Chapter 18

16.1K 695 851
                                    

#MMIM18

"Happy Valentine's day!" bati sa akin ni Odette. "Sana all may flowers at chocolates!"

"Siya na nga yung walang jowa, siya pa may regalo!" sabi ni Zoe.

"Shunga! Wala rin namang jowa." Halakhak ni Odette kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Zoe.

Umiling ako at nilagay yung mga regalo sa upuan ko. Napuno na yung locker ko dahil may nagbigay ng teddy bear, ang takaw tuloy sa space.

Galing lang naman lahat sa booths, kaya hindi ko rin kilala kung sino yung mga nagbibigay. I smiled the whole day as people constantly entered our classroom, singing songs to different people.

"Nat, anong pakiramdam maging paborito ni Lord?" tanong ni Inez sa akin habang kinakain yung isang bar ng chocolate.

I laughed and nodded at the chocolate bar, implying na sa kanya na lang 'yon.

"Walang paborito si Lord!" I smiled. "Bye!"

Buong buwan ng January at February, hanggang ngayong Valentine's, Vale and I managed to keep our little thing a secret.

It was harder than I thought, kasi napapadalas na ang pag-imbita sa akin ni Lia kapag lumalabas sila nina Raffy.

Hindi ko rin napigilan ang tuwa ko nung napagdesisyunan na ni Vale na pumunta na sa mga services namin. Ang sabi ko naman sa kanya, okay lang sa aki kahit saan siya mag-Church. I guess going to our youth services on Fridays was already a big step for him.

I closed my locker as I emptied it out. Si Odette naman ay inuubos na rin ang cupcake na binigay sa akin kanina.

"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan mula pagka-bata, siguro ayaw kita." Odette said as she chewed on the cupcake.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Ano?"

"Like, you can't be pretty and smart at the same time. Just choose one," sabi niya sabay tapon sa box na lalagyan. "Bakit ba wala kang ka-date ngayon? Eh, hindi ba, nililigawan ka ni Ven?"

Ngumuso ako. After new year, I told Ven I could even reto some girls to him if he liked. Mukhang umoo lang siya para mas makasama ako. Ayun tuloy, iniisip ng ibang fans nilang nanliligaw siya!

"Hindi." I answered honestly.

Ven did ask. Before January ended, he asked if he could court me. Of course I said no. Ayoko naman siyang paasahin pa, at ayoko ring magkaroon ng tension sa kanilang magkakaibigan kapag malaman nilang si Vale ang gusto ko.

Nung sinabi ko 'yon kay Vale, mukhang hindi pa siya natuwa, pero wala nalang siyang sinabi.

I could tell that he wanted to tell his bandmates. Pero sabi ko sa kanya, hayaan na muna namin na makahanap si Ven ng bagong babaeng magugustuhan para naman hindi sila masyadong tensyonado. Magkakaibigan sila, eh.

Mukhang busy si Vale ngayong Valentine's kaya nauna na ako papuntang Church. It was Friday, pero wala kaming youth service dahil acoustic night ngayon. Meaning, random people could sing on stage, with any song that they wanted.

Of course I invited my friends. Mukhang inimbita rin ni Raffy sina Selena. Sana makapunta sila, kung wala silang date.

Habang nasa jeep ako, tumawag bigla si Vale. He greeted me this morning, but that was our last conversation. Hindi naman ako nagtatampo! Hindi naman ako girlfriend.

"Hello!" I cheerfully greeted him. "Happy Valentine's!"

"Happy Valentine's," he greeted back. "Sorry, may gig pala kami ngayon. Hindi kita masundo."

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon