Chapter 5.

210 41 102
                                    

Akari's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akari's POV

Nasira lalo ang araw ko dahil kay Jenny. Siya lang naman ang hudas na tumawag sa akin para lang singilin ako sa cellphone niya na sinira ko. Sasampigahin ko na talaga siya dyan ng pera ko e, para manahimik na siya.

Pagkarating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa office ni Chichiue.

Dahil Japanese-style ang bahay namin at Japanese din naman kami, hindi na kami nagsusuot ng tsinelas na pambahay sa loob ng bahay namin. Itinabi ko lang nang maayos sa gilid ang sapatos ko saka ako pumasok sa loob na naka-paa lang.

Nang nasa tapat na ako ng office ni Chichiue, lumuhod muna ako sa tatami then I sat with the tops of my feet flat on the floor, my toes pointed straight back behind me, and rested my hindquarters on my heels. Then I kept my arms at my sides and put my hands palm-down on top of my thighs.

Pinaka ayoko sa lahat ang ganitong klase ng upo dahil parehong naiipit ang binti ko. Nakakangimay ito ng paa lalo na kapag matagal ka nang nakaganito. Tsaka nakakairita 'yung may nararamdaman kang mga tusok-tusok sa paa mo.

I bent 30-degree forward, slid my hands toward my knees, placed the tips of my fingers on the ground directly in front of my knees, thumbs touching then directed my gaze to the floor in front of me, and held this position.

"Tadaima kaerimashita, Chichiue." I humbly said.
(Tadaima kaerimashita, Chichiue. - I just came home, Father.)

"Okaeri." Narinig kong sabi niya galing sa loob ng office niya. 'Yun lang? Okaeri lang talaga?
(Okaeri. - Welcome home.)

Tumayo na ako agad bago pa mangimay nang tuluyan ang paa ko at para pumunta na rin sa kwarto ko pero bigla niya akong tinawag.

"Akari, come inside." He really likes to give an authoritative order.

Pero bakit kaya? 'Wag naman na sana niyang dagdagan pa ang target shooting class ko.

Labag man sa loob ko, ini-slide ko ang pinto at pumasok ako sa loob ng office niya. Nakaupo sila ni Kaito sa tatami floor habang naglalaro sila ng shogi, a Japanese variant of chess.

"Simula bukas, si Kaito na ang magtururo sa'yo sa target shooting class mo. Tuturuan ka na rin niyang gumamit ng iba pang baril maliban sa pistol." Sabi niya sa akin nang hindi niya man lang ako nililingon.

Napairap na lang ako sa isip ko. Heto na naman po kami sa target shooting niyang 'yan. Hindi ba siya nauumay? Kasi ako, umay na umay na akong magpanggap sa harap nilang lahat na tatanga-tanga ako kunwari para lang hindi nila malaman na sharp shooter na ako.

Besides, alam ko na gamitin ang iba pang mga baril. And I really love using shotguns. Although, it is hard to maneuver in tight spots and it needs two hands to operate, it still has a devastating amount of power.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon