☪️ CHAPTER 46☪️

1.2K 85 18
                                    

HELLIA POV:

"HAHAHA Exactly." Natatawang sabi ko kay moonia.

"Yeah natawa kami sa ginawa mo Pretty hellia but hindi ka ba natatakot na pwede nilang gawin sayo? Karival ng Academy natin sila." sabi ni Nine kaya sa kanya nabaling ang tingin ko.

Actually natatakot ako pero dinadaan ko lang sa biro ayaw ko na ipamukha sa akin ng kuya ko na isa akong mababasagin na plato na palagi mong bantayan at hawakan ng mabuti para hindi mabasag.

"Huh! Hindi, imbes na matakot nga ako eh natatawa ako sa HM nila kasi mukha syang taga circus." sabi ko habang naglalakad kami paakyat.

"HAHAHA ganyan dapat Hell baka hindi nila alam ikaw ang pinakamala--hkaiamiwnwbsjs." Napahinto ako at apatingin ako sa baba at nakita kong tinakpan ni Charlie ang bibig ni Mike.

"Manahimik ka kundi isasalpak ko sayo yang dala mong backpack sa bibig mo." banta ni Charlie na ikinaputla ni Mike.

"Hsjakaiens." sagot nito na hindi naman namin alam kung ano ibig sabihin.

"Anong ako? " kunot noo kong tanong sa kanila. Parang may alam sila na hindi ko alam.

"HAHAHA wala yun Lia ikaw lang kasi yung pinakamaganda sa Academy natin." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Charlie.

"Anong ako? Hindi ah." tanggi ko sabay talikod sa kanila.

"Sus totoo kaya yung sinabi ni Charlie." pag-agree ni moonia pero nginitian ko na lang sya.

"Isang daldal mo pa mike sisipain kita para gumulong gulong ka pababa." mahinang sabi ni nine sa likuran na hindi ko na lamang pinansin.

Habang naglalakad kami paakyat napasin ko ang taong kasunod ko lamang. Si Caden, hmmpp hindi parin sya humihingi ng sorry sa akin anong gusto nya ako ang magsosorry? Tsk!

Hindi ko na pansinin ang paghinto nya kaya nauntog ako sa kanyang backpack kaya napaatras ako at mahuhulog na sa baba parang nag-slow motion ang lahat.

"Aaahhh!"

"Hellia!

"Lia!"

Malapit na akong mahulog pero nakita ng dalawang mata ko ang mabilis na pag-ikot ni caden at hinawakan ang kamay ko ngunit may nakaalalay naman sa likod ko at pagtingin ko ay si Damion na tinaasan ako naman ng kilay habang ako nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong umalis sa pagkaalalay nya sa akin nang hinila ako ni caden kaya napayakap ako sa kanya.

"Whoaa." mangha nila.

w(°o°)w

"Wow ang bilis ng reflex mo Caden." puri ni Moonia sa kanya at ako naman ay agad napalayo.

"S-salamat." sabi pero para sa dalawang tao yun. Napatingin ako kay Damion na tinititigan ako pero agad akong umiwas at iniwan sila.

(;´༎ຶٹ༎ຶ')

Whaaa! Napayakap ako sa sarili ko. Shomai palaman shopao talaga bang nahawakan ni Damion ang gilid ng boobs ko?whaaa I want to cry but hindi pwede.

"Anong ginagawa mo?"

"Aahh!" gulat kong sigaw at napatingin kay Zero kaya napahinto ako sa paglalakad.

Loko to ah ginulat ako kung nabubuhay lang siguro ang bilis ng katawan ko siguro kanina pa to nagkaroon ng black eye.

Kaasar! Tsk!

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now