Chapter 14

14.5K 572 525
                                    

#MMIM14

Suminghap kaagad ako pagkarating ko ng bahay. Si Vale na yung naghatid sa akin dahil medyo busy pa si Ven at yung ibang mga kaibigan ko at pagod na rin kasi ako.

Napakagat ako sa labi ko nung naalala ko yung kinakanta namin ni Vale sa sasakyan niya.

"Kay sakit naman isipin na! Sa puso mo ako'y pangalawa! Sa t'wing makikita kitang kasama siya, pinipikit ko ang aking mga mata!" We both sang.

"This part." Vale chuckled. "Halos hindi ako maka-hinga!"

Sabay kaming huminga nang malalim tulad sa kanta. We both laughed as we saw each other's reactions. I cannot believe he knows the lyrics to kabet!

Hindi ko napigilan ang ngiti ko habang nagmamaneho si Vale. Wow, this guy.

"Sa Uniqlo mo binili 'tong jacket na 'to, 'no?" Sabi ko sa kanya para hindi ko maisip yung mukha niya.

"Secret." He laughed. "Looks better on you than it does on me."

Umiling ako habang naghihilamos ng mukha. Oh no. Oh no no no.

I cannot see Vale that way. Hindi naman pwede 'yon! He likes Raffy, and Raffy might as well like him! I mean, she's been single for months, and they're always together even though they're not blockmates anymore.

I cannot like someone who likes Raffy... again.

Tinanggal ko kaagad yung jacket ni Vale na suot suot ko pa pala. I forgot to return it to him! Sobrang nag-stay pa yung amoy niya.

Bakit ba ang bango niya?! Nakakainis!

"Tigil, Nat," sabi ko sa sarili ko at sumalampak sa higaan.

I went straight to Church first thing in the morning. Wala akong schedule for today, but I thought I could help out with the other things to do to set up at Church. Also, I needed to take my mind off... whatever I was thinking.

"Natalia, thank you, ah!" Mabilis na yakap sa akin ni Ate Jules. "Kulang sa admin ngayon, umuwi yung iba sa probinsya nila, e."

"Sure thing, 'te." I smiled.

Katatapos lang nung morning service at nagbabalak na ata yung iba na mag-lunch. Malaki ang ngiti ko nang makita ko si Raffy na palabas ng Church. I gave her a huge smile and she smiled back.

Iba yung itsura niya ngayon, kumpara sa kagabi. Suot niya ang isang light pink na sunday dress at naka-pony tail ang itim niyang buhok gamit ang isang pink na scrunchie. Her cheeks were also pinkish, and she looked naturally beautiful.

"Hello!" bati niya sa akin.

Binati ko rin siya at mabilis na niyakap. "Kasama mo si Margaux?"

Umiling siya. "Pupunta dapat siya! Pero ayaw magising kanina, eh. Ang late na rin kasi niya nakauwi kagabi."

I laughed and nodded. "Umuwi ako nang medyo mas maaga, eh."

"Yeah, hinatid ka ni Vale, right?" she said. "I saw that your date was there pa around midnight, eh."

Tumaas ang kilay ko. Date?

"Hala, wala akong date kagabi!"

"Hala, talaga? Fake news talaga yung Lia na 'yon! Sabi niya kadate mo si Ven kagabi! Pero in fairness ha, very pogi."

I laughed and shook my head. Mukha namang hindi uminom si Ven kagabi dahil nagchat siya ng ala una, maayos pa naman ang pag-type niya.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Kakain kami sa John Hay," hikayat ko kay Raffy dahil nakita kong nagaantay na sina Anika malapit sa sasakyan ni Kuya Kahel. Sumenyas ako sa kanila na mag-antay.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon