Chapter 13.

118 13 29
                                    

Disclaimer: Pasmado ang bibig ng mga character dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Disclaimer: Pasmado ang bibig ng mga character dito. Read at your own risk.

__________

Jax's POV

"Oy, bakit ganyan 'yang itsura mo?" Bungad agad ni Nix sa akin pagkapasok ko pa lang ng living room.

Tangina. Ikaw ba naman ang umattend ng klase na may madugong subject e, malamang magiging zombie rin ang itsura mo.

Padapa kong isinalampak ang sarili ko sa sofa. Nakatagilid ang ulo ko at ginawa kong unan ang dalawa kong braso. Ipinikit ko rin ang mga mata ko. "Wasted ako sa dalawang subject ko ngayon. Ang sakit sa ulo. Tangina."

"E ginusto mo naman 'yang course mong 'yan e."

"Kaya nga. Buti ka pa gagraduate on time."

He shrugged his shoulders. "Malaman. Bakit ba kasi umuwi pa kayo rito? Alam ninyo namang iba ang sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas, 'yan tuloy, ang dami ninyong hinahabol na subject."

"Si Jen kasi e, gustong-gusto nang makita si Naya." Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako kay Nix na busy na agad sa cellphone niya. ML na naman siguro 'yan. "Speaking of that bastard, nakauwi na ba siya? Hindi 'yun pumasok sa last subject namin e."
(ML — Mobile Legends)

"Huh?" Hindi niya inaalis ang tingin niya sa cellphone niya. Wala na, nilamon na naman siya ng paglalaro niya. Tsk. "Hindi ko napansin. Wala pa ata."

First blood.

"Okay." Umayos na ako ng pagkakahiga ko sa sofa. Nakatagilid ako at kaharap ang sandalan. Unan ko pa rin ang kanan kong braso. "'Wag kang maingay dyan ha? Matutulog lang muna ako."

Naghihintay ako ng sagot ni Nix pero hindi na siya nagsalita ulit. Tanging ang tunog lang ng Mobile Legends ang naririnig ko sa paligid. Mukhang focused masyado ang gago sa nilalaro niya.

You have slain an enemy.

Killing spree.

An ally has been slain.

Ipinikit ko na ang mga mata ko. Mabilis lang din akong napaidlip dahil sa sobrang pagod ko at antok.

You have been slain.

"Putangina naman talaga, namatay pa, o! Tsk!" Naaasar na sigaw ni Nix na biglang nagpagising sa akin. Hinampas niya pa ang arm rest ng sofa. Putangina naman talaga! Ikaw ang mapapatay ko e!

Galit akong bumangon. Binato ko siya ng unan sa mukha niya. Binwelo ko pa talaga ang braso ko para malakas ang pwersa ng pagbato ko. "Tangina kang hayop ka! Nakakagulat ka masyado!"

"Ano, 'wag kang magulo! Ranking 'to!" Sigaw niya pabalik sa akin nang hindi niya man lang ako tinitignan. Tanginang 'to. Siya pa talaga ang may ganang magalit?

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon