End

24.8K 1K 1K
                                    

Huminga ako nang malalim habang nag-aantay dito sa banyo. It's been more than 2 minutes now, but I haven't found it in me to check.

"Nat! Ang tagal!" Katok ni Yve. "Last concert na 'to ni Vale! Baka naman gusto mong i-good luck yung asawa mo bago siya magperform!"

I bit my lip and checked. Kumurap ako ng ilang beses para tignan kung iisa lang ba yung linya o dalawa.

I immediately threw away the stick and went outside. Yve was leaning against the wall with her arms crossed.

"Gusto mo 'yon, sold out tickets ng concert mo sa MOA pero yung asawa mo ayaw ka panuorin?" She laughed. "Ang tagal mo sa loob!"

Dumiretso kami sa kwarto ni Vale, pero saktong sakto ay palabas na nga siya. His face lighted up once he saw me, and he immediately gave me a kiss.

"Good luck kiss, thanks," he said and laughed. "I'll see you out there, babe."

I sighed. Tumingin ako kay Yve na nakanguso na ngayon.

"Tagal mo kasi!" She laughed. "Tara na nga."

Sa backstage si Yve dahil may kailangan siyang ayusin dito, pero ako ay dumiretso na sa mga upuan na nasa pinaka-harap, lagpas nung barriers. Nandoon rin sina Raffy, kaya naman sa kanila na ako tumabi.

"Hello!" Sigaw ni Raffy. "Wala akong marinig! Ang titinis ng boses ng mga fans ni Vale!"

I laughed and nodded. Baka kasi hindi niya ako marinig kung sasagutin ko pa siya.

Claude gave me a hug and smiled. Mukhang kararating rin ni Hanzo dahil tumabi siya agad sa akin, hingal na hingal.

"Wild masyado fans ni Vale!" he said through heavy breaths.

Malakas ang pagpasok ng banda ni Vale sa stage. They immediately started playing the intro to one of his songs, and just when I thought it couldn't get louder here, mas lumakas ang mga sigaw at tili ng mga tao nung si Vale na ang lumabas.

Hindi ko alam kung bakit may kaba sa dibdib ko, pero buong gabi, kabadong kabado lang ako. And as Vale ended his set, he looked at the front and his eyes searched for something.

When our eyes met, he smiled and nodded towards the back. Gumalaw agad yung isang naka-itim na may headphones, tapos bumaba ng stage.

"Before tonight ends, I want to show you guys a very special person in my life.." Vale said. "Mas magaling pa 'to kumanta sa akin."

Tumawa naman sina Raffy habang nakatingin sa akin.

Ano nangyayari?!

The guy in the black shirt handed me a microphone and led me to the stage. Lumilinga linga pa ako para tignan kung ano ba talaga nangyayari.

Once I got to the end of the stage, lumapit agad sa akin si Vale at hinila ako patungo sa sentro. As he smiled at me, I heard a familiar tune to a song that we used to sing. Hindi ko alam kung bakit sobrang emotional ko, pero namuo agad ang luha ko!

"I have to tell you something," bulong ko sa kanya pagkatapos ko ilayo yung mic.

Tinignan niya naman ako at tumaas ang dalawang kilay niya.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon