Chapter 17

16K 650 1.1K
                                    

#MMIM17

"Welcome home!" I hugged both my parents once they arrived. "Buti umabot kayo, mommy."

"Nakakainis nga the people sa airport, eh! I thought we'd get here tomorrow pa!" She sighed. "Didn't you set up the tree? Bakit walang decorations dito?"

"Kasi diba, last year, silang dalawa ni Claude ang nag-set up," sabi ni Daddy habang nilalagay ang kanyang maleta sa tabi ng sofa. "We missed you, nak!"

Tinulungan ko sina Mommy sa pag-ayos ng gamit nila at bumalik rin ako agad sa kwarto ko para maligo sa banyo.

"Is that what you're wearing for tonight?" tanong ni Mommy sa akin habang nakahiga lang ako sa kama, nagsscroll sa newsfeed ko.

"Uh... yeah?" I answered. "Lalabas ba tayo?"

"Your Tita Jenny and Tito Karlo will cook barbecue! Doon tayo magn-new year," ani Mommy habang sinusuot yung isang hikaw niya. "I think your other friends will be there, too. Pupunta ata sina Margaux, ah?"

Napataas naman ang kilay ko. Bigla kong naramdaman ang kaba sa sistema ko dahil simula Christmas ay hindi ko pa kinakausap si Vale.

I bit my lip as I thought of Christmas eve. Pinigilan ko yung kilig.

Kasi hindi naman tama! Hindi rin tama na I responded to his kiss! Hindi naman kami, eh.

Even as he drove me home that night, we didn't speak. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya kung magkita man kami ngayon. But I doubt it!

"Change your clothes na," utos ni Mommy bago lumabas ng kwarto.

I quickly stood up and entered my closet. Nag-suot nalang ako ng light brown na sweater, faded blue skinny jeans, at yung chucks ko na puti. Medyo makulot na yung buhok ko kaya hinayaan ko na 'yon na naka-lugay.

I put on some nude lipstick and mascara para naman magmukha akong nag-effort.

Dahil magkatabi lang ang mga bahay namin, nilakad na namin papunta sa bahay nina Claude. I knew he wouldn't be there since he told us na wala siyang balak umuwi for these upcoming holidays.

There was no sign of Vale, which made me breathe out a sigh of relief. But no sign of Raffy, either.

Nilapitan ko si Margaux na ngayon ay naglalaro ng play station sa sala nina Tita Jenny. Katabi niya si Sophia na naglalaro ng Barbie at Ken dolls niya.

"Margaux!" I whispered. "Nasaan si Raffy?"

"Uy! Happy new year!" bati niya sa akin sabay usog. "Ang ganda nung gift mo sa akin nung Christmas! Grabe ka!"

Nginitian ko siya, pero lumingon kaagad ako sa pintuan nang biglang bumukas 'yon. Mukhang ibang mga kaibigan lang ni Ezra.

"Why are you so jumpy?" Margaux sounded amused. "May inaantay ka ba? Hindi darating si Claude!"

"Nasaan pamilya mo?" I asked her, ignoring her questions.

"Sina Mommy andon sa likod, nakikipag-chikahan. Si Raffy susunod daw. Nag-celebrate ata sila nina Selena sa kung saan."

I nodded. Bumalik nanaman ang kaba ko. Makikita ko ba si Vale? Gusto ko ba siyang makita? Iiwasan ko pa rin ba siya?

Ano ba ibig sabihin nung halik na 'yon? Dahil lang ba nasa ilalim ng mistletoe kami? Nadala lang ba siya? Ano?!

Napapikit ako.

Ayoko naman mawalan ng kaibigan! It's probably just better to tell him that I just want to be friends, right? I mean, I don't want to lose what we have! I can't lose another person in my life.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Where stories live. Discover now