☪️ CHAPTER 32☪️

1.8K 100 21
                                    

Playing: (Unstoppable by Sia)

THIRD PERSON POV:

Nagulat ang dalawa sa pag-angat ng ulo ni Hellia dahil nakita nilang nag gi-glitch ang mata nito hanggang sa naging Red Gold.

Ngumite ng nakakatakot si Hellia at dahan-dahan na lumapit sa dalawa ng ikinaatras ng mga ito.

Nakakapanindig-balahibo ang dalang aura ni Hellia habang lumalapit sa dalawa at makikita mo sa kanilang mukha na namumutla sila sa takot ngunit si darco ay nilabanan nya ang takot nya.

"Teka! B-bakit tayo natatakot sa kanya? Mahina lang sya tingnan mo dahil sa kanya mamamatay na kaibigan nya HAHAHA." Darco.

Nasa harap na nya si Hellia at agad na papaluin ni Darco si Hellia sa ulo ngunit agad na ibinababa ni Hellia ang kanyang katawan para mailagan ang baseball bat at sinuntok ni hellia sa tyan si Darco na ikinatilapon nito at nawalan ng malay.

"Woaahh!!" singal ng mga tao sa loob ng Battle Arena dahil sa laking tao ni Darco ay tumilapon ito sa simpleng suntok ni Hellia.

Tumingin si Hellia kay Marga, pinatunog naman ni Hellia ang kanyang leeg.

"You b*tch!!" galit sa sigaw ni Marga at sumugod gamit ang hawak nyang kutsilyo ngunit iniwas ni Hellia ang kanyang katawan.

Hinawakan ni Hellia ang kamay na may ni Marga ng mariin dahilan nagkaroon ng crack ang buto ni Marga sa loob kaya nabitawan niya ang kutsilyong hawak nito.

"AAAAHHHH!" hiyaw ni marga sa sakit at tuluyang nabali ang kamay nito.

Itinaas ni Hellia ang kamay ni marga na parang buhat-buhat ang buong katawan ni marga dahil nawalan ito ng malay. Ngumise si Hellia at inapakan ang kutsilyo na nabitawan kanina ni marga kaya napaangat ito sa ere na agad sinalo ni Hellia ito.

Hiniwa ni Hellia banda sa dibdib ng katawan ni marga at unting-unti na umagos ang dugo dito.

"HINDI! HELLIA!" sigaw ni Caden na ikinalingon ng mga ilan sa studyante sa kanya.

Bababa ito para puntahan si Hellia ngunit pinigilan na naman sya ni Nine.

"Caden laban to ng kapatid mo." sabi nito.

"Oo alam ko ngunit nanalo na sta kaya hindi na nya kailangan patayin ang kalaban nya at wala sya sa sarili ngayon, hindi nya mapapatawad sarili nya kapag nalaman nyang may napatay sya."  sabi ni Caden na hindi maintindihan ni nine.

Winaksi ni Caden ang kamay nito at mabilis na bumaba at tumalon sa arena.

"Hellia tama na!" patigil ni caden kay Hellia at ngayon nasa kanya ang atensyon ng lahat dahil sa pagpasok nya sa arena.

"G*go ano sa tingin nya ginagawa nya?" komento ni Coil. Nakatingin lang ng mariin si Zero dahil yun din ang nasa isip nya ang biglang pagsulpot ni caden.

'Hindi nga ako nagkamali noong unang pasok nya dito nakita ko din ang matang yun.' sa isip ni zero.

Binitawan at binagsak ni Hellia si Marga at hinarap si Caden at nakatingin lang si Hellia sa kanya na hindi kilala kung sino ito ngunit ang alam nya lang ay isa syang kalaban.

Nagulat si Caden ng sinugod sya ni Hellia habang ini-sway ni Hellia ang kutsilyo para sugatan si Caden at iniiwasan naman ito ni Caden ng hindi lumalaban kay Hellia.

"Arrgh." daing ni Caden ng nasugatan sya sa braso. Tiningnan nya si hellia at kitang-kita nya ang malamig na mata nito na hindi na blue kundi Red Gold.

"Hellia ako to, si caden." sabi ni caden habang hawak ang brasong nasugatan.

Hindi sya pinakinggan ni Hellia bagkus nagtilt lang ito ng ulo at agad na naman sinugod si caden kaya nasugatan na naman sya sa bandang tyan. Napapikit ito ng isang mata habang nakaluhod ang isang paa.

"Wala akong magagawa kundi labanan ka Hell." sabi ni caden at tumayo ng buong lakas.

Parehas silang sumugod sa isa't isa at gustong patulugin ni caden si Hellia. Nag backflip si Hellia ng gustong sipain ni Caden si Hellia sa tyan nito upang manghina ngunit mabilis ang pagkilos ni Hellia kaya hindi nya ito natamaan.

Lumapit si Caden at sinimulan nyang patamaan si Hellia kung saan part ang mahinang resistance nito. Umiilag si Hellia sa mga suntok ni Caden ngunit hindi alam ni Caden ay palihim syang pinapatamaan ni Hellia ng kutsilyo sa mahihing parte ng katawan nya.

Humawak si Hellia sa balikat ni caden at tumalon sa ere at sa isang second ay nasa likod ni caden si Hellia habang hawak ang leeg nito dahilan maparalisa ang buong katawan ni Caden at hindi alam ang gagawin.

"Hi, I'm the god of Death." tumayo ang balahibo ni caden sa pagbulong ni Hellia sa kanyang tainga. "And I want to get your soul." dugtong pa nito na nakakatakot ang tono.

Samantala...

"Wait.. sa pagkakaalam ko magkapatid silang dalawa,diba? Bakit kinakalaban nya ang kapatid nya na parang di nya kilala?" tanong ni Guel.

"Hindi sya yung taong tinutukoy nyo." makahulugang sabi ni Damion.

"Huh?" nakakunot na tanong ni Glayo at guel dahil hindi nya maintindihan ang sinabi ni damion.

Hindi sumagot si Damion at pinanuod lang ang laban ngunit kumunot ang noo nya dahil mayroon na naman sumingit sa laban.

Habang hawak ni Hellia si Caden ay may sumugod sa likuran ni Hellia ngunit naramdaman nya ito kaya nakaiwas sya habang hawak si Caden sa leeg.

"Pretty hellia kuya mo ang hawak mo ngayon hindi sya kalaban! Hindi mo ba kami naririnig." Sabi ni Nine dito.

Binitawan ni Hellia si Caden kaya ngumite si Nine ngunit nagulat sya ng binitawan ni hellia si caden ay agad nya naman itong sinipa sa likod kaya muntik ng masubsub si caden sa lupa pero inalalayan sya ni Nine.

"Ano bang nangyayari sa kapatid mo Caden?" tanong ni Nine.

"Saka mo na itanong sa akin yan pag nabalik na natin si Hellia sa katinuan." sagot naman ni Caden.

Pinaikot ni Hellia ang kanyang ulo at agad na sumugod sa dalawa. Biglang nanlaki ang mata nila dahil hindi nila makita si hellia maya'y maya ay napalunok silang dalawa at gulat silang napatingin sa kanilang katawa na puro sugat na.

Sinipa ni Hellia si Nine dahilan gumulong ito sa lupa at ganon din sana kay caden sa leeg ngunit  sinangga ito ni Caden kaya nagkaroon ng pagkakataon si caden at pinaslide ang isang paa kay Hellia kaya napahiga ito sa lupa na agad naman pinatungan ni Caden.

"Hellia hear me out. It's me Caden, please wag mong hahayaan na mayroon ka na namang mapatay." nagmamakaawang sabi ni Caden sa kanya.

Hinawakan ni Hellia ang dalawang braso ni Caden at nagkapalitan sila ng pwesto si hellia ang nasa taas at si caden naman ang nakahiga.

Sasaksakin na sana ni Hellia si Caden ngunit sinipa ni nine ang kutsilyo kaya lumipat ito sa ere at bumagsak na malayo kay hellia.

Mas sumama ang aura ni Hellia dahil sa ginawa ni nine kaya tumayo sya at binuhat si caden saka itinapon kay nine nagulantang ang lahat sa ginawa ni Hellia.

Sinugod nya ang dalawa na wala sa sarili. Gustuhin man ng dalawa na wag saktan si Hellia ay kailangan nilang kalabanin ito.

"Haist ang hina nilang dalawa."

"Oyy Zero!!" tawag ng dalawa nyang kaibigan ng tumalon ito sa arena.

"Teka ikaw din Damion?" tanong ng dalawang kaibigan ni damion.

Umiiling lang si flynn pero tumalon din sya sa arena para tumulong na ikinagulat ng lahat dahil ang tatlong Emperor's ay bumaba para kalabanin ang nag-iisang Hellia.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now