Chapter Eighteen - Chaos

7.7K 184 1
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

"Ms. Airyll, Ms. Airyll."

Agad kong idinilat mga mata ko at nagulat ako nang makita ko si Alex. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hinawakan ko ang aking noo baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko. Parang minamartilyo ang ulo ko. Umupo ako at napansin kong madilim pa rin ang paligid.

"Ms. Airyll, kailangan niyo pong magbihis. Si Prince Ken po."

Doon ko lang naalala lahat na mas lalo pang nakapagpasakit ng ulo ko. Tiningnan ko ang orasan at alas-otso na ng gabi. Halos isang araw akong tulog?! Gan'to ba ang epekto ng sobrang sakit na nararamdaman ko na pati sa katawan ko bumabawi?

"Ms. Airyll." 

Bigla akong naibalik sa wisyo nang alugin ako ni Alex.

"Ba...bakit?" gulat kong tanong.

"Kailangan po nating umalis dahil si Prince Ken po kaninang madaling araw pa pong nakikipagbugbugan sa Arena."

"A...ano?"

Dali-dali akong nag-ayos. Sa totoo lang, hindi ko alam gagawin at mararamdaman ko ngayon. Gulong-gulo ako. Kung wala si Alex, baka hindi ko naayos sarili ko. Wala ako sa matinong pag-iisip ngayon.

Habang nasa byahe ay napansin ko ang cellphone ko na maraming missed calls galing kay Xander. Mayroon ding mga mga text messages na isa lang sinasabi, "Nakikipagpatayan na yung fiancé mo dito"

Inilagay ko ang kamay ko sa ulo ko dahil sa sobrang sakit kakaisip. Ano bang ginagawa ni Ken? Nagpapakamatay ba siya? Sabi ko ipaglaban niya nararamdaman niya kay Kate, hindi makipag-pisikilan kung kani-kanino sa samahan nila na para bang sabik makipagkita kay kamatayan.

"Ms. Airyll, mawalang-galang po. Ano po bang nangyari at biglang sumugod si Prince Ken sa Arena?" Napapikit at buntong-hininga ako sa tanong ni Alex.

"Sumuko na ako. Hindi ko na kaya. Napapagod na ako," mahina kong sabi.

Napaka-weak naman ng utak ko at puso, parehong sumasakit. Isa-isa lang kung matapang sila. Nakakainis. Sa tanang buhay ko, pangalawang beses ko pa lang nararanasan ito. Bakit ba kasi ang kumplikado ng lahat. Napansin kong tahimik lang si Alex na nagda-drive.

"Mali ba na sumuko ako?" tanong ko.

"Hindi niyo po kasalanan, Ms. Airyll dahil alam ko pong napapagod na kayo." Alam kong pinapagaan ni Alex yung loob ko pero may part pa rin na nagi-guilty ko, na parang kasalanan ko. "Pero kung ginawa niyo po iyon kung kailan alam niyong may kaunting pag-asa na, parang ang unfair naman po nun para sa sarili niyo. Parang ipinagkait niyo po sa sarili niyo na sumaya dahil lang sa takot kayo na mag-take risk."

"Siguro mas okay na rin na maging unfair ako sa sarili ko dahil ayaw kong maging hadlang sa kanilang dalawa ni Kate. Ayaw kong ipagkait kay Ken yung kasayahan na hindi ko makuha sa kan'ya. Siguro mas mapapabuti siya kasama si Kate."

"Naiintindihan ko po ang desisyon niyo Ms. Airyll at alam kong maraming masasakit na bagay na ang nangyari sa inyo. Lalo na po sa ina niyo. Sana lang po, bigyan niyo ng pagkakataon na unahin yung sarili niyo pong kasiyahan at ipaglaban iyon. Alam ko rin po na mas mapapabuti po si Ken sa inyo kaysa kay Princess Kate." 

Matapos ang mahigit kumulang isang oras, nakarating din kami sa destinasyon namin. Maraming magagarang sasakyan ang naka-park sa paligid at rinig mula sa parking arean ang ingay na nanggagaling sa loob ng arena. Agad kaming pumasok doon at nakita namin si Ken sa gitna na nakikipaglaban at duguan.

"Ken!" sigaw ko nang bumagsak siya ngunit kahit anong lakas ng sigaw ko, malayong marinig ako dahil sa hiyawan ng mga tao sa paligid na tuwang-tuwa dahil sa nasaksihan nila.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now