Chapter 29.

49 1 0
                                    

Akari's POV

"Teka, Jax, anong ginagawa mo?" Niyugyog ko ang katawan niya upang gisingin siya. Bigla-bigla na lang kasi siyang humiga sa kama ko rito sa guest room. "Hoy, ano ba?"

"Hmm?" Gumalaw siya at tumalikod sa akin.

Umupo ako sa gilid ng kama at hinampas siya ng malakas sa braso niya. "Anong 'hmm' ka dyan? Kama ko 'yan, umalis ka dyan!"

"'Yung lalaking pumunta noon kila Naya, tauhan siya ng Red Sun, ng tatay mo." Out of nowhere niyang sabi.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Bakit ninyo pinasusundan si Naya?" He asked, ignoring my question.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan." Medyo naiinis na ako. It seems like he's accusing me na may kinalaman ako o may alam ako sa mga pinaggagagawa ng Red Sun.

"Wala, magpahinga ka na. Bukas na lang natin pag-usapan."

And that's it, tuluyan nang sumabog ang fuse ko.

"Aray!" Bigla siyang napabalikwas ng bangon at humarap sa akin na salubong ang mga kilay niya. "Bakit mo ako binalugbugan sa likod ko?!"

"Wala, magpahinga ka na. Bukas na lang natin pag-usapan." Panggagaya ko sa sinabi niya sa akin.

Sino ba naman ang hindi siya babalugbugan sa likod niya, e nakakapikon siyang kausap! Siya ang nag-open ng topic na para bang pinagbibintangan niya ako tapos noong tinanong ko siya, ang isasagot niya sa akin, 'Wala, magpahinga ka na. Bukas na lang natin pag-usapan?' Hah! Nakakapikon!

"Ano bang problema mo?" Naiirita niyang tanong.

Napairap na lang ako sa hangin. "Ikaw ang anong problema mo? Tinatanong mo ba ako o pinagbibintangan mo ako?"

"Hindi kita pinagbibintangan. Nagtatanong lang ako."

I laughed in disbelief. "Nagtatanong? Kung makatanong ka sa akin, akala mo namang alam ko 'yung dahilan kung bakit nila pinasusundan si Naya!"

"Nagtatanong nga lang ako! Bakit ba nagagalit ka?!" Aniya sa mataas na boses.

"Hindi ka nagtatanong! Pinagbibintangan mo ako! Tsaka bakit mo ako sinisigawan ha?!"

"Hindi kita sinisigawan! Ikaw ang naninigaw!"

Medyo tumataas na ang tono ng pananalita niya kaya tumataas na rin tuloy ang boses ko.

Pareho kaming nakatitig ng masama sa isa't isa at walang kumikilos ni isa sa amin. Nakahalukipkip ang mga braso ko at naka-indian seat naman siya.

"Alam mo 'wag ka na ngang uminom! Wala kang kwentang kausap!" Sigaw ko sa kanya. Padabog akong tumayo at padabog na nagmartsa palabas ng kwarto. Ibinalibag ko rin ang pagsara ko ng pinto kaya rinig na rinig sa hallway ang kalabog nito.

"Aarggh! Nakakaasar!" Impit na hiyaw ko sa hallway. Marahas ko ring sinuklay ng kamay ko ang buhok ko. "Bwisit talaga!"

Teka, saan na ako matutulog nito? Kainis! Si Jax dapat ang pinalayas ko dahil kwarto ko 'yun!

Kinabukasan, puyat na puyat ako dahil sa sala ako natulog. Bukod sa nasa ibang bahay ako, hindi pa masyadong komportable sa sofa kaya kulang na kulang talaga ako sa tulog ngayon.

"Saan ka... natulog kagabi?" Naiilang na tanong ni Jax sa akin. Naabutan niya ako sa kusina na umiinom ng tubig.

"Wala ka na doon." Inirapan ko siya. Pumunta ako sa lababo at hinugasan ang basong ginamit ko.

"Love birds," napatingin kami kay Athena na dire-diretsong pumunta sa pantry, "ang aga-aga pa, LQ agad?"

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. Naglakad na ako palabas ng kusina at hinawi ng malakas si Jax na paharang-harang sa may pintuan.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon