Chapter 7.

172 32 80
                                    

Thanks for the support IleviYou25

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thanks for the support IleviYou25. 💜

__________

Usap-usapan na ngayon sa buong campus 'yung in-announce ko kanina sa broadcasting room. Nakakatawa talaga sa tuwing naiisip ko ang mga haka-haka ng mga tsismosa rito sa school.

May mga nagsasabi na pakulo lang daw 'yun ng broadcasting club to gain more members syempre.

Sabi naman ng iba, baka libro raw 'yun or anything na related sa school.

Meron namang nagsasabi na condom daw 'yun or underwear ni Jax.

Hindi ko akalain na makakaisip sila ng mga ganyang bagay, e sinabi ko lang naman kanina na, "Hey, Jax A., it's me, your Little Red Riding Hood. I just wanted to say that you left your... you know, that thing inside my car. Wala ka na kasi noong dumating ako rito e. Come and get it, baby." with my mapang-akit na voice.

Ako pa talaga ang gagaguhin ng Jax na 'yan. Tinadtad niya pa ako ng chat kanina just to tell me na hinahanap niya raw ako. E ano naman ang pake ko kung hinahanap niya ako?

Kung may girlfriend na siya, matuto siyang makuntento sa isa. Hindi 'yung may girlfriend na siya tapos nagchachat pa siya sa ibang babae ng kiss emojis.

Wala lang naman 'yun sa akin pero paano kung makita at mabasa 'yun ni Jenny? Syempre, mag-iisip 'yun ng mga kahina-hinalang bagay. Sa ugali pa man din ng babaitang 'yun, malamang, makakaisip nga siya ng mga kahina-hinalang bagay.

Nag-iisip pa ako ng susunod kong gagawing paghihiganti kay Jax nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.

"Found ya, Red Riding Hood." He said while smirking.

Fuck. Stop it. 'Wag mo akong tawaging Red Riding Hood. No, 'wag kang lumapit sa akin. Ayokong madamay sa scandal mo na ginawa ko.

Tangina naman, badtrip. Nahanap niya agad ako.

Labag man sa loob ko dahil hindi ko pa masyadong nagagalaw ang lasagna ko pero tumayo na ako agad at nagmadaling lumabas sa kabilang door ng cafeteria.

Sa pagmamadali ko, may nabangga pa ako na kung sino kaya na-out of balance ako pero naramdaman ko rin na may sumalo sa akin kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

Bwisit! Sinusumpa ko talaga 'tong araw na 'to! Hinding-hindi na talaga ako magtatakong kahit kailan! Itaga ninyo 'yan sa kryptonite, kahit isama ninyo pa si Superman!

"Gotcha, Little Red Riding Hood." Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nakangising si Jax. Siya pa talaga ang nakasalo sa akin sa dinami-dami ng mga tao rito? Wow! Tangina lang talaga!

Nakayakap siya sa akin... no, nakaalalay siya sa bewang ko at nakayuko siya sa akin kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Ano ako, Pokémon?" Pagtataray ko sa kanya. "Tsaka itayo mo na nga ako nang maayos! Nangangalay na 'yung likod ko!"

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon