Chapter 39

13.4K 705 451
                                    

#MMIM39

"Hi, Claire! Hello, there." I said in the babiest voice I could accumulate. "So pretty naman! Yes naman, like tita!"

"Huy, bilhin mo na yung ice sa 7/11!"

"Bossy talaga your dad, Claire!" I still said in a baby voice. "Eto na!"

Kakarating lang ni Claire dito sa bahay nila galing sa opsital kaya naman may pa-party sina Claude. Christmas eve rin ngayon kaya sinabay na nila sa Christmas party.

"Ano pa bibilhin?" tanong ko kay Claude.

"Chips?" He smiled. "Kahit ano. Basta ice importante!"

Tumango ako at dumiretso na sa labas para pumunta sa sasakyan ko. Claude and Raffy have their own house, kaya hindi ko na kapit-bahay si Claude.

Itong bahay nila ngayon, sobrang OA sa laki! Akala mo magkakaroon sila ng 12 na anak, eh! I guess Claude had a lot of money earned from his old businesses in Manila, kaya naman madali lang para sa kanila na patayuin 'tong bahay nila.

Dumiretso ako sa pinaka-malapit na 7/11 at bumili ng ice. Kumuha na rin ako ng kung anu-anong pagkain para hindi maubusan ng chips doon mamaya.

Ngumuso ako habang tinitignan yung mga soft drinks na naka-lagay doon samay ref ng 7/11. As I reached out to grab some coke and sprite, may isang babaeng naunahan pa akong kumuha no'n.

"Ay sorry," she said. "Here.."

Napataas ang dalawang kilay ko nang makitang si Theo pala 'yon. I've already seen her last year at the Christmas party of the Mayor, but not up close.

"Okay lang. Sa'yo na." I smiled.

"Thanks." She nodded. "Nat, right?"

"Yeah." I nodded. "Hi, Theo."

"I saw you pala sa social media ni Vale. You're his girlfriend now, right?" She smiled. Para akong nasilaw sa sobrang puti ng kaniyang ngipin.

Tumango ako. "Girlfriend."

Tumawa naman siya habang hawak hawak yung coke. "Okay. Thanks for the coke. Sorry at nauna ako."

Napakunot ang noo ko habang naglalakad siya patungo sa counter. She immediately paid and left. I shook my head and laughed.

"Hey, babe," sagot ni Vale sa tawag pagkapasok ko ng sasakyan. "Merry Christmas!"

"Makakaabot ka ba sa Christmas party nina Claude?"

Ngumuso siya. "I don't think so, pero try ko humabol, love."

"Aw," I pouted. This was supposed to be my first time seeing him in a few months. And it's Christmas eve!

"Sorry," He sighed. "Nasaan ka?"

"Outside 7/11. I saw your ex pala."

Tumaas ang kilay niya. "Huh?"

"Theo." I laughed. "Still hasn't changed, I guess."

"Ay," Tumawa rin siya. "Ex ko ba 'yon?"

Nanliit naman ang mga mata ko sa kanya. Hindi niya pa nakikwento ang una niyang ex. I remember that one night, Valentine's 'yon, and he sung at Church.. and he mentioned an ex before he started singing! Sino kaya 'yon?

"What?" He laughed.

"Sino mga ex mo?"

Mas lumakas ang tawa niya. "You really want to have this conversation?"

"Unfair naman! Si Claude lang kilala mong past ko!" Humalukipkip ako. "Di ko pa siya ex. Ex-crush lang."

"Ex-crush but you loved him."

Meet Me In Mabini (City Series #2)Where stories live. Discover now