☪️ CHAPTER 44☪️

1.3K 78 29
                                    

THIRD PERSON POV:

"Make sure na makukuha nyo ang babae wag kayong magpapahalata sa kanila kapag nagkaproblema dahil hindi nyo sinunod ang plano hindi ko na kayo responsible." seryosong saad nito sa kanyang mga kasamahan na ikinatango naman nila.

"Bakit hindi na lang kayo ang kumuha sa kanya since schoolmate kayo pwede mo namna syang utuin." sabi ng isa.

"Bobo ka ba? O sadyang tanga lang? Nakapalibot sa kanya ang tatlong Emperor at laging nakabantay sa kanya ang kuya nya sa tingin mo makakausap ko sya? Mas madali ang plano natin dahil magkakaroon tayo ng palaro bukas ng gabi kaya mas mabilis natin syang makukuha na ikakasaya ng ating Master." nakangising saad nito.

At pumasok na sya sa bus kung saan sya nakasakay at ang mga kausap nya ay sumukay na din sa ibang sasakyan kung saan sila mismo ang magbabantay sa mga istudyante.

MATEO POV:

"Boss kilala mo ba yung babae na yun?" biglang tanong sa akin ni Kerel.

"Oo nga kanina may pa-no comment- no comment ka pa ah pero type mo pala sya." Maky.

Tumaas naman ang gilid ng labi ko at inalala yung kaninang nahawakan ko ang kamay nya.

"Well, lets say na sya ang naging first love ko even na hindi nya ako kilala." I said at tumingin sa labas ng bintana.

"WHAT!!?" napapikit ako sa pagsigaw nilang dalawa.

"Wee?" Maky

"Hindi nga?" Kerel

"Panong naging first love?"

"Na love at first ganon?"

"Hanggang tingin lang?"

Sunod-sunod na tanong ng dalawa dahil sa kuryusidad. Magkaiba kami ng paaralan dati na pinapasukan hanggang sa lumipat ako ng paaralan at ngayon makikita ko syang nasa ibang paaralan HAHAHA.

---------------FLASHBACK---------------
                   3 years Ago

"Kuya!!! Saglit lang!" napalingon ako sa likuran at saktong pagkalingon ko ay nagkabanggaan kaming dalawa kaya nagsitilapon ang mga dala kong paper kung saan nakaorganize na lahat at natumba kaming pareho

"Ouch!!" daing nya habang ako napahawak ako sa balikat ko sh*t ang sakit.

"Oh! Are you ok?" tanong ng babae sa akin sabay lapit sa akin na ikinalayo ng mukha ko dahil ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Tinitigan ko ang mata nyang kulay blue, subrang ganda nakakalunod ang mga tingin nya at ang perpektong mukha nya na parang ayaw mong tigilan na titigan.

Lumayo sya sa akin "Hala! Sorry! Sorry! Mga research papers mo ba to?" tanong nya at nagsimulang pulutin ang mga papel.

"A-ah o-oo." Sagot ko habang inayos ang salamin ko saka tinulungan syang magpulot.

"Pasensya ka na talaga si kuya kasi eh ang bilis maglakad at yung hakbang nya parang kabayo parang laging may hinahabol." natawa naman ako sa sinabi nya.

Natigilan sya at tumingin sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Sorry hindi ko mapigilan." sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now