Chapter 15.

119 9 16
                                    

Akari's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akari's POV

"We're here." Sabi ni Jax sa akin nang marating na namin ang address na ibinigay sa akin ni Manang Carmen. "Gusto mo ba na samahan kita sa loob?"

Dinungaw ko 'yung bahay mula sa loob ng kotse. "No need na. Ako na lang mag-isa. Sigurado ka bang 'yan na 'yun?"

Tinignan niya rin 'yung bahay at itinuro niya ang gate nito. "Ayun, o. Nakalagay naman sa gate nila ang address nila."

"Thanks. Wait mo na lang ako rito." Lumabas na ako ng kotse niya at naglakad ako palapit sa gate. Wala silang doorbell kaya kinatok ko na lang ang gate nila. "Tao po? Tao po? Tao po!"

Parang wala pa atang tao, a.

"Tao po!" Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko. Baka mamaya ay hindi lang ako naririnig ng mga tao sa loob.

Maya-maya lang din ay may lumabas nang binata na mukhang ka-edad ko lang.

"Ano po 'yun?" Tanong niya sa akin. Nakatayo lang siya sa may pintuan nila.

"Hi, magandang araw. Dito po ba nakatira si Grayce Ledesma?" Magalang kong tanong sa kanya.

"Bakit po?"

"Pakisabi naman na gusto ko siyang makausap. Gusto kamo siyang makausap ni Akari Yamamoto."

"Saglit lang po, sasabihin ko lang po kay Mama." Pumasok siya sa loob ng bahay nila.

Habang naghihintay ako na bumalik siya, nag-isip ako ng mga pwede kong itanong kay Aling Grayce. Sana lang ay may alam siya tungkol sa pagkamatay ni Hahaue.

"Pasok po kayo." Pinagbuksan na ako noong binata ng gate nila kaya pumasok na ako sa loob. Masyado na rin akong nabilad sa araw dahil magtatanghali na rin.

Nauna siyang gumayak kaya sinundan ko lang siya. Hinubad ko muna ang sapatos ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila.

"'Wag ninyo na pong hubarin ang sapatos ninyo." Pagpigil niya sa akin pero huli na siya dahil nahubad ko na ang sapatos ko.

"Pwede ko bang matanong kung ano ang pangalan mo?"

"Aaron Clein po. Upo po kayo." Inilahad niya ang kamay niya sa sofa nila kaya umupo naman ako.

"Nice to meet you, Aaron. Salamat."

"Sige po, tawagin ko lang po si Mama. Teka lang po." Tumalikod na siya sa akin at umakyat siya ng hagdan pa-second floor.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila. Malinis ang paligid at walang masyadong gamit. Tanging sofa at TV lang ang nasa living room nila. May mga naka-display ring pictures sa dingding — family pictures, college graduation picture ng isang babae na may blue hood, at high school graduation picture ni Aaron.

"Ikaw na ba talaga 'yan, Akari?" Napalingon akong bigla sa babaeng nagsalita na bumababa ng hagdan. Si Aling Grayce. Nakasunod naman sa likod niya si Aaron. "Dalagang-dalaga ka na at kamukhang-kamukha mo talaga si Annaisha."

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon