Chapter 16.

123 9 25
                                    

Sinundan ko si Jax sa pila pero hindi niya ako napansin dahil nakatingala siya sa menu na nasa itaas ng counter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinundan ko si Jax sa pila pero hindi niya ako napansin dahil nakatingala siya sa menu na nasa itaas ng counter.

"Jax, ako na ang oorder ng pagkain natin." Nakatingala rin ako sa kanya dahil, oo, siya na ang pinagpala sa height at ako na ang hindi.

Nilingon niya naman ako pero ibinalik niya rin agad ang tingin niya sa menu. "Ako na. Maghanap ka na lang ng mauupuan natin."

"Ako na. Treat ko today, 'di ba?"

"Bayaran mo na lang ako mamaya."

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang abala pa rin siya sa pagpili ng kakainin niya. Teka, sobrang dami ba ng gusto niyang kainin? Patay, mukhang mapapalaban ata ang wallet ko ngayon.

"Okay, sige. Orderin mo lang lahat ng gusto mong kainin." Malapit naman nang matapos ang suspension ko kaya magkaka-allowance na ulit ako.

Iniwan ko na siya sa pila. Naglakad na ako papunta sa event room ng Jollibee dahil mukhang doon na lang ang may mga bakante pang upuan.

Pagkapasok ko sa loob ng event room, dumapo agad ang tingin ko sa grupo ng mga kabataan na dumaan sa harap namin kanina.

Siyam silang lahat, apat na babae at limang lalaki, na mukhang mga high school student pa lang base sa school uniform na suot nila ngayon. Sila 'yung tipo ng mga kabataan na pa-cool kids. Pwede rin silang maihalintulad sa mga jejemon noon.

May mga hikaw ang tenga ng mga lalaki at ganoon din ang mga babae. 'Yung iba rin sa kanila ay may kulay pa ang buhok.

Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa gawi ko, I mean, sa akin ang mga kabataan na pa-cool kids. 'Yung tinginan na ibinibigay nila sa akin, parang mga naghahamon sila ng away.

Napangisi na lang ako dahil ang lalakas naman ng loob nila na samaan ako ng tingin. Ang akala siguro ng mga batang 'to ay ka-edad ko lang sila.

Well, hindi sila worth ng time ko kaya hindi ko na lang sila pinansin. Dumiretso na lang ako ng lakad ko papunta sa bakanteng upuan na malapit lang sa likuran nila.

"Ay, sorry, hindi ko sinasadya." Sarkastikong sabi noong babae na nanalisod sa akin. Aba, mukhang ina-underestimate ata ako ng mga batang 'to, a.

Hinarap ko siya at ngumiti ng sobrang tamis sa kanya. "It's okay, dear, I understand. Mukhang hindi rin naman kasi kayang i-comprehend ng utak mo na dapat mong itabi 'yang binti mo kapag may taong dadaan malapit sa'yo. Unless, hindi tao ang tingin mo sa akin."

Tinalikuran ko na silang lahat at naglakad na ulit ako papunta sa pupwestuhan naming table ni Jax.

Kakaupo ko pa lang pero napansin ko na agad sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin silang lahat sa akin. Aba, nangangamoy away na naman ata ngayon, a. Kakatte koi!
(Kakatte koi! — Bring it on!)

"Here you go." Inilapag na ni Jax sa mesa ang tray na hawak niya. Tinulungan ko na siyang i-hain ang mga pagkain namin.

"Magkano lahat?" Kating-kati na akong magbayad sa kanya dahil ayoko ng may utang ako sa ibang tao.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon