Chapter 30. (SPG)

142 1 0
                                    

A/N. Pasensya na, first time kong gagawin ito. Mature content ahead. Read at your own risk.

__________

"Na-miss kita." Sincere na sabi ni Jax habang nakayakap siya sa akin nang mahigpit.

"Hoy, ang corny mo na." Pagbibiro ko. Sobrang seryoso niya kasi e.

"'Yan tayo e, hindi mo kasi ako sineseryoso. Hindi mo man lang ba ako na-miss?"

"Ang OA, a. Wala pang isang araw tayong magkaaway, 'no."

"Hanggang kaibigan lang ba talaga?" Bigla-bigla niyang tanong. Ayokong mag-assume pero parang may nahimigan akong lungkot sa sinabi niya.

"Sandali nga lang, baka may makakita sa atin e." Sinusubukan kong kumalas sa yakap niya pero ayaw niya akong pakawalan. "May problema ba?"

"Kailan mo ba ako seseryosohin? Ang manhid-manhid mo naman kasi e."

"Wait nga lang, ano bang sinasabi mo?" Pakiramdam ko lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Maraming beses na akong nagpaparamdam sa'yo pero ang manhid mo."

I laughed awkwardly. "Alam mo hindi kita maintindihan."

"Tamo, ang manhid mo talaga. Tsk."

"Ano ba kasi 'yun?" Parang alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Ayoko lang mag-assume, mahirap na. "Try mo kasing i-explain sa akin para na-gegets kita."

Bumitaw na siya sa yakap niya sa akin at tinignan ako ng seryoso sa mga mata ko. "Hindi ka man lang ba tinablan sa mga da-moves ko sa'yo?"

I burst out laughing. "Seriously? Bakit naman, e magkaibigan tayo?"

"Pero gusto kita." He was still looking at me, but this time, in more intimate way.

Napatigil akong bigla sa pagtawa ko. "Ano?"

Umiwas siya ng tingin at tumikhim. "Sorry, hindi ko na dapat sinabi, baka mailang ka pa sa akin."

Parang kanina lang iniisip ko 'to, na posible kayang magkagusto siya sa akin? Ngayon, ito na, umamin na siya sa akin. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

"Goodnight." Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at ini-lock ang pinto.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Totoo bang nagconfess si Jax sa akin? Totoo bang gusto niya ako?

Ano na ang gagawin ko? Ewan, bahala na bukas at sa mga susunod pang araw.

"Hmph, 'wag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan ng lalaking 'yun." Iritableng saad ni Naya. Sambakol na naman ang mukha niya nang pumasok siya sa living room.

"Bakit na naman ba?" Umayos si Jax ng upo sa sofa at tumingin kay Naya. "Lagi na lang kayong nag-aaway."

"Ewan ko rin ba. Parang nakatadhana talaga atang mag-away kami lagi."

"Ikaw lang naman ang mahilig mang-away e." Sabat ni Grynn kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Pumasok siya sa living room at umupo sa tabi ni Naya.

"Anong ako? Ikaw kaya! Napakatino mo kasing kausap lagi!"

"Hoy, iirapan mo ako, 'no?"

"Anong iirapan ka dyan?!"

"Nakita ko! Iirapan mo sana ako kung hindi lang ako napatingin sa'yo!"

"Feeling ka! Ang kapal mo!"

"Gusto mo talagang mawalan ng mata, ano?!"

"'Yan, dyan ka magaling, ang pagbantaan ako lagi!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon