Chapter 21.

123 5 16
                                    

For the first time in my life, nagawa kong magtext kay Manong Alfred na mamaya niya na ako sunduin dahil maglalamyerda pa ako kasama si Jax

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

For the first time in my life, nagawa kong magtext kay Manong Alfred na mamaya niya na ako sunduin dahil maglalamyerda pa ako kasama si Jax. Grounded pa rin ako dahil sa pag-aaway namin ni Chichiue kaya bahala na mamaya pag-uwi ko.

And also, this is the first time I went to a perya. Mukha namang yayamanin si Jax pero malaya siyang pumunta sa mga lugar na gusto niyang puntahan nang walang halong kaartehan.

"Tara, doon tayo." Aangal pa sana ako sa kanya pero hinila niya na ako papunta sa isang mini roller coaster but he called it caterpillar. Well, hindi na nakakapagtaka kung bakit 'yun ang tawag doon 'cause its design looks like a caterpillar talaga.

"Hey, wait, is this safe?" Nag-aalangan pa akong sumakay sa loob. Mukha kasing hindi safe ang precautionary measures nila.

"Syempre, hindi. Pero 'wag kang mag-alala, wala pa naman kasi akong nababalitaan na nadisgrasya rito."

I gave him an are-you-fucking-kidding-me look. "The fuck. So okay lang sumakay dyan dahil wala pang naaaksidente?"

"Ang arte mo, tara na." He said then he carried me like a bride.

"Hoy, ibaba mo nga ako! Nakakahiya ka!" Ipinadyak-padyak ko pa ang mga binti ko pero tinawanan niya lang ako. "Ano ba, mukha tayong tanga! Pinagtitinginan na tayo!"

Gago talaga 'to kahit kailan! Kainis!

"Sana all may jowa!" Rinig kong sigaw ng isang crew dito sa perya.

Anong jowa?! Patay ka sa akin mamaya! Tatanggalan talaga kita ng dila kung sino ka man!

Buti na lang at naka-jeans ako ngayon. Dahil kung hindi, malamang ay nasilipan na ako. Nagkalat pa man din ang mga manyak dito sa mundo.

"Hoy, ano ba?! Ibaba mo na sabi ako e!" Malakas na bulong ko sa kanya. Kinurot ko pa siya sa tagiliran niya, 'yung pinong-pinong kurot para baon ang kuko ko sa balat niya.

"Aw! Mapanakit ka talaga, 'no?" Napapangiwi siya sa sakit.

Sumakay na kami sa loob ng caterpillar na buhat-buhat niya ako. At ang hayop, imbes na i-upo niya ako sa upuan ng ride, inupo niya ako sa lap niya! Kapag ako nahulog, papatayin ko talaga siya!

"China oil!" Sigaw naman ng isang lalaki.

Anong china oil? Isa ka pang epal! Tatanggalan din kita ng dila e!

Tatayo na sana ako para umupo ng maayos sa tabi ni Jax pero bigla niyang hinawakan ang bewang ko at ikinabig niya ako papalapit lalo sa kanya. Napakapit tuloy ako sa balikat niya nang hindi sinasadya.

"Ano ba? Ibaba mo na ako. Pinagtitinginan na talaga tayo." Bulong ko sa kanya since malapit lang din naman ang mukha namin sa isa't isa. "Makakatikim ka na talaga sa akin, makikita mo."

"Ngayon ka pa talaga nahiya, e nag-kiss na nga tayo— aw! Masakit!" Reklamo niya dahil binalugbugan ko siya sa likod niya.

"Ibababa mo ba ako o hindi?" Pagbabanta ko sa kanya. Marami akong baon na pananakit kaya makakatikim talaga sa akin 'tong lalaking 'to.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon