Chapter Seventeen - Wreck

7.5K 192 1
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Dumiretso ako sa Archery Range. Sobrang gulo ng isip ko. Mas lalo pang pinapagulo ni Xander. Baka matulungan ako ng pag-a-archery na makapag-isip nang maayos. Agad akong nagpalit at nagsuot ng gear. Pagkatapos ay dumiretso ako sa puwesto ko. Pero maling desisyon yata na pumunta dito dahil nakita ko si Kate na nagpa-practice sa malapit sa puwesto.

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa puwesto ko. Umakto ako na parang walang nangyari at hindi ko siya kakilala. Kinuha ko yung Bow and arrow at pumwesto na. Inaayos ko yung posisyon ng bow bago tumira.

"So you're currently living with Ken?"

Bigla kong naitira yung pana nang magsalita si Kate at imbes na ma-bull's eye yung tira ko, tumama yung pana sa pinakalabas na parte ng papel.

"Oops, did I disturb you?" mapang-asar na sabi ni Kate.

Ano bang problema niya? Hindi pa ba siya kuntento at masaya dahil nasa kan'ya na yung atensyon ni Ken? Pati ba naman ako kailangan niyang guluhin? Siguro kung basagulera lang ako, pinatulan ko na siya.

"No, I'm fine. I guess I'm too distracted thinking about useless things," sabi ko bago kumuha ng arrow ulit.

Inayos ko yung pag-asinta ko sa target habang nagsasalita si Kate. Kapag nainis ako, yung bibig niya ta-target-in ko, baka sakaling manahimik na siya.

"Do you actually have feelings to your fiancé?"

Bumuntong-hininga ako bago ko inasinta yung target ko. Nag-bull's eye yung tira ko. Pakiramdam ko naghahanap talaga ng away itong babaeng ito e. Kumuha ulit ako ng arrow bago ko sagutin yung tanong niya.

"Yes. How about you? How did you feel after using Xander? Did he satisfy your family's business needs?"

Napansin ko na biglang nawala yung mga mapang-asar na ngiti ni Kate. Sabi nga nila, kung sino pa yung malakas mang-asar, sila pa yung mabilis mapikon.

"You seem to know something, aren't you?" Nginitian ko lang siya. Nakakawala ng energy kausap siya. "Anyway, I think you and Xander fit together. Why don't you break your arranged marriage with Ken? It seems like you're hitting on two boys and it's not a proper attitude for a decent young woman or not since you're from a squammy area?"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Nakakahiya naman sa kan'ya. Napansin kong titira na siya, agad ko itinaas yung bow ko at pagka-release niya ng arrow niya, tinira ko yung arrow na gamit ni Kate at tumama iyon sa kabilang target paper na katabi ng kan'ya. Bull's eye.

"What the hell is your problem?!" sigaw ni Kate.

"I should be the one asking you that? Can't you shut your mouth for a second?"

Binaba ko na yung bow na hawak ko at tinalikuran ko na si Kate. Nakakawalang gana mag-archery kapag may mga toxic people na umuubos ng pasensya mo. Paalis na sana ako sa range, pero nagulat ako nang hinablot niya yung buhok ko at sinabunutan niya ako.

"Tiga-squatter ka talaga. Akala mo hindi kita papatulan porke anak ka ng may-ari ng eskuwelahan na ito?"

"Ano ba?! Nasasaktan ako. Sino bang nag-umpisa?!" sigaw ko sa kan'ya pabalik at hinablot ko na rin yung buhok niya.

Hindi ako basagulerang tao pero deserve ko naman sigurong ipagtanggol yung sarili ko kapag na-agrabyado na ako. Gusto ko siyang patulan sa mental na paraan pero mas pinili niya ang pisikalan. Ganitong babae ba ang gusto ni Ken?

"Kate, stop it!"

"Airyll, tama na."

Agad nagsi-datingan yung ibang tao at inawat kami. Nagulat ako nang lumapit sa amin si Ken at Xander. Pero ang mas ikinagat ko ay nang umiyak si Kate at nag-drama-drama na akala mo aping-api.

His Missing Fiancée (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora