Chapter 23.

112 5 26
                                    

Pamilyar sa akin ang pangalan ni Nix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pamilyar sa akin ang pangalan ni Nix. Sa pagkakatanda ko, nabanggit siya ni Aaron noon.

"Si Nix nga pala, pinsan kong tukmol na tsismoso." Pakilala ni Jax sa pinsan niya pagkalapit niya sa akin.

"Sa wakas, nakilala ka na rin namin in person. Alam mo bang pinag-uusapan ka pa lang namin noong—" Hindi na natapos ni Nix ang sasabihin nito dahil biglang tinakpan ni Jax ang bibig nito.

"'Wag kang nakikinig sa lalaking 'to." Nakatakip pa rin ang kamay ni Jax sa bibig ni Nix. "Tara, pakilala pa kita sa iba."

Hinila na ako ni Jax papalayo sa pinsan niya.

"Ito naman si Athena." Pakilala niya doon sa babae kanina na maganda at may sexy na pangangatawan.

"Hi!" Masayang bati sa akin ni Athena. "Grabe, napakaswerte talaga nitong si Jax at nakilala ka niya!"

"Jusme, isa ka pa." Napapakamot na lang si Jax sa ulo niya.

"Hi." Masayang pagbati ko rin kay Athena. Nakakahawa naman kasi ang masayang aura niya.

"Kilala mo naman na si Grynn kaya pass na tayo sa kanya." Pagpapatuloy ni Jax sa pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya. And as usual, wala na namang reaction si Grynn.

"Ito naman si Stella." Pakilala ni Jax sa isang babae na mukhang bata pa.

Nahihiyang ngumiti sa akin si Stella. Kapangalan niya 'yung hinahanap kong anak na babae noong mag-asawang ipinapatay ni Chichiue.

"Si Blaize, boyfriend ni Athena. At si Uno, asawa ni Leana." Itinuro ni Jax ang dalawang lalaking ipinakilala niya sa akin. "Guys, si Akari nga pala."

"Girlfriend mo!" Panunukso na naman ni Athena. Bakit ba nila kami inaasar? As if namang magkakagusto si Jax sa akin, lalo na kapag nalaman niyang anak ako ng isang gang leader.

"Oy, oy, oy, tama na 'yang asaran! Kain na tayo!" Pinalapit na kami ni Ate Jade sa mesa.

Isa-isa naman kaming lumibot ng upo sa mesa. Katabi ko si Jax sa right side ko at si Ate Jannah naman ang nasa left side ko.

Masaya ang lahat na nagkukwentuhan habang kumakain. Si Leana at si Athena ang nag-iihaw ng pork belly sa grill pan na nasa gitna ng mesa.

"Okay, groufie naman tayo!" Excited na pumwesto si Tita Jackie para kumuha ng picture. Kinuha niya ang selfie stick sa bulsa ng pantalon niya. Ikinabit niya ang cellphone niya at pinahaba niya ang stick. "O, tingin muna rito! Hana, dul, set... kimchi!"
(Hana, dul, set... kimchi! — One, two, three... kimchi!)

"Patingin nga ako, Tita!" Nangunguna si Nix na tumingin sa cellphone ni Tita Jackie. "Naks, ang ganda! Upload mo na agad sa Facebook tapos i-tag mo kami!"

"Ano bang FB mo, Akari?" Tanong ni Tita Jackie sa akin.

"Po? Akari Yamamoto po."

"Okay, sige. Accept mo friend request ko." Bumaling siya kay Jax. "I-connect mo 'yung cellphone ni Akari sa Wi-Fi natin, dali."

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon