Chapter 28.

54 1 0
                                    

Jax's POV

"May gustong... kumausap sa inyo..." Hinihingal pa si Kiko nang sabihin niya 'yan sa amin ni Grynn. Mukhang tumakbo pa ata siya para lang sabihan kami. "'Yung tatay ni Akari, gusto niya kayong makausap."

Nagkatinginan kami ni Grynn. Inaasahan ko nang mangyayari ang senaryong 'to pero hindi ko naman inexpect na mangyayari agad-agad.

Nauna nang lumabas ng classroom si Grynn. Nakapamulsa ang mga kamay niya habang naglalakad kami sa hallway. Hanga talaga ako sa gagong 'to. Relax na relax pa rin ang postura niya knowing na haharapin namin ngayon ang big boss ng Red Sun. Sa bagay, he is also the big boss himself.

"Jen, ngayon mo na ba sasabihin kay Yamamoto 'yung proposal mo?" Mahinang sabi ko sa kanya. Maraming tsismoso't tsismosa sa school kaya kailangan kong mag-ingat na walang makarinig sa usapan namin.

"Yeah, siya na ang pumunta rito para makita tayo kaya ngayon ko na rin siya kakausapin." Kalmadong paliwanag niya sa akin.

Pagkapasok namin sa guidance office, tumambad agad sa amin ang seryosong mukha ni Yamamoto kasama ang mga tauhan niya. Himala, hindi niya ata kasama si Kaito ngayon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pagsisimula ni Grynn, "why don't we become business partners? 50-50 ang hatian sa black market."

Biglang dumilim ang timpla ng mukha ni Yamamoto sa narinig niya. "In what condition?"

"Hayaan mong maging malaya si Akari." May diin sa bawat pagbigkas ni Grynn sa mga sinabi niya.

Pagak na tumawa si Yamamoto. "Hayaan siyang maging malaya na maging kaibigan ang Black Moon?"

"So I guess tinatanggihan mo ang once-in-a-lifetime offer ko?"

"Gusto kong lumipat kayo ng ibang school, 'yung malayo sa anak ko." Sabi ni Yamamoto sa aming dalawa ni Grynn. Matalim ang tingin niya sa aming dalawa kaya masasabi kong hindi talaga siya nagbibiro.

"So, tinatanggihan mo nga 'yung offer ko?" Pag-uulit ni Grynn.

"Kung susundin mo ang kondisyon ko, papayag ako sa offer mo."

Si Grynn naman ngayon ang tumawa ng pagak. "Ayos ka rin, a. Ako 'yung nag-offer pero ikaw 'yung nagbibigay ng kondisyon? Parang ang unfair naman noon sa part naming mga Black Moon."

"Madali naman akong kausap kung susundin ninyo lang ang gusto ko."

"Ayoko. Bakit kami susunod sa Red Sun?" Mahinahon pero ramdam ang pagbabanta sa boses ni Grynn.

Simula pa lang naman, wala ng inuurungang kahit ano si Grynn. Patayan kung patayan ang labanan pero hindi ako papayag na gawin niya 'yun ngayon.

"Wala kang magagawa kung hindi ang sundin ako dahil kung hindi ninyo lalayuan si Akari, lalo lang siyang masasaktan dahil sa inyo."

Pagak na tumawa si Grynn at ginantihan niya rin ng masamang tingin si Yamamoto. "Bakit hindi 'yung anak mo ang ilipat mo?"

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko at palihim akong ngumisi dahil sa sinabi ni Grynn. Oo nga naman, may point nga naman siya. Bakit nga ba kami ang pinag-aadjust nitong si Yamamoto?

"Jen, tama na." Pinigilan ko na si Grynn dahil alam kong hindi talaga siya magpapatalo at baka lalo pang lumala ang gulo. Dalawa lang kami ngayon at wala kaming laban sa mga alipores ni Yamamoto.

Hindi kami prepared at ayokong gumawa ng iskandalo rito sa school.

"Ayoko." Matigas niyang sabi sa akin. Ang tigas talaga ng ulo ng ugok na 'to. Pabayaan ko siya dyang makipag-basag-ulo nang mag-isa e.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon