ng emperor.

Nagulat ang naroon dahil ang kilala nilang magkapatid ay nagkahalikan sa harap nila, normal lang sa kanila ang pagiging sweet ng dalawa ngunit nasubrahan ata ito.

"Nasisiraan na sya ng bait." mahinang sabi ni Damion at lumapit sa kanila na umiigting ang panga saka hinampas sa batok Hellia na dahilan na ikinahimatay nya ito.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now