Chapter Eight - Sacrifice

7.6K 194 8
                                    

(Ken Richard's P.O.V.)

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Airyll para sa lalaking iyon. Ano bang pinapakain sa kan'ya ni Angeles para magsasama-sama siya sa kan'ya. Handa pa siyang salubungin yung suntok ko para hindi tamaan yung gagong iyon. Mas importante ba yung lalaking iyon kaya hindi niya naiisip kung ano'ng puwedeng mangyari sa kan'ya?

"Ayos ka lang ba Ken? You seemed disturbed," tanong ni Kate at tumango lang ako.

Nandito kami ngayon sa tambayan naming magkakaibigan. Ginagamot niya yung kamao ko. Sa totoo lang gusto kong magwala. Naiinis ako sa mga nangyari kanina. Kung wala lang si Kate, kahit nandito pa itong mga kaibigan ko, hindi nila ako maaawat. Pagkatapos gamutin ni Kate yung kamao ko ay umalis na rin siya. Ihahatid ko sana siya kaso pinigilan niya ako kaya sumunod na lang ako.

Biglang dumating si Alex at sinabi na sa bahay muna ni Tito Ricky umuwi si Airyll. Mabuti na rin siguro iyon, para mapalamig namin yung mga ulo namin. Kung hindi lang ako pinagbabantaan ng tatay ko na itatakwil ako kapag ika-cancel ko yung arrange marriage namin ni Airyll at aalisan ng mana, matagal ko nang ipinatigil iyon.

"Salamat, Alex." Tumango si Alex at umalis na. Pero may naalala ako. "Pa-schedule mo ako ng laban kay Xander. Sa lalong madaling panahon."

Kailangan kong makaganti sa kan'ya. Kaya lang naman hindi ko magalaw si Xander dahil kay Kate. Kahit sumabog na ako sa galit, huwag ko lang makitang nasasaktan si Kate, ayos lang. Lahat naman kaya kong gawin sa kan'ya. Pero, iba ang gusto niya, at ang masama, si Xander pa. Sana nga lang makita niya ako. Ika-cancel ko talaga ang fixed marriage namin ni Airyll, kapag sinabi niya. Kahit itakwil pa ako ng tatay ko.

"Kalma ka lang bro. Tingin mo ba wala ka ring mali kung bakit nagkakaganoon yung fiancée mo?" tanong ni Ranz.

"Kung tutuusin, pareho lang kayo. Ikaw sumasama ka kay Kate at siya naman kay Xander. Parang quits lang 'di ba? Pero bakit gan'yan reaksyon mo? Dapat nga masaya ka na may gustong iba yung fiancée mo dahil hindi niya pinapakialaman yung buhay mo," dagdag ni Xavier.

Tiningnan ko lang sila habang naglalaro ng bilyar. May punto sila pero mayroon pa rin naman kaming pinagsamahan ni Airyll at ayaw kong mapunta siya sa lalaking iyon dahil hindi siya mapapabuti sa kan'ya. Kahit papaano gusto ko pa rin mabayaran yung atraso ko sa kan'ya nung mga bata pa kami.

"Masamang tao si Xander. Ayaw kong pagsisihan ni Airyll mga desisyon niya ngayon. Kahit papaano may pinagsamahan din kami."

"Aminin mo na lang na nagkakagusto ka na rin sa Fiancée mo at nagseselos ka dahil palagi silang magkasama ni Xander," sabi ni Nigel habang nagbabasa.

Hindi ko inaasahan ang komento niya. Siya ang pinakatahimik sa amin at laging nag-oobserba sa mga bagay-bagay. Pero kapag nagsalita siya, may mapapagtanto ka at may laman. Pero sa sinabi niya kanina, parang hindi siya yung Nigel na iyon.

"Himala, nagbibiro ka yata ngayon, Nigel?"

"Tama naman si Nigel. Bakit ba ayaw mo sa fiancée mo? Ano bang mali sa kan'ya?" sabi ni Xavier.

Bakit nga ba ayaw ko kay Airyll? Kung tutuusin, tama sila. Kumpara sa ibang babaeng nakilala ko, matino si Airyll. Maalaga rin siya. Pero ano nga bang problema at nung una pa lang, hindi ko na siya nagustuhan? Mas una ko rin siyang nakilala kaysa kay Kate.

"To be honest, she actually caught my eyes and if it weren't for you Ken, I'll date her." Binato ko ng unan si Ranz, pero nakaiwas siya kaya si Xavier natamaan na halatang nagulat.

"Siraulo ka talaga."

"Tingin mo ba nagpapatawa ako?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Naglaro na lang ako ng games sa phone ko. Baka mag-amok na naman ako dito kapag hindi nila tinigilan yung pangungulit at pang-aasar sa akin. Gusto ko munang kalimutan yung mga nangyari kanina.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now