☪️ CHAPTER 47☪️

1.2K 82 18
                                    

THIRD PERSON POV:

Habang nagtatayo ng tent ang mga taga Serpent Academy ay dumako naman ang taga Tylexian Academy sa kabilang side ng camp para magtayo din ng kani-kanilang tent.

Nagmamasid lamang ang mga naka-men in black ng mga taga Serpent Academy upang hindi makalapit sa kanila ang mga Tylexian Academy dahil ito ang kanilang pagkakataon para sugudin ang Serpent Academy para mapatay silang lahat.

"Serpent Academy hindi tayo magkakaroon ng activity dahil alam ko at ng mga prof nyo na pagod kayo ngayon kaya pagkatapos nyo dyan ay maaari na kayong magpahinga at sa mga gustong magbanlaw ng kanilang sarili ay maaari kayong magtungo sa inyong kanan at doon may makikita kayong maliit na talon." paliwanag ng kanilang HM.

"Sige po." sagot ng karamihan kaya tumango ang HM at nagtayo na din ito ng sariling tent.

Pagtapos ng iba ay nagsipunta sila sa sinabi ng kanilang HM na maliit na talon na parang hot spring habang si hellia ay na i-stress sa dalawa nyang kasama na palaging nag-aaway.

"Ano ba nine gusto kong makatabi si Lia!"

"Hindi akin lang si Pretty hellia kaya dyan ka sa gilid sumiksik ka dyan at ako ang makakatabi ni Pretty Hellia."

Agad na humiga si Nine at siniksik nya si moonia sa gilid habang si hellia ay nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ehhh! Doon ka!" pinagulong ni moonia si Nine sa gilid kaya nagsimula na naman silang mag-ayaw.

"Sabing ako lang ang makakatabi nya."

"Eh bakit ka kasi nandito eh meron ka namang tent."

"Eh sa gusto ko."

'Hayst sana naman makatulog ako nito ng matiwasay' sa isip ni Hellia at pinatigil nya ang dalawa dahil hindi na nya kaya ang ingay.

"Stop!"

Napatahimik ang dalawa at sabay tumingin kay Hellia kaya napabuntong-hininga naman si Hellia bago magsalita.

"Moonia dito ka sa gilid.." turo ni hellia sa kanan.

"Li-" hindi pinatapos ni Hellia si moonia ng muling nagsalita ito.

"At ikaw Nine dyan ka sa gilid at ako sa gitna. Ok na kayo? pareho na nyo akong makakatabi kaya wag na kayong mag-away."

Humiga si Hellia sa gitna at dumila naman si Moonia kay Nine na ikinainis ito at ginaya ni Nine ang ginagawa ni Moonia napailing na lang si Hellia sa kanilang dalawa.

May bigla namang umupo sa tapat ng kanilang tent na hindi naman nila pinagkaabalahan dahil alam naman nila si Charlie ito.

"Oy hindi ba kayo magbabanlaw ng inyong mga sarili? Tapos na ang iba at wala ng tao doon sa talon." sabay napabangon ang tatlo dahil sa sinabi ni charlie.

"Sumabay na kayo sa akin at wag kayong mag-alala dahil hindi naman tayo papayagan ng mga nakamen in black ba may kasamang lalake." dugtong pa ni Charlie.

"As if naman na gusto namin na may kasamang lalake para sa akin si pretty hellia lang sapat na hehehe." kinikilig na sabi ni Nine na ikinaroll eyes ni moonia.

"Hindi naman ako lalake." sagot naman ni hellia na nakakuha na ng sariling towel at damit.

"Hayst halika na nga Hellia hayaan mo na si Nine na kiligin sa sarili nyang banat." sabi ni Charlie at hinila si hellia palabas ng tent.

"Hoy! Wait nyo kami." moonia.

Nagmamadali silang kumuha ni Nine ng towel at damit saka nagpapaunahan sila na lumabas sa tent halos na masubsub si Nine sa damuhan dahil sa kakamadali na ikinatawa ni moonia habang patakbong humabol kayla hellia.

Nakarating sila sa maliit na talon at namangha sila dahil ang ganda para syang isang mini paradise.

"Luhh kung alam ko lang na ganito kaganda ang sinasabi ni HM siguro kanina pa ako nakatambay dito." saad ni Moonia na ikinatango ng tatlo na ngayo'y namamangha parin sa kanilang nakikita.

Tumingin-tingin ang apat na dalaga sa paligid baka may naiwang lalake na naliligo ng nakita nilang wala ay saka nila na hinubad ang kanilang damit at puro underwear na lang natira maliban kay hellia.

Lumusong ang tatlo pero napatingin silang tatlo sa kanilang likuran ng napansin nilang hindi lumulusong si Hellia.

"Oh lia ayaw mo bang magbanlaw?" takang tanong ni Charlie.

"Hindi naman kase ano.."

"Baka nahihiya lang si Lia sa atin siguro first time nya na may kasabay sya sa paglilinis ng katawan." saad naman ni moonia.

"Wag kang mag-alala Pretty Hellia tayo-tayo lang naman nandito kung may bilbil ka man ok lang yan kaya tara na." aya sa kanya ni Nine.

Nagdadalawang isip si Hellia na hubadin ang kanyang damit hindi sa nahihiya dahil ayaw nyang may makakita sa kanyang likod na baka ikalayo ng tatlong babaeng nasa harap na kung saan naging kaibigan na nya ito.

"Oh sige." payag ni Hellia at hinubad ang kanyang damit sa harap ng tatlo na ikinanganga ng mga ito.

"Shit! Ang ganda ng katawan mo mas lalo akong naiinlove sayo." mangha na sabi ni nine habang nakahawak sa kanyang baba at pinagmasdan ang katawan ni Hellia.

"Oo nga nahihiya ka pa ganda naman ng katawan mo." moonia.

Nahiya naman si Hellia sa papuri nila kaya napaiwas ito ng tingin at tinakpan ang kanyang katawan.

"Halika na wag ka nang tumayo dyan." aya ni Charlie sa kanya at winalsikan ng tubig si hellia.

Tumawa lang si Hellia at lumusong sa tubig pero dahan-dahan lang sya lumusong sa tubig dahil baka makita ng tatlo ang nasa kanyang likuran na ayaw nyang ipaalam sa iba maliban sa kanyang pamilya dahil sila lang ang nakakaalam nito.

Samantala may isang lalakeng nakatingin kay Hellia na pinapanuod ang galaw nito mula sa punong kinauupuan niya at tinago niya ang kanyang aura upang hindi maramdaman ng apat na babae.

Namula ang kaniyang mukha ng hubadin na ni hellia ang kanyang damit na dahilan upang makita ang kanyang perpektong katawan ngunit nagulat siya ng nakita niya ang nasa likod nito.

'Ang significa ng Underground Queen' sa isip nya.

Ang significa ng Underground Queen ay isang tattoo na isang palatandaan na susunod na maging isang Queen all of Queens.

"Kung ganon ang tunay nyang pangalan ay Hellia Livingstone hindi Hellia Coper." nakangising sabi nya habang nanonood sa apat nababaeng nagsasaya ngayon.

Agad naman syang umalis sa punong kinauupuan niya at bumalik sa kaniyang tent ng palihim.








Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon