Chapter 32

16.4K 645 890
                                    

#MMIM32

"Are you ready to go?" tanong ko kay Alice. "Mahaba pa byahe natin!"

"Yeah! Pick me up in about 5 minutes."

"Ayaw ko nga," ani Hanzo. "Magcommute ka mag-isa."

"Is that Hanzo? Kaya naman pala walang girlfriend! Mabaog sana." Alice said from the other line.

"Luh, sayang lahi ko." Umiling si Hanzo habang sinasara ang likod ng kaniyang Fortuner. "Dalian mo na! Napaka-bagal!"

"Pick me up na nga!"

Tumawa ako at inend yung call kay Alice. Pupunta rin naman yung iba nilang mga kaibigan sa kasal, pero mamayang hapon pa pala sila babyahe kaya sa amin na sasabay si Alice.

"Grabe 'no?" sabi ko kay Hanzo habang nagmamaneho siya. "Everyone's.. getting married, starting their lives."

"Ikaw, starting a scandal." Tawa ni Hanzo kaya naman kinurot ko kaagad siya.

"Joke lang, eh!" He elbowed me. "Eh kamusta ba kayo ni Vale? Wala pa scandal?"

Lumunok ako at tumingin sa malayo. The last time I saw him was paskuhan, which was two weeks ago. Hindi niya pa ata alam na nando'n ako nung gabing 'yon.

"Hoy, Samson." Hanzo snapped his fingers. "Yuhoo? Still there?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Eyes on the road, you idiot!"

"Okay!" He held up his hand. "Sabi ko mag-baon ka ng pagkain, hindi attitude."

Inirapan ko siya habang siya naman ay gumawa ng kung anu-anong mga mukha para mas inisin ako.

"Gusto ko ng mcdo," sabi niya bigla. "Drive thru tayo. H'wag na natin bilhan si Alice."

"Bastos." I laughed. "Get her some iced coffee and pancakes! Di pa 'yon nagbebreakfast, late nagigising 'yon e."

He groaned, but still bought some anyway. Nag-iced coffee at pancakes rin ako, habang si Hanzo naman ay bumili ng rice meal at float.

He parked outside of Alice's condo and we both started eating. Mga 15 minutes pa bago dumating si Alice kaya naubos na rin namin agad yung pagkain namin bago pa siya dumating. Mukhang ready'ng ready siyang bumyahe kahit na Tagaytay lang naman pupuntahan namin!

The trip was light and easy, especially with Hanzo and Alice. They both got along naman kaya nagtatawanan at nagaasaran lang kami buong byahe papuntang Tagaytay.

I looked around as we entered the venue. It was huge! Hindi nga natuloy ang beach wedding na gusto ni Raffy noong kolehiyo, she got a garden wedding naman! I guess she didn't want the same wedding vibe as her sister, kaya naman Tagaytay na lang ang pinili nilang dalawa ni Claude.

"Wow," Alice's jaw dropped. "This is.. wow. Gusto ko na rin ikasal."

"Tara?" Aya ni Hanzo kay Alice.

Inirapan lang siya ni Alice kaya naman natawa si Hanzo.

I laughed as I walked towards the garden that already had the designs and all. It looked so beautiful. Gusto ko na rin nga tuloy ikasal!

Pero Lord, sa tamang tao po sana.

"Uy," Ngumiti si Ezra sa amin pagkapasok namin ng isang room.

He gave me and Alice a hug and punched Hanzo in the stomach. Mukhang kararating rin nila at nagsisimulang mag-settle in.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si Luca sa tabi ni Franco.

"Is this Luca?!" I smiled at the little boy. "You've gotten so big! How's my favorite pamangkin?"

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon