Chapter 27.

78 3 0
                                    

Akari's POV

Mahigit isang linggo akong nanatili lang sa kwarto ko. Hindi na ako pinapasok ni Chichiue sa school kaya nag-oonline class na lang ako para matapos ko ang first semester namin ng walang problema.

Labag man sa loob ko pero wala akong choice kung hindi ang sumunod dahil wala rin naman akong magagawa kahit ano pang pagkontra ko kay Chichiue.

Ilang araw din ang lumipas matapos ang party ni Sen. Alfonso, wala na akong balita kay Jax. Hindi na siya nag-memessage sa akin at hindi na rin siya nagpaparamdam. Sobrang nakakapanibago dahil maya't maya siya kung mang-istorbo sa Messenger ko.

I asked Kaito about Jax pero wala siyang sinagot sa mga tanong ko. I also asked Gin pero wala rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko. May ayaw silang ipaalam sa akin. At kailangan kong malaman kung ano 'yun.

Hanggang sa magsimula ang second semester namin, wala pa rin akong balita kay Jax. Hindi ko rin sila makita ni Grynn sa school.

Hayop na 'yan, wala man lang paramdam. Ni ha, ni ho, wala. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nag-memessage naman ako sa kanya pero hindi niya sineseen. I think he's intentionally avoiding me.

"Hoy, bruhildang Akari, ano na naman ba ang ginawa mong babaita ka?"

Nagtataka kong tinignan si Jenny. Ano na naman ba ang problema ng babaeng 'to sa akin?

"Anong ibig mong sabihin?" Ibinaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Nananahimik akong kumakain dito sa cafeteria pero ang galing talagang mang-istorbo nitong si Jenny.

"Hindi ka na pumasok after ng party ni Senator tapos 'yung tatay mong gang leader, pumunta rito sa school." Maarte niyang sagot sa akin at umupo sa tapat ko.

"Huh? Bakit naman pupunta rito si Chichiue?"

Humalukipkip siya at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Aba, malay ko. Ako ba 'yung anak?"

Hayop na babaeng 'to, walang kwentang kausap.

"Ano nga?" Pagtitimpi ko.

"Hindi ko nga alam." Iritable niyang sagot. "Basta kinausap niya noon si Jax at si Grynn."

"Huh? Bakit naman?"

"Ang bobo mo namang kausap. Kaya nga ako nagtatanong sa'yo dahil hindi ko rin alam 'di ba? Ano na naman ba kasi ang ginawa mo ha?"

"Mahabang kwento. Pero ano pa ang alam mo maliban doon?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nalaman ko na lang na nag-transfer na silang dalawa sa PUP."

Mukhang ito 'yung bagay na ayaw ipaalam sa akin ni Kaito at ni Gin.

"Salamat, bitch. May nai-ambag ka ring maganda sa buhay ko kahit ngayon lang." Inayos ko na ang mga gamit ko. Wala dapat akong sayangin na oras ngayon.

"Walang anuman, bitch. Basta ibalik mo lang dito si Jax ko."

Ilang araw din ang ginugol ko para lang mag-surveillance sa buong campus. Inalam ko ang bawat pasikot-sikot sa school at kung saan ang blind spots ng mga CCTV.

"Yossha! Yarouze, Akari!" Ito na ang araw na gagawin ko ang plano ko, sakto na nasa Japan ulit si Chichiue kaya hindi niya malalaman agad na wala ako. First time ko 'tong gagawin kaya kailangan kong mag-ingat. Hindi ako pwedeng magkamali.
(Yossha! Yarouze, Akari! — All right! Let's do this, Akari!)

Lumabas na ako ng classroom pagkatapos ng klase namin. Maingat akong naglakad palabas ng campus. Siniguro ko talaga na sa blind spots ako dadaan para hindi ako mahagip sa CCTV.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon