Chapter 4

15.7K 682 196
                                    

#MMIM04

I yawned as I pressed the button on the vending machine. I don't know, but something about hospitals always scared me.

Nakakatakot naman kasi talaga! Hindi mo alam, nahawaan ka na pala sa sakit ng iba dahil sa mga hinahawakan mo, sa mga pinipindot mo!

But I'm here because my sister needs me. I think I can push those fears aside naman for her, especially now that she's getting worse. And it's... really bad, I guess. Judging from the way her colleagues are talking to me about the situation, I guess we should prepare for the worst.

"Lady, your drink's ready," anang lalaki sa likod ko.

Para akong nabalik sa katotohanan kaya agad kong binuksan yung pagkuhanan ng kape.

Bumalikas ako at nagulat na lang ako nang makita ko ang isang lalaking ayoko makita. Out of all the people, of all places, of all timings, why is he here?!

Parang 0-100 ang bilis ng pag-shift ng mood ko pagkakita ko sa kanya. Naalala ko pa rin last Friday, ipapagtaxi niya na dapat ako! At hindi pa siya nakuntento doon! Humingi pa ng pang-gas! Pero siyempre hindi ko binigyan. Ang yaman yaman niya, wala siyang pang-gas?

Hindi ko siya sinagot, but he still had that smirk on his face.

One day, Vale. I will punch that smile off of your bwisit na face!

"Nat, tagal mo," Rinig kong sabi ng isa pang lalaki.

Lumingon ako at agad kong nakita si Lance.

Lance and Hanzo are both accompanying me with Ate Noelle. Since hindi nanaman nagpapakita si Claude sa amin at busy naman si Franco at Margaux, sila muna ang kasama ko.

"Sorry-"

"Uy bro!" Ngumiti si Lance nang makita niya si Vale. "Nice game kagabi, ah."

"Bigla naman nawala si Ez," sagot ni Vale kay Lance.

Wait... are they... bro-hugging?! Ano sila, close? Best friends?! He can't steal away my friends!

"I see you've met Nat." Ngisi ni Lance. "Nat, 'yan si Vale."

"We know each other," We surprisingly said in unison. Kaya naman napataas ang kilay ni Lance sa aming dalawa.

"Magkakilala kayo?" Ngumisi si Lance. "Ahh.. kaya pala sinasabi ni Natalia noon na-"

I quickly pinched his arm, kaya naman napatigil siya. Umiling na lang agad ako at lumingon kay Vale na ngayon ay kinukuha ang isang cup galing sa vendo.

"Sadly, yes, magkakilala kami." Nagbuntong hininga ako. "Kinakahiya ko man aminin."

"Wow." Vale chuckled.

Tumaas naman ang kilay ni Lance. "Vale, si Natalia ba yung crush mong sinasabi mo, brad?"

Agad akong tumango para sagutin si Lance kahit na hindi ako yung tinatanong. "Ako talaga. Kaya ayaw niya akong tantanan."

Vale had a disgusted look on his face as he looked towards me. "Mag-hunos dili ka nga."

Lance, on the other hand, had an amused expression on his face. Tinignan ko ulit si Vale at inirapan siya.

How do people stand him?!

Bago pa mag-tuloy tuloy ang usap nilang dalawa, bumalikas na ako at nagsimulang maglakad paalis. Nasisira na good vibes ko d'yan sa lalaking 'yan.

"Sige, brad, una na kami." Rinig kong paalam ni Lance sa likod ko.

He quickly caught up with my pace and had a grin on his face. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon