Chapter 9

15.4K 560 423
                                    

#MMIM09

"Bakit ba kasi ang late matapos netong practice nina Margaux? Lahat na ata sinalihan nung babaeng 'yon, eh!" reklamo ko habang naghihintay kami sa main gate.

"Try mo rin kaya sumali?!" Siko sa akin ni Hanzo. "Volleyball ka last year, diba?"

"Ministry." I shrugged.

Though I wanted to join again, parang malabo dahil masyadong maraming kailangang gawin sa ministry sa Church. Pakiramdam ko hindi ko kayang i-balance. I'm already busy from Wednesdays to Sundays. Mondays atska Tuesdays lang ata ang free days ko kung walang meeting.

Nagpe-prepare na ang mga estudyante ngayon para sa intrams at si Margaux ay mukhang busy'ng busy pa rin hanggang ngayon.

Gabing gabi na! Tapos na ang youth night, hindi pa rin sila tapos!

"Nasan daw si Franco?" tanong ko kina Lance.

"Andun, sinamahan si Margaux," sagot ni Lance sa akin.

Tumitig na lamang ako sa kawalan at nagbuntong hininga. October na at lumalamig na talaga dito sa Baguio. The streets are still busy as ever, but the sweaters are finally coming out. And in the mornings, the fog is so pretty to look at.

Malapit na rin ang Pasko.

Sana naman hindi ako mag-isa.

"Uy, Vale!" rinig kong sabi ni Hanzo sa tabi ko.

I didn't even bother looking at him as I was too busy with staring at the 7/11 sign across the main gate. It's pretty.

Plus, I've been seeing way too much of him! Even after our deal ended about a week ago, we've still been talking because I'm still not giving up on making reto him to Raffy. I guess he's a not so ugly looking monkey with an ugly personality, after all.

That doesn't make us friends, though! He's been hanging out at the house na rin dahil iniimbita siya palagi nina Lance. I mean, his presence isn't as annoying as it used to be, but he still gets on my nerves!

"Uy," bati ni Vale kina Hanz. "Ano ginagawa niyo dito?"

"Inaantay sina Margaux, bok," sagot naman ni Hanzo.

"Ikaw, brad?" Lance asked. "Yieeee, may inaantay?"

"Huh?" ani Vale.

Agad akong lumingon at ngumiti.

Is he waiting for Raffy? That explains why she wasn't at Church kaninang youth service!

"Sino inaantay mo?" tanong ko kay Vale.

"Girlfriend ko," sagot niya.

Nanlaki kaagad ang mga mata nina Lance, ngunit nanliit yung sa akin.

Liar! Palagi ko siyang kasama! Imposibleng may oras pa siyang magka-girlfriend!

"Nagiilusyon ka nanaman, Vale. Sino ba naman papatol sa'yo?" Umiling ako at humalakhak.

Agad niyang tinakpan ang mukha ko gamit ang isang kamay niya kaya naman napatigil ako sa pagtawa. I tried to move my face but he still kept covering it!

I slanted my head and immediately bit his hand. His expression changed in a mere second. Sinubukan niyang bawiin yung kamay niya pero mas diniinan ko lang yung kagat ko.

Ha! That's what you get.

"A-aray, Natalia!" He tried to push my face away with his other hand, but I did the same thing with his face using both my hands.

He was much taller than me, so obviously, nabawi na niya ang kamay niya. It's an unfair fight, honestly! What is he, like, 5'10? 5'11 I'm only 5'2!

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon