Chapter 26.

71 4 0
                                    

Kaito's POV

[Kaito, nawawala si Akari.]

Kumunot ang noo ko sa masamang balita ni Gin.

[Mukhang may inutusan si Boss na magbantay sa kanya habang nandito kami sa Japan.]

"Paano mangyayari 'yun, e nasa..." Sigurado akong nasa school si Akari ngayon. Ako pa nga mismo ang naghatid sa kanya.

Pero si Akari ang pinag-uusapan namin dito. Ano na naman kaya ang ginawa niya ngayon?

Napahilot ako sa sentido ko. Pasaway ka talaga, Akari.

"Salamat, Gin, ako na ang bahala sa kanya."

[Balitaan mo na lang ako.]

"Sige, salamat." Ibababa ko na sana ang tawag niya nang bigla siyang magsalita ulit.

[Kaito, kailangan na nating magmadali. Mukhang nakakahalata na si Boss sa plano mo.]

"'Wag kang mag-alala, konting hintay na lang."

[May tiwala ako sa'yo.]

"Salamat, Gin, mag-iingat ka dyan."

Ibinaba ko na ang tawag niya. Hinanap ko naman agad ang number ni Grynn sa contact list ko.

Tatawagan ko na sana siya nang biglang lumabas ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag niya.

[Kaito, bakit may Red Sun sa school kanina?]

"Sakto, Grynn, tatawagan na sana kita e. Si Akari kasi, I don't know the exact details pero nawawala si Akari. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nagpapunta kami ng Red Sun sa PUP para hanapin din siya doon kung sakali mang pinuntahan niya si Jax."

Pero hindi naman talaga 'yun ang totoo. Wala akong inutusan na Red Sun na magpunta sa school nila. Mukhang nakakilos na agad si Uncle kahit nasa Japan man siya ngayon.

[Sorry to say pero walang Akari na pumunta sa school para makipagkita kay Jax. But we will help you sa paghahanap sa kanya.]

Ibinaba niya na ang tawag. Kung wala si Akari doon, nasaan na kaya siya ngayon?

"Akari, ano ba ang gagawin ko sa'yong bata ka? Ngayon mo pa talaga naisipang tumakas?" Mahinang sabi ko sa sarili ko.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at pinuntahan si Manang Carmen sa kusina. Naabutan ko siyang naghahanda ng hapunan.

"Manang, kailangan ninyo nang umalis ngayon." Matigas na pag-utos ko sa kanya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin? May problema ba?"

"Doon muna kayo sa bahay na binili ni Gin para sa inyo."

Itinigil niya ang pagluluto at pinatay ang sindi ng kalan. "Pero bakit naman kami aalis? May nangyari ba?"

"Wala pa naman po."

"Kaito, kung ano man 'yang pinaplano mo, 'wag na. 'Wag mo nang ituloy." Nag-aalala niyang sabi sa akin.

"I'm sorry, Manang, but I have to do this. Please, just leave as soon as possible. Ayokong madamay kayo ni Manong Alfred." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Sila na ang nagsilbing pangalawang magulang namin ni Akari kaya hindi ko hahayaang madamay sila ni Manong Alfred sa gulo ng Red Sun.

Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Mabait at maunawain kang bata. Para ko na kayong anak ni Akari at kapatid na rin ang turing sa inyo ni Yujin. Pero ano ang sasabihin mo kay Takeshi kapag hinanap niya kami?"

"Ako na po ang bahala roon."

Labag man sa loob ni Manang ay sinunod niya pa rin ako. Umalis sila ni Manong Alfred nang araw din na 'yun at umuwi sila sa bahay na ipinundar ni Gin para sa kanila.

"Ipinapatawag ninyo raw po ako, Boss?"

Agad kong hinarap si Anzel, isa sa mga tauhan ko na member din ng Red Sun.

"Isama mo ang grupo mo at hanapin ninyo si Akari. Kailangan nating maunahan si Uncle Takeshi na mahanap siya." Utos ko sa kanya.

Yumuko agad siya bilang paggalang. "Masusunod po, Boss."

"Mag-iingat kayo at 'wag kayong magpapahuli."

Lumabas na siya ng kwarto ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Gin.

"Gin, mukhang mapapaaga ang plano ko."

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon