Chapter 2.

205 43 103
                                    

"Gumawa talaga kayo ng gulo on the very first day of school ha? At sa klase ko pa talaga?" Galit na galit sa amin si prof

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gumawa talaga kayo ng gulo on the very first day of school ha? At sa klase ko pa talaga?" Galit na galit sa amin si prof. dahil sa ginawa naming gulo sa klase niya kaya pinapunta niya kami agad sa faculty room para sermonan. "Ms. Yamamoto, Ms. Albert, alam ninyo namang graduating na kayo 'di ba?"

Blah, blah, blah, blah. Hindi ko siya pinakikinggan sa sermon niya. Bahala siya dyang magtatatalak hangga't gusto niya.

"E kasi naman po, Ma'am, hindi po ba kayo magagalit kapag may sumira po ng cellphone ninyo?" Pangangatwiran ni Jenny.

At ito namang babaeng 'to, nakuha pang sumagot sa mga sinasabi ni prof. kaya lalong humahaba ang usapan. Kakalbuhin ko talaga nang tuluyan 'tong babaeng 'to e.

"But it doesn't mean na mag-aaway na kayo." Pagpapatuloy ni prof. sa sermon niya sa amin. "Graduating na kayo. Hindi na dapat kayo gumagawa pa ng gulo dahil pwede 'yang makasira sa records ninyo."

Unti-unting nag-fade ang boses ni prof. hanggang sa wala na akong narinig sa mga sermon niya. Nakatingin lang ako sa labi niya na bumubuka at nagsasalita pero wala akong naririnig. Para akong nanonood ng TV na naka-mute ang sound.

Halos isang oras din ang panenermon sa amin ni prof. tapos idagdag ninyo pa ang kadaldalan ni Jenny Hilantod.

Ngawit na ngawit na ang binti ko dahil sa suot kong sapatos. Kung alam ko lang na masesermonan ako ng ganoong katagal, hindi na sana ako nagsuot ng sapatos na may mataas na takong. Pero okay na rin 'to dahil nasira ko ang cellphone ni Jenny Albert a.k.a. Hilantod Girl #2.

Kaklase ko na siya simula first year palang kami pero hindi kami close because of some personal issues. Well, obvious naman sa pag-aaway namin 'di ba?

"Hoy, Akari, bayaran mo 'yung cellphone ko." Sabi niya agad sa akin pagkalabas namin ng faculty room.

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglalakad ko. Bahala ka dyan. Wala kang mapapala sa paniningil mo sa akin dahil hindi naman kita babayaran.

"Hoy, ano ba?!" Pwersahan niyang hinila ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad ko at sapilitan akong napaharap sa kanya. Ang kulit naman ng lahi nitong babaeng 'to.

Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at tinignan ko siya ng masama. "Kasalanan mo rin naman kung bakit ko sinira 'yung cellphone mo e."

"Talaga ba? Ang sabihin mo kasi, likas na talaga sa'yo ang pagiging war freak mo. 'Di ba anak ka ng gang leader? Kaya no doubt na ganyan ang ugali mo." Sabi niya sa akin na may kasama pang pagak na pagtawa kaya lalong nag-init ang dugo ko sa kanya.

I clenched my fist to control my anger from bursting out. Kalalabas pa lang namin ng faculty pero sinisimulan na naman ako nitong babaeng 'to. Isa na lang talaga, makakatikim na talaga siya sa akin. Gusto niya talaga atang mawalan ng buhok nang wala sa oras e.

"Tsaka mayaman naman kayo 'di ba? E 'di bayaran mo 'yung cellphone ko." Ang arte-arte pang magsalita. Hilahin ko 'yang braces niya e, ewan ko na lang kung makapagsalita pa siya.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon