Chapter 14.

125 11 19
                                    

"Ito na nga e, itutuloy ko na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ito na nga e, itutuloy ko na." Lahat kami ay bumaling ulit kay Grynn at mga nakaabang sa sasabihin niya. "Nanood ako ng pageant nila kanina dahil Foundation Day ng school nila. And nanalo siya ng 1st runner-up."

Wow. Proud na proud ang gago sa kababata niya. Nakangiti pa siya habang nagkukwento siya.

"So, kaya tayo umiinom ngayon para mag-celebrate?" Bumalik na ulit si Blaize sa upuan niya.

"Yes." Proud na sabi ni Grynn. Ay sus, ibang klase rin 'tong gagong 'to e. Inlabong-inlababo kay Naya.

"Ayun naman pala. Akala ko broken ka na e. Malay ba namin kung nakita mo na si Naya na may kasamang ibang lalaki tapos boyfriend niya na pala 'yun 'di ba?" Pang-aasar naman ni Nix kay Grynn na pwede rin namang mangyari. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Grynn kung sakali ngang may boyfriend na pala si Naya?

"'Di ba ikaw ang broken? Lagi ka ngang binabasted ni Stella e." Pang-rirealtalk naman ni Grynn kay Nix.

"Booooo! Wala ka, Nix!" Panggagatong ko lalo. Nag-thumbs down pa ako sa kanya.

"Tangina ninyo, 'wag nga kayong issue dyan!" Binato niya ako ng unan sa mukha ko. "Ikaw nga lagi ang sinusungitan noong babaeng gusto mo e! Ano nga ulit ang pangalan noon? 'Yung member ng Red Sun?"

"Aka-" Tinakpan ko agad ang bibig ni Grynn. Pabiro niya akong kinwelyuhan. Tinignan niya rin ako ng masama pero hindi ko pa rin tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"Oy, oy, oy! Inuman lang, walang suntukan!" Nakangising wika ni Uno saka kami pinaghiwalay ni Grynn.

"Puchang kamay 'yan, Jax! Napaka-alat!" Pinunasan ni Grynn ang bibig niya at umarte pa siya na para bang diring-diri siya.

"Sorry. Nag-CR kasi ako kanina bago ako umuwi tapos nakalimutan ko nang maghugas ng kamay ko."

"Putangina! Ang gamol, pre! Nakakadiri ka!" Pabiro niya akong sinuntok sa balikat ko. Tumawa lang ako ng malakas sa reaksyon niya.

"Hoy, tama na 'yang kaartehan ninyo! Balik tayo kay Jax." Pagsisimula na naman ni Nix sa topic. "Ano na ang pangalan noong babae mo?"

"Bakit ba?"

"Gusto kong malaman e. Bakit din ba?"

"Bakit ba ang tsismoso mo? Pinakekelaman ko ba kayo ni Stella?"

"Bakit ba ayaw mong sagutin 'yung tanong ko?"

"Ssshh. 'Wag na kayong maingay. Tulog na si Lei." Ngumuso pa si Uno para lang ituro si Blaize na nakabulagta na sa couch.

Ngumiti ng nakakademonyo si Nix. Mukhang may naiisip na namang gawing kalokohan 'tong gagong 'to.

Sinipa-sipa niya si Blaize. "Oy, kumag. Gising dyan. Alas diez pa lang ng gabi, tulog ka na agad? Ang hina mo naman."

"Bakit ba?" Bumangon naman si Blaize at naghikab pa. "Tangina ka, istorbo. Kaiidlip ko pa lang e."

"Nagpainom si Grynn dahil nanalo si Naya. Itong si Jax naman ay manliligaw na kay Samantha."

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon