Chapter 25.

102 4 16
                                    

Simula nang malaman namin ni Jax ang totoo tungkol sa isa't isa, na member ako ng Red Sun at member naman siya ng Black Moon, mas lalo pa kaming naging close

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula nang malaman namin ni Jax ang totoo tungkol sa isa't isa, na member ako ng Red Sun at member naman siya ng Black Moon, mas lalo pa kaming naging close. Sa sobrang close namin sa isa't isa, may kumakalat ng tsismis sa campus na mag-boyfriend-girlfriend na raw kami.

Maraming babae ang nalungkot dahil sa tsismis na taken na raw ang crush nila. Marami rin naman ang natuwa dahil katunayan daw 'yun na hindi talaga bakla si Jax at si Grynn. Lagi kasi silang magkasama to the point na napagkakamalan na rin silang mag-jowa.

Ewan ba naman sa mga tsismoso't tsismosa sa school. Kung sino ang laging magkasama at super close, sila rin lagi ang natsitsismis na mag-jowa.

"Ready?" Napatingin ako sa reflection ni Kaito sa salamin. Nakasandal siya sa may pintuan ng kwarto ko at nakahalukipkip ang mga braso niya. Nakatayo naman ako sa tapat ng salamin upang tignan ang suot kong kimono.

Ngayon na ang celebration party ni Senator Alfonso. Maliban sa mga kakilala niya, invited din ang Red Sun, Black Moon, at Phoenix.

"Bakit ba kailangan ko pang sumama?" Sinuklay ko ulit ang nakalugay kong buhok at inayos ko ang suot kong kimono.

"Si Jax ba pupunta?"

"Yup. Pero napag-usapan namin na magkukunwari kaming hindi magkakilala. Nga pala," humarap ako sa kanya, "kumusta 'yung deal ninyo with Phoenix? Sa Red Sun na ba sila kukuha ng firearms?"

"Unfortunately, no, dahil loyal sila sa Black Moon. Anyway, hindi rin naman nakapagtataka 'cause blood is thicker than water."

"What do you mean?"

"Magpinsan silang dalawa, si Grynn at si Damon."

Pagkauwi ni Kaito galing Japan, the week after naming mag-Enchanted Kingdom ni Jax, kinausap ko agad siya. Sinabi niya sa akin na hinayaan niyang si Jax ang magsabi sa akin ng totoo and he will respect my decision. So I told him na itutuloy ko pa rin ang friendship namin ni Jax.

Kinausap niya si Jax at si Grynn after that. Nagulat pa nga ako nang malaman kong si Grynn pala ang leader ng Black Moon. I really can't believe na nasa paligid ko lang pala ang leader ng mortal na kaaway ng Red Sun.

Ang mga kaibigan naman ni Jax at ang pamilya niya ay member din pala ng Black Moon. Kaya pala ang weird ng mga ate niya noong birthday niya.

Wala akong alam sa Black Moon, maliban lang sa tattoo nila dahil 'yun lang ang bukod-tanging natandaan ko noon sa mga itinuro sa akin ni Kaito.

"Ang ganda mo, bagay sa'yo ang kimono mo." Pagpuri ni Gin sa akin nang makarating na kami ni Kaito sa parking area. Pinagbuksan niya kami ng pinto ng kotse na gagamitin namin papunta sa venue ng party.

Importante kay Chichiue ang tradisyon ng mga Japanese kaya nakasuot kami — ako, siya, at si Kaito — ng kimono.

Importante kay Chichiue ang tradisyon ng mga Japanese kaya nakasuot kami — ako, siya, at si Kaito — ng kimono

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon