Chapter Fifteen - Reconciliation

6.7K 178 2
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Pagkarating ko ng St. Caroline, agad kong hinanap si Xander. Lahat ng alam kong pinagtatambayan niya at pinuntahan namin dati, pinuntahan ko. Pero ni anino niya hindi ko makita. Nasaan na ba siya? Nagtanong-tanong ako sa iba pero hindi rin nila alam. Hahanapin ko pa sana siya kaso may narinig ako na nakapagpanting ng tainga ko kaya napahinto ako.

"Sila Ken na kaya ulit at Kate? Nakita ko kasi sila sa may Horse stable na sobrang sweet," sabi ng isang babae.

"Impossible, kaka-break lang nila Kate at Xander 'di ba?" sabi naman nung isa.

"Pero iba naman yung gusto ni Xander. Nakita mo kung paano niya ipinagtanggol yung Airyll?"

Nagising na lang ako sa katotohanan nang may nabangga sa akin. Ano ba itong iniisip ko? Bakit ba ako dinadala ng mga paa ko sa stable? Bakit kailangan pang kumpirmahin ng sarili kong mga mata yung narinig ko? Napakasama ko naman sa sarili ko.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng horse stable ay nakita ko na sila Ken at Kate na masayang nakasakay sa isang kabayo. Halata sa ekspresyon nila na masaya sila. Pero bakit nangingilid yung mga luha ko at ang sakit ng dibdib ko? Naramdaman kong may nagtakip ng mga mata ko kaya tuluyan nang nagsipagbagsakan yung mga luha ko.

"Napakamahal ng blindfold na ito kaya dapat bayaran mo ako."

Nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon bigla akong napangiti at gumaan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko. Tinanggal ko yung kamay niya sa mga mata ko at tiningnan ko siya.

"Matagal na akong bayad, noong nasa lawa pa tayo at sinabi kong hindi kita ija-judge." Narinig ko siyang tumawa. Nakaka-miss yung tawa niya at nakakagaan ng loob. Parang feeling ko nawawala yung guilt ko.

Dumiretso kami sa tambayan namin, sa may lawa. Tahimik lang kami. Pareho kaming nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kan'ya, pero ang nakakapagtaka, walang kahit anong awkwardness sa pagitan naming dalawa. Ang ironic pa dahil ang gaan ng loob ko ngayong kasama ko siya. Yung sama ng loob ko kay Ken nakalimutan ko pansamantala.

"Xander, I'm sorry."

Itinaas ko ang mga tuhod ko at isinubsob yung mukha ko dahil kinakabahan ako kung anong sasabihin niya. Mamaya ayaw na niya akong maging kaibigan. Kung anu-ano na namang iniisip ko. Inaatake na naman yata ako ng anxiety ko.

"Huwag mo sabihing iiyak ka na naman? Ang hirap naman magpatahan ng kaibigang iyakin. Para kang may bata na laging kasama," biro niya. Mas lalong gumaan yung loob ko at nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Tiningnan ko siya. "Ano? Gusto mo candy?"

"Hindi ka galit sa akin?"

"Alam ko namang nag-aalala ka lang sa akin. Lagot ako kay Alice kapag hindi pa kita pinatawad. Pagkata-"

Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya. Akala ko mawawalan na ako ng kaibigan at malint desisyon yung ginawa ko. Baka mabaliw ako dito sa St. Caroline kapag pati si Xander kinamuhian ako.

"Promise, I'll do my best para hindi na ulit mangyari yun."

"Gusto mo ba ako?"

Sa sobrang gulat ko sa tanong ni Xander, hindi ko sinasadyang maitulak siya. Napagtanto ko rin na ang awkward pala ng pagkakayakap ko sa kan'ya bigla. Kahit siguro ako mami-misunderstood ko yun.

"Gusto mo bang mapaaway ulit kay Ken? Kung anu-ano pinag-iisip mo. Na-miss ko lang kaibigan ko."

"Bakit? May nangyari na naman ba? Dahil ba yun kanina?" Natahimik ako bigla. Tanging si Xander lang nakakaalam ng nararamdaman ko tungkol kila Ken at Kate dahil sa kan'ya lang ako nagsasabi.

His Missing Fiancée (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant