Chapter 17.

115 8 29
                                    

Maraming salamat sa suporta merrybyeol 🧡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maraming salamat sa suporta merrybyeol 🧡

__________

Na-windang ako sa sinabi ni Jax. Anong sumugod ng sabay-sabay ang sinasabi niya? Nakasinghot ba siya ng katol? Limang lalaki ang gusto niyang sumugod sa kanya ng sabay-sabay.

"Teka lang..."

Huli na para pigilan ko pa sila dahil sumugod na ng sabay-sabay 'yung limang batang lalaki kay Jax.

Anong gagawin ko? Baka hindi kayaning lumaban ni Jax nang mag-isa.

"Jax!" Malakas na tili ko sa pangalan niya. Napapikit ako ng mga mata ko nang biglang naglabas ng balisong 'yung limang bata at sinugod nila si Jax gamit 'yun.

Mga putanginang mga bata 'yan! Hindi sila patas lumaban! Jax is fighting bare-handedly tapos sila may balisong?!

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, nananalangin na sana ay hindi napahamak si Jax.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong ligtas naman siya at wala siyang galos. Pero hirap na hirap siyang umiwas at makipaglaban sa kanila dahil sabay-sabay silang umaatake sa kanya.

I pulled my hair into a high messy bun. Sorry, Jax, but I have to do this. Kailangan na talaga kitang tulungan.

Naglakad na ako papalapit sa kanilang anim, kay Jax at doon sa lima pang duwag na mga batang lalaki, pero biglang hinarangan noong apat na babae, na kasama noong limang duwag, ang daraanan ko at pinalibutan din nila ako.

"Hep! Dyan ka lang, bata. Masyado na silang marami kaya 'wag ka ng makisali pa sa kanila." Pagpigil sa akin noong babaeng may faded haircut.

Ang hilig talaga ng mga batang ito na mang-outnumber. Akala naman nila ay matatakot ako sa kanila porket marami sila.

Sa mga ganitong pagkakataon ko lang talaga ipinagpapasalamat 'yung mga training na natutunan ko. But most of the time, ayoko talaga dahil nakakapagod.

Tumayo ako ng mabuti at mas naging alerto ako sa paligid ko. Pinakikiramdaman ko sila dahil baka sugurin din nila ako ng sabay-sabay at baka meron din silang dalang balisong.

"Alam ninyo, ganito na lang, bakit hindi tayo magpakilala sa isa't isa? Para naman pormal ko kayong makilala, 'di ba?" I raised my hands as if I was surrendering. "Wala akong gagawin sa inyo. Maliban na lang kung sasaktan ninyo ako."

Halatang nag-uusap sila base sa tingin na ibinibigay nila sa isa't isa.

"Okay, sige, magpapakilala kami sa'yo para maiwasan mo na kami sa susunod, kung sakali mang magtagpo ulit ang mga landas natin." Si faded haircut girl na naman ang nagsalita. Siya siguro ang leader nitong mga babaeng 'to. At tindig pa lang niya, halata mo nang mayabang lang. "Ako si Venus."

"Ako naman si Rina." Pakilala naman noong babaeng nanalisod sa akin kanina. So Rina pala ang pangalan niya. Lagot ka sa akin mamaya dahil ikaw ang unang-una kong tuturuan ng leksyon.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon